[BLACK FICARRO SERIES #1] Nakatali na sa kamay ni Zafia Arcus, ang mga pamamalakad ng kahit na anong kalakaran. Lahat ng bagay na gusto niya ay kayang-kaya niyang makuha nang hindi man lang pinaghihirapan. Hindi siya basta mahi-hindi-an. Ngunit ano itong kontrata na kasasangkutan niya? Sa ngalan ng pangalan na kaniyang dinadala at reputasyon ng kaniyang pamilya, pipirma sa isang kasunduang hindi siya makakawala. Malalasing sa bawat papel na kaniyang pupunitin, habang binabasa ang tanging nakasulat sa pulang papel. "Do hereby solemnly swear to faithfully love my partner to the best of my capacity... All these I pledge and promise to do, without any purpose of evasion." Deal or Decline? Started: October 01, 2021 Ended: February 12, 2022