Chapter 1

25.5K 409 32
                                    



Disclaimer: This story fiction name, characters, business, events, places, incidents are produced by the author's imagination or dreams, any resemblance to the actual persons or events is purely confidential.

This story might contain mature scenes, strong language that is not suitable for very young readers, please read this at your own risk.

This story is purely unedited and has lots of errors please if you have encountered a typo's language error please bear with me, I will try my best to fix it at any moment.

This Series has six-story inside and it is not all about Law, as I mention its Series names which Law of Attraction doesn't mean that it's about the law. Law of Attraction is a universal principle that can be applied to all areas of your life, including relationships, which proposes that like attracts like. (google)

This is all about business and romance...



***


"Ali, bilisan mo dali!!!" Malakas na sigaw ni Aberry habang tumatakbo kaming dalawa papuntang dalampasigan, kung saan sasalubungin ka ng malakas na hangin mula sa dagat at ang humahampas na alon mula dito.

"Dalian mo dali, ahhh ang lamig hahaha," Tuwang tuwang sambit nito habang binababad ang paa sa dagat. Inayos ko ang aking maikling buhok bago tumapak sa dagat at itinaas ang aking daster upang hindi ito mabasa. "Ali, ang lamig ngg tubig hahaha," masiglang sambit nito, ngumiti at tumango lamang ako sakanya bago kami nagsimulang maglakad sa tabing dagat.

"Ito," sambit ko sabay turo ng isang magandang kabibi na medyo nakabaon sa lupa, Kaagad na umupo si Jade para kunin ito at ilagay sad ala naming plastic na baso mula sa basurahan. "Ang ganda nito Ali," sabi niya sabay lagay sa basong hawak ko. Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ang mga nakuha naming kabibi.

Habang pinagmamasdan ito nakita kong tumakbo si Jade kaya agad ko siyang sinuway, "Jade wag kang tatakbo baka madapa ka," sigaw ko dahil medyo malayo siya sakin, lumingon at ngumiti ito sa akin.

"Hoy Ali, magkasingtanda lang tayo para kang si Mama!!" Sigaw niya at tumawa, ako'y tumawa rin' at sumunod sa kanya, nagpatuloy kaming maglakad sa tabing dagat hanggang sa mapuno namin ang mga baso ng kabibi.

"Yes! Tapos na!" Masiglang sambit ni Jade at nakipagappear sa'kin, lumingon ako sa paligid at nakakita ng duyan gawa sa malaking gulong, dalawa ito at nakasabit pareho sa malaking buno ng mangga.

"Tara don," Sambit ko at tinuro iyon, nang mmakita iyon ni Jade mas nauna pa siya sa aking naglakad papunta doon, ay hindi tumakbo na pala siya at kaagad umupo.

"Tara, bilangin na na'tin," sabi ko pagkaupo ko sa katabing duyan na gulong. Tumango siya at binuhos ang kabibi sa kanyang daster kagaya ko.

Sabay naming binilang ang mga ito at tiningnan kung sino ang mas maraming nakuha, "43, 44, 45, 46!!!! 46 sakin Ali sayo?" pagkatapos niya bilangin ang kanya ay binalik niya rin ito sa baso habang ako ay patuloy paring nagbibilang.

"68, 69, 70, 71.....71 akin haha," Sambit ko at binalik rin' ang aking sa baso, Nakita ko ang pagkamot ni Jade sa kanyang ulo at nalungkot ng konti.

Kaya pagkatapos ko mabalik ang lahat ng kabibi sa king baso binuhos ko ang kalahati nito sa kanyang baso, "Ali!?" gulat na sabi niya, habang nanlalaki ang kanyang mga mata at pinapanuod na ibuhos ko ang kabibi sa baso niya.

Tax Principles (Law of Attraction Series # 3)Where stories live. Discover now