Chapter 7

59 22 0
                                    

NEPHELE'S POV

Naglalakad kami ngayon ni Schy papunta sa training hall dahil doon daw magaganap ang klase namin sa Martial Arts.

Habang naglalakad ay naalala ko ang nangyari kagabi pagkarating namin ni Schy sa dorm.

*FLASHBACK*

Pagdating namin sa floor ng dorm namin ay maraming prostatis doon.

"Pinadagdagan siguro nila auntie ang prostatis natin, Schy." bulong ko kay Schy.

Bubuksan na sana ni Schy ang pinto nang unahan siya ng prostatis at binuksan iyon para sa amin. Nagkatinginan naman kami ni Schy.

Wala kasi silang susi ng dorm namin, paanong bukas iyon?

Sabay na nanlaki ang mata namin ni Schy, marahil ay parehas kami ng naiisip.

Malawak na binuksan ng prostatis ang pinto para makapasok kami. Di pa man nakakapasok ay bumungad na sa amin si mommy at auntie na nakaupo sa sofa.

"Ahh—, hi, mom, auntie!" bati ko, bumati rin si Schy bago kami lumapit sa kanila at humalik sa mga pisngi nito.

"We heard what happened." paninimula ni mommy.

"We were so worried, anak. Tell me what exactly happened." sabi ni auntie kay Schy.

Kinuwento naman ni Schy ang nangyari, walang labis walang kulang.

"Si Pyrrhos? Ang prinsipe ng Pyr kingdom?" may halong gulat at pagtatakang tanong ni auntie.

"Yes, mom. I'm so thankful he came." nakangiting sabi ni Schy.

"Well, that's great. Sasabihin ko ito sa hari at reyna ng Pyr at Nero Kingdom, upang mapasalamat na rin si Pyrrhos sa personal." tipid ang ngiting sabi ni auntie.

"Pinadagdagan na rin namin ang mga prostatis ninyo, para makasiguro sa kaligtasan ninyo." sabi ni mommy.

"Ok, mom! Gusto niyo po bang dito na kumain?" tanong ko.

"We'd like to, pero nagaantay ang daddy ni Schy dahil nagsabi akong sabay kaming maghapunan." nalulungkot na sagot ni auntie.

"Mauuna na kami, baka kanina pa naiinip ang daddy mo at nagaantay rin iyon. Alam mo naman ang daddy mo." sabi ni mommy sa akin.

"Ok, mom! For sure he is. Baka nga nakasimangot na iyon dahil ang tagal mo, mom." natatawang sabi ko.

Nagbilin pa muna sila ng kung anu-ano bago tuluyang umalis.

*END OF FLASHBACK*

"Aray!" natumba ako nang bigla akong tumama sa isang tao.

Nakita kong tumakbo si Schy papunta sa akin.

"Anee! Ayos ka lang? Ang lalim kasi ng isip mo kanina pa kita sinisigawan!" nauuna kasi siyang maglakad sa akin, hindi siguro napansin na bumagal ang paglalakad ko.

"Oo, ayos lang ako." sagot ko naman at bumaling sa taong nabangga ko.

"Zopyros, I'm sorry. I didn't mean to—,"

"Look where you're going. Hindi lang ikaw ang tao sa mundo para magdaydream ka habang naglalakad. Tsk." sabi nito at tumalikod.

Aba! Nag sorry na nga ako eh.

AEPYGERO SERIES: Love & AngerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon