Sa paglisan niya ay maraming nagbago. Sa paglisan niya ay maraming napagtanto. Isang makabagong yugto ang nagbukas. Laman ang modernong katauhan. Sa kanyang pagbabalik, kanyang isipan ay nakasentro lamang sa isang bagay. Trabaho. Wala siyang panahon sa kahit ano. Pero sa pagkikita nilang muli, iba't-ibang emosyon ang rumagasa. Sa kanilang muling pagkikita, isang lihim na pilit niyang ibinabaon noon pa man ang biglang sumibol. Pagmamahal.