Chapter 12

49 20 0
                                    

ICE'S POV

*KINABUKASAN*

Maaga kaming nagkita-kita malapit sa field dahil tutulong kami sa pagaayos ng booth namin.

Sila Nephele at Athana na lang ang inaantay namin.

"Nasaan na kaya yung dalawa?" tanong ni Nerees.

"Aba malay nating lahat, magkakasama tayo dito eh." sagot ko naman.

"Paepal ka talaga kahit kailan!"

"Hi guys! Sorry natagalan kami!"

Sabay-sabay kaming napalingon sa nagsalita. At nagulat kami sa itsura ng dalawa.

"Ah, guys? Ok lang kayo?" tanong ni Seb.

"Oo naman! Bakit hindi?" sagot ni Nephele.

"Bakit ganyan itsura niyo? Bakit ka nakamask at bakit sabog ang bangs nitong si Athana?"

"Uh—, kasi—, ano eh, diba tutulong tayo magayos sa booth? Baka kasi maalikabok, ayon oo, kaya ako nagmask kasi baka maalikabok. Hehe." sabi ni Nephele.

"Eh ikaw, bakla? Bakit ganyan buhok mo? Uso magsuklay!"

"Kasi, ano, nagmamadali na ako. Nalate ako ng gising." napapakamot sa ulo na sagot ni Athana.

"Ok lang yan. Maganda pa rin naman kayo! Tara na!" sabi ni Seb.

"Dalian mo!" sigaw ng isang babae.

"Ouch!" nabangga ako nung babaeng sumigaw.

"Ice, hala! Sorry po! Sorry!" paghingi nito ng paumanhin.

"It's fine." tipid na sabi ko at kumindat. Napatulala naman siya. Tsk. Ang gwapo ko talaga.

Umalis na siya kasama ang isa pang babae.

"Ang bagal mo kasi, di ko tuloy napansin na nasa harap ko si Ice."

"Sorry na! At least nakadikit mo siya! Ayiie!"

"Oo nga eh! Kinindatan pa niya ako! Pero dalian natin nandoon na daw sila Magno sa field!"

"Kaya naman pala nagmamadali ang mga babae dahil sa mga late enrollees na iyon! Ang haharot!" sabi ni Seb.

Habang papalapit sa booth namin ay may natanaw kaming apat na lalaki. Sila na siguro iyong pinagkakaguluhan ng mga babae. Tsk. Gwapo ba yang mga iyan? Parang iniinsulto naman nila ang depinisyon ng gwapo, samantalang ako na ang pinakatamang depinisyon ng gwapo.

"Ay bakla! Ang gugwapo nga!" sabi ni Seb.

"Hala! Bakit ngayon lang nagenroll dito ang mga gwapong yan?!" si Athana.

"Ang gwapo nung gray ang buhok!" sabi ni Nephele.

"Seb! Tignan mo yung purple ang buhok! Ang cute!" sabi ni Nerees. Nangunot naman ang noo ko at tinignan ang sinabi niyang purple ang buhok.

"Anong cute dyan?! Eh mukhang kamote!" sabi ko.

"HAHAHAHA! Gago ka, Ice! Hahahaha!" walang humpay sa tawa na sabi ni Cheno.

"Totoo naman! Tignan mo! Yung isa mukhang palito ng posporo, anong gwapo dyan eh ang payat nyan! Ito namang isa mukhang lolo, panget ng kulay ng buhok, mukhang uban! At yung isa mukhang lumot! Mga walang taste!" naiiritang sabi ko.

"HAHAHAHAHAHA!" malakas na tawanan nilang lahat, maski si Zopyros ay nakitawa.

"Tsk. Bahala kayo dyan. Kepapanget nyan, saan banda gwapo dyan? Eh ako buong pagkatao ko gwapo ang makikita mo!" inunahan ko na silang maglakad. 

AEPYGERO SERIES: Love & AngerOù les histoires vivent. Découvrez maintenant