Chapter 59

10.2K 292 130
                                    




4 months after,

"Ate gising na mag almusal ka na sa baba," naalimpungatan ako sa mahimbing kong tulog ng marinig ko ang boses ni Amiel mula sa labas ng aking pinto.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at agad tinignan ang magandang sinag ng araw na nagmumula sa aking bintana. "Susunod ako," sambit ko at narinig itong bumababa.

"Candida, apo mag-amusal na dito sa baba, apo ko," isang maliit na ngiti ang aking ginawa ng marinig ang boses ni Lola, halos buong buhay ko iyong boses na iyon ang gumigising sa akin pero ilang taon ko din iyon natigil at hindi na rinig ng nanirahan ako sa Manila.

Ngayon nandito na ako muli, sa totoo kong buhay.

Tumayo ako mula sa aking kama at inayos ang aking higaan, bago sumilip sa bintana ng aking silid, marami nang nagbago sa aming bahay, hindi na ito kagaya ng dati.

Ito ang naipundar ko para sa aking pamilya at ilan taon na lang ay malapit na ring grumaduate si Amiel, siguro pagnangyari iyon masasabi ko na na tapos na ang serbisyo ko sa aking kapatid. Naitaguyod ko siya ng maayos, Ma malapit ko nang maabot ang pangarap natin.

Huminga ako ng alalim at pumunta sa banyo para umihi at bago tuluyang bumaba, "Apo tara na dito" sambit ni Lolo ng makita akong pababa ng hagdan, lahat sila ay nakaupo na sa kainan kagaya ng dati.

Tumango ako at lumapit sa kanila, apat na buwan na simula ng bumalik ako dito at masasabi kong namumuhay na ako ng tahimik at kontento dito.

At alam kong masaya na din siya sa iba...

"Apo ito kumain ka ng prutas, oh sya nga pala anong oras dadalaw dito si Lana?" masiglang tanong ni Lola, ngumiti ako at kinain ang inabot nitong apple.

"Anak Candida may papabili ka ba sa amin ni Amiel? Pupunta kami ng bayan mamayang hapon" napalingon ako kay Papa nang magsalita ito. "Wala naman Pa, nagpabili na ako kay Lana ng mga kailangan ko" nakangiti kong sambit at nagpatuloy sa pagkain.

Pagkatapos kumain nagprisinta akong maghugas ng plato pero inunahan ako ni Amiel kaya wala akong nagawa kundi maupo sa salas at manuod ng TV. Nong umuwi ako dito galing Manila nagtayo kami nang sari-sari store para may mapagkuhanan pa rin ng income.

Dahil ninais kong magpahinga sa trabaho, isang buwan akong nanatili sa aking kwarto pagbalik ko dito. Sobrang tagal kong hinanahap ang aking sarili simula nong umalis siya.

Ngayon nahanap ko na ang aking sarili at mas piniling mamunay ng tahimik.

"Tao po!!!!" sabay-sabay kaming napalingon nila Lola sa pinto ng makalas na sumigaw si Lana mula doon, may dala-dala itong maraming paper bag at nginitian ako ng napakalawak.

"Akala ko ba nagbago kana bakit ang ingay pa rin ng bunganga mo" natatwa kong sambit bago dahna-dahang tumayo. Tumawa siya at pumasok, dumiretso kay Lola at Lolo para bumeso at bago nilapag lahat ng dala sa lamesa at hinarap ako.

"Kamusta ang buntis!!!" sigaw niya at niyakap ako, "Boses mo" sambit ko at niyakap siya pabalik. "Gaga gurl namiss kita sobra," she said and I offered her a seat.

Umupo kami at agad niyang hinawakan ang aking tyan, "Wow last time na pumunta ako dito maliit pa ang baby bump mo ngayon grabe, 4 months pa lang yan ahhh" bilib niyang sambit habang hinihimas-himas ito.

"Oo nga sabi ng doktor healthy daw kasi ang baby ko," sagot ko at hinawakan din ang aking tyan.

"Shit sumipa siya!!!" nagulat si Lana ng sumipa ang baby ko kaya sabay kaming natawa. "Hey, baby It's me and your mama wahhhh hahahhahahhaha puta hahahha," malakas na tawa nito kaya hindi ko napigilang tumawa din.

Tax Principles (Law of Attraction Series # 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon