Chapter 37

14 6 0
                                    

Dedicated to Cientaxx, MaggieHailey & WritErshainne

SOMEONE'S POV (A)

Isa pa lang iyang babala. Hindi pa ako nagsisimula.

"Panginoon." nagbigay galang naman ang mga ito at nanatiling nakayuko.

"Inaasahan kong naisagawa niyo ito ng tama."

"Ikinagagalak po naming ipaalam sa inyo na naisagawa namin iyon ng tama. Ang mga prinsesa ay nasisiguro kong nanghihina na sa pakikipaglaban sa mga oras na ito." sagot ni K.

"Magaling. Naipabatid niyo ba ang aking mensahe?"

"Opo, Panginoon." sagot ni M.

"Ipatawag ninyo sila D. Maaari na kayong umalis."

Pagkaalis ng mga ito ay bumaling ako kay C na nasa ibaba ng aking trono.

"Nasisiguro kong hindi na mapakali sa kani-kanilang trono ang mga hari at reyna ng bawat rehiyon."

"Sang-ayon ako, Panginoon." wika nito.

"HA-HA-HA-HA-HA!"

Nangibabaw ang tawa kong iyon sa buong pasilyo.

Ang mga prinsesa, naglalakbay ng walang kasamang prostatis. Isang magandang balita upang mapadali ang aking mga plano. Lalo niyo lamang inilalapit ang sarili niyo sa akin.

"Anong estado ng ipinagagawa ko sa inyo?"

"Sapat na ang nalikom naming mga kapangyarihan, Panginoon. Ano mang oras niyong marapatin ay maaari ko nang isagawa ang..."

"Gusto kong isagawa mo na iyon sa lalong madaling panahon. Kailangan kong malaman kung kakayanin ba ng katawan ni B ang proseso. Dahil kung hindi ay alam mo ang mangyayari."

"Opo, Panginoon. Bukas na bukas ay isasagawa na namin iyon."

Si B ang magiging alas ko sa lahat ng aking plano. Siya ang magiging daan ko papasok ng Aepygero.

Pagdating ng hating-gabi ay dumating  sila D.

"Panginoon, ipinatatawag niyo raw po kami." sabay-sabay na yumuko ang tatlo.

"Ano na ang nangyayari sa Aepygero?"

"Kasalukuyang nasa mini hospital ng academy ang mga prinsesa. Nalaman din namin na may tumulong sa kanilang lalaki na wala pang pagkakakilanlan kaya't ang mga prinsesa lamang ng Aeras at Nero Kingdom ang malubha ang tinamo." - D

"Nagpunta rin po kaagad doon ang mga hari at reyna ng bawat kingdom. Sa aming palagay ay nagusap-usap na ang mga ito patungkol sa nangyari." - E

"Ngunit hindi pa nila alam ang buong pangyayari dahil puro walang malay ang mga prinsesa sa mga oras na ito, Panginoon." - G

"Mabuti. Hayaan natin silang magisip nang magisip. Siguradong nababaliw na ang mga iyon kaiisip sa maaaring mangyari. HA-HA-HA-HA!"

Nasisiguro kong kaming mga Exorian kaagad ang papasok sa isip nilang may gawa nito. Iyon mismo ang gusto kong isipin nila. Gusto kong matakot sila sa mga pwedeng mangyari sa mga susunod na araw.

Ang plano ko ay takutin sila at baliwin sa takot na magkakaroon ng digmaan nang sa gayon ay maghahanda sila sa maaaring pagsugod namin. Ngunit, ang paghahanda nilang iyon ay mababalewala.

AEPYGERO SERIES: Love & AngerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon