Chapter 39

12 7 2
                                    

Dedicated to Thororororor, AnnamaeSantillan4 & WritErshainne

ATHANA'S POV

It's been a week since that encounter. Tulad ng napagusapan sa pagpupulong ay lalong humigpit ang seguridad ng bawat kaharian. Dumoble rin ang bilang ng mga prostatis namin, pero hindi naman iyon nakakaapekto sa amin dahil may malawak na distansya sa paligid namin. Hindi rin naman iyon mahahalata ng mga tao dahil kalat sila paligid namin at hindi nakasuot ng armour, pwera na lang kapag nasa kastilyo sila. Kumalat na rin kaagad ang pangyayaring iyon sa buong Aepygero kaya't marami ang natakot. Ngunit siniguro ng bawat kaharian ang kaligtasan ng bawat isa.

Kakatapos lang ng klase namin sa P. E.. Ngayon ay nandito kami sa kwarto namin ni Anee, nagpaplano kami para bukas, dahil birthday ni Zopyros.

"That's it! Everything is planned! Thanks guys!" sabi ni Anee.

Simpleng selebrasyon lang ang gagawin namin dito sa headquarters. Gabi namin iyon gagawin dahil maghapon ang klase namin bukas.

Lumabas na kami ng kwarto at nadatnan ang boys sa sala na nagkukwentuhan.

"Baby, I missed you!" sabi ni Effie at tumakbo palapit sa akin at niyakap ako.

"Hahaha! Parang ilang minuto lang kami nagusap sa kwarto." pagbibiro ko.

"I miss you every second." paglalambing nito.

Si Effie yung tipo ng lalaki na hindi nahihiyang ipakita ang pagiging malambing niya sa akin kahit pa maraming nakakakita.

"Huy! Ang arte mo talaga, Pyrrhos!" sita ni Trite.

"I love you, baby." bulong pa niya bago ako hilahin at paupuin sa sofa.

Nanuod lang kami ng kung anu-ano dahil wala rin naman kaming magawa. Pagdating ng gabi ay nagluto na kami nila Trite habang ang boys ay nanunuod pa rin. Tulad ng dati ay natapos ang araw namin nang masaya. Sana nga ay parating ganito ang tapos ng araw namin. Iyong walang problemang iniisip o kaya ay pangamba at takot na baka mayroong  mangyaring hindi maganda.

Kinabukasan ay maswerte kami dahil walang klase ng hapon. Walang ideya si Zopyros sa plano ni Anee dahil sa aming lahat ay si Anee lang ang nakakaalam kung kelan ang birthday niya. Hindi raw kasi sinasabi ni Zopyros noon sa kanila. Nalaman lang ni Anee dahil kinulit niya si Zopyros para sabihin sa kaniya. Ang plano namin ay huwag siyang babatiin para hindi siya makahalata na alam na naming lahat kung kelan ang kaarawan niya.

Kasalukuyan kaming nagaayos dito sa headquarters para sa surprise namin kay Zopyros. Kaming girls lang ang nagaayos dito dahil inutusan namin mamili ng mga grocery ang boys para magkaroon kami ng oras magdesign. Tapos na rin kaming magluto ng mga pagkain kaya pagdedesign na ang ginagawa namin.

"Ano kayang magiging reaksyon ni Poh?" tila naeexcite na tanong ni Anee.

"Siguro naman matutuwa iyon. Ngayon lang natin macecelebrate ang birthday niya. Ang arte kasi ng boyfriend mo ayaw pa ipaalam kelan kaarawan niya." sabi ni Trite.

"Bakit ba hindi niya sinasabi sa inyo dati?" tanong ko.

"Nako! Alam mo naman yon noon. Napakatahimik. Parang isang beses sa isang araw lang kung magsalita, pilit pa."

"Kinikilig ako! Hihihi! Ang swerte ko pala, kung anong pagkakakilala niyo sa kaniya noon ay kabaliktaran ng pagkakakilala ko sa kaniya ngayon. Kung alam niyo lang kung gaano kadaldal niyan kapag kami lang ang magkasama." nakatingala pa na sabi ni Anee na ikinatawa ko.

AEPYGERO SERIES: Love & AngerWhere stories live. Discover now