Chapter 33

17 5 3
                                    

Dedicated to BellamenteHermosa & lmnop7895

A/N: R-18 This chapter contains matured and explicit content. Read at your own risk.

NEPHELE'S POV

"Bakit kailangan niyong gawin iyon?!" galit na tanong ko sa grupo nila Magno pagkatapos silang kausapin ng mga propesor.

Naiwan kami dito sa oval kasama si Sebi dahil kailangan pa nila kausapin ang grupo nila Magno.

"Anee, kami na ang bahala dito. Isasama ko na sila sa guidance. Puntahan niyo na lang si Ice." pagawat sa akin ni Sebi sa akma kong pagsugod sa mga lalaking ito.

"Girls. Leave this to the guidance. Ayokong mas lumala pa ito. Please, just check on your classmate. I'll go there once this is settled." pagawat rin ni Miss Somati.

Wala akong nagawa kundi ang umirap.

Anong rason nila para gawin iyon? Sa pagkakatanda ko ay wala namang ginawa sa kanila ang boys. Sila pa nga itong nauunang gumawa ng hindi maganda. Tulad na lang noong ginawa nila sa akin!

"Halika na, Anee. Puntahan na natin si Ice."

Pagtalikod namin ay saktong sumulpot sila Poh at Pyrrhos.

"Nasaan na iyong mga gagong—" naputol ang tanong ni Pyrrhos nang makita kaming masama ang tingin sa kanila.

"Ah, baby. Nandyan pa pala kayo. Ano pang ginagawa niyo dito?" napapakamot sa batok na tanong ni Pyrrhos kay Schy.

"Eh kayo? Bakit bumalik pa kayo dito? At sinong hinahanap mo?" nakapameywang na tanong rin ni Schy.

Ako naman eh hindi maalis ang masamang tingin kay Poh.

"Mone.."

"Mauuna na ako sa inyo. Allai, sumama ka na lang muna sa akin." sabi ni Elissa.

"Ah sige, Elissa. Mauna na kami, Nephele, Ischyra." paalam nito at tinanguan naman namin.

Nang mawala na ang dalawa eh hindi ko napigilan at hinila ko ang tenga nitong si Poh.

"Ouch! Mone! That hurts! Ouch!"

Nang makalayo ng kaunti kila Schy ay binitawan ko na ang tenga niya.

"Why did you do that?" tanong niya habang hinihimas ang tenga.

Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya ng masama.

Ha! Kung hindi sana kinunsinti nito si Ice kanina at inawat na lang sana edi walang nasaktan.

"Hey, why are you mad?" akmang lalapit ito sa akin pero hinarang ko ang palad ko para tumigil siya.

"What? I didn't do anything?" pagdedepensa sa sarili.

"Iyon na nga. Wala kang ginawa pero kinunsinti mo pa."

"Tsk. They're asking for it. Ouch! Ok—, ouch! I'm sorry!"

"Magdadahilan ka pa!"

"I said, I'm sorry. Why are you still mad? Look at them, they're not fighting." turo pa nito kila Schy.

Nilingon ko naman iyong dalawa. Hindi nga sila nagaaway, pero halatang nagpapaliwanag rin si Pyrrhos.

"Huwag mong iniiba ang usapan. Bakit bumalik pa kayo dito?"

AEPYGERO SERIES: Love & AngerWhere stories live. Discover now