Chapter 11

52 19 0
                                    

ATHANA'S POV

"Sir Wane, bakit niyo po ako pina-excuse?" nagtatakang tanong ko.

"Hindi ba ay wala kang nakuhang weapon noong nakaraan?" tanong rin nito sa akin.

"Opo." sagot ko.

"May mga bagong weapon kasing dumating kahapon. Lahat ng mga hindi nakakuha ng weapon last time ay susubukan namin kung ang weapon niyo ay kasama sa mga bagong dating na weapons." pageexplain nito.

Nagliwanag naman ang mukha ko. May pagasa pa ako! Sana talaga meron na akong weapon doon.

Pagpasok sa armoury ay may hindi lalagpas sa sampung estudyante ang naroon. Mga katulad ko rin siguro na hindi nakakuha ng weapon noong nakaraan.

"Ok, students. You may now try to look for your weapons. These weapons in the middle are the new ones." tinuro ni sir ang lamesa sa gitna ng kwarto.

Lumapit naman ako doon at nakitang mahigit twenty na magkaka-ibang weapons ang naroon.

Pinasadahan ko ng tingin ang lahat ng iyon hanggang sa tumigil ang mata ko sa isang spear. Lumapit ako doon at tinitigan iyon.

Huminga ako ng malalim at humihiling na sana ay hindi ako makuryente. Dahan-dahan kong inilalapit ang kamay ko doon.

"Aray!"

"Limang beses na akong nakukuryente ah! Kainis!" sabi ng kaklase ko na napasigaw dahil nakuryente siya ng subukan niyang hawakan ang katabing dagger ng spear na hawak ko ngayon.

Nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa spear.

"Waah! May weapon na ako!" napasigaw ako sa saya.

"Congrats, Miss Ischyra." sabi ni sir.

"Thank you, sir!" masayang sabi ko.

Binasa ko muna ang pangalan ng spear na nakalagay doon sa table.

'Harmony of Wind'

Ang ganda pakinggan ng pangalan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ang ganda pakinggan ng pangalan. Sabi ni sir Wane ay excused na ako sa klase namin ng Combat Sports kaya pumunta na lang ako sa library upang hanapin ang libro ng weapon ko.

After almost thirty minutes ay nahanap ko na iyon. Napagdesisyunan kong sa dorm na lang ito basahin dahil baka tapos na ang klase at inaantay na ako nila Anee.

Bumalik ako sa training room ng may ngiti sa mukha at mahigpit na hinawakan ang spear ko.

"Hi, guys!" masayang sabi ko sa mga ito. Nagulat naman sila ng makita ang hawak ko.

"Wow! May weapon ka na, Schy?!" masayang tanong ni Anee.

"Yep! Harmony of Wind!"

"Buti naman! I'm happy for you, Athana!" sabi ni Nerees.

AEPYGERO SERIES: Love & AngerWhere stories live. Discover now