Chapter 6

10K 297 2
                                    



"Amiel, tara na bilisan mo may tricycle na sa labas!!!" Malakas kong sigaw mula sa kusina habang tinutulungan ko si Lola na mag-ayos ng baon naming dalawang magkapatid.

Ngayon ang first day ko sa University, sabay na kaming papasok ni Amiel dahil isang kanto lang naman ang layo ng eskwelahan niya sa akin.

"Andyan na," rinig kong sigaw niya mula sa taas, at mga ilang sandali lang ay nasa tabi ko na siya busy sa pag-aayos ng kanyang necktie.

"Nako," bulong ko at binitawan ang hawak na baonan para tulungan siya sa pag-aayos ng necktie, "Ako na nga" Singhal ko na ikinangiti naman niya, sabay dakot ng isang pandisal sa lamesa.

"Salamat po Mama Alliana," pang-aasar niya, nang hahampasin ko sana ang kanyang braso ay agad na siyang tumakbo palabas ng bahay. "Bye, La, Lo, Pa.. Mama Alliana pakidala baon ko hahaha," sigaw niya mula sa labas at pinanuod ko nalang siyang tumakbo sa tricycle.

Nagkatinginan kami ni Lola at sabay umuling, "Lumalaki na talaga kayong mga Apo ko, Kolehiyo ka na." sambit niya at nilagay sa plastic ang aking ang baonan naming, pagkatapos ay inabot ito sakin.

"Thank you La, mauna na po kami mag-ingat ho kayo dito ah" humalik ako sa kanyang pisngi bago lumabas ng bahay para lapitan sila Lolo at Papa, na tahimik nagkakape sa gilid. "Lolo, Pa papasok na po kami ni Amiel... mag-ingat kayo dito ah, Pa wag kang masyadong lakad ng lakad at gawa ng gawa ng kung ano ah baka mapano ka. Wag matigas ang ulo niyo po," sabi ko at humalik sa kanilang dalawa.

Matapos kong gawin iyon ay tumango lang sila habang nakangiti ng malawak, sumunod na ako sa tricycle at tumabi kay Amiel. "Talikod," sambit ko at tinulak siya papatalikod sakin, binuksan ko ang kanyang bag at nilagay ng maayos ang baounan niya. Siniguro kong hindi ito matatapon bago tuluyang isara muli ang kanyang bag.

"Kainin mo yan ah," tumingin siya sakin at ngumiti ng napakalawak, "Opo, Mama Alliana," itong pagkakataon na ito ay nabatukan kona talaga siya dahil nasa loob kami ng ticyle. "Sira ulo ka ba!" bulong ko.

"Pano kasi para kitang Mama, atleast diba kahit hindi ko nakasama si Mama nararamdaman ko naman alaga niya mula sayo...... ayieeeee kinilig si Ate" nagulat ako ng bigla niya akong kilitiin dito sa loob ng tricycle, kaya hindi ko alam kung matotouch ba ako sa sinabi niya o maiinis.

"T-tama na, hahahaha.. A-amiel!!!!" isang malakas na batong ang binigay ko sa kanya ng hindi niya ako tigilan, kaya ngayon ay natahimik siya at hinihimas ang kanyang ulo. "Jk," rinig kong bulong niya kaya tinignan ko siya ng masama kaagad naman siyang ngumiti at nagpeace sign sakin.

"Kuya d'yan na lang po siya sa tabi," tinuro ko ang gate ng eskwelahan ni Amiel sa tricycle driver at tinigil niya nga ito sa tapat nito, bumaba muna ako para makadaan si Amiel palabas. "Kainin mo yang baon mo ah, umuwi ka din ng maaga para may katulong si Lola magwalis sa labas. Ballpen mo iwala mo ulit ah," dirediretso kong paalala, pero pansin kong palingon lingon si Amiel.

"Ate, wag ka ngang maingay may makarinig sayo mamaya sabihin nila binababy pa ako" nahihiyang bulong nito sa'kin, "Bakit naman hindi ka naman na Baby, kaya ko lang sinasabi iyon para hindi mo makakalimutan, oo nga hindi kana baby pero matanda ka naman ulyanin lagi mong nawawala ang ballpen mo," sagot ko sakanya.

"Hmfff!!" napalingon kaming dalawa ng may dumaang grupo ng babaeng estudyante at pinipigilan ang tawa habang nakatingin kay Amiel. Si Amiel naman ay yumuko nalang at bumeso sakin bago tumakbo sa loob ng eskwelahan.

Napatingin ako kay manong na nakangiti lang, "Totoo naman po sinabi ko" sabi ko kaya tumawa na siya at binuhay muli ang makina ng tricycle, sumakay na ako at tumuloy kami sa kabilang kanto kung saan ang Universidad na papasukan ko.

"Dito na tayo neng," tumango ako at inabot ang bayad, pagbaba ko ay napatingin ako sa arko ng Universidad at nagsimula ng maglakad papasok, Mabuti nalang ay unang building pagpasok mo sa Universidad ang college course na pinasukan ko.

Tumuloy ako sa dean's office para kunin ang schedule ko, "Good morning po," bati ko pagbukas ko ng pinto, "Pasok," sambit ng student assistant sa loob. Ngumiti ako at sinabi, "Kukunin ko po sana ang schedule ko po," nahihiya kong sambit dahil dito din pala sa loob ng mga table ng prof.

"Pangalan nila?" tanong nito.

"Cortez, Alliana Candice po BSBA-Public Ad. 1F po," sagot ko at nahihiyang hinawakan ang aking bag, dahil nagsilingunan ang mga Prof. sakin ng sabihin ko ang pangalan ko.

"Cortez the one who reach the highest score during the entrance exam?!" tanong ng isang babaeng prof. sa gilid. Tinignan ko ito at tumango, nakakahiya, matagal pa bang mahanap ang COR ko.

"Ano nga ulit course mo?" Tanong naman nong isang matandang lalakeng Prof. "B-BSBA po P-public ad po" halos maging bulong na ang dulo ng sinabi ko buti nalang medyo narinig pa nila.

"Magiging estudyante kita, aasahan ko ang galling mo iha," nagulat ako ng magsalita yong Prof. na nasa likod, at mukha siyang terror hindi ko alam kung genuine ba ang pagkakasabi niya non' o may meaning.

Naiilang na tumawa ako at buti nalang nahanap na ang COR ko, hindi ko na hinintay na iabot pa ito sakin dahil ako na mismo ang kumuha nito mula sa student assistant at nagpaalam na sa mga Prof.

"Alis na po ako," sabi ko at agad sinara ang pinto, doon lamang ako nakahinga ng maayos ng wala na ako sa loob.

Nagsimula na akong maglakad at pero nasa isip ko parin yong mga tingin ng Prof. sakin sa loob lalo na yong isang Prof. na nagsabi na magiging estudyante niya ako. Nakakatakot parang mataas ang standards niya sa isang studyante makakaya ko kaya?

"Nakakatakot naming maging college," bulong ko at hinga ulit ng malalim, lakad lang ng lakad hanggang sa makarinig ako ng alarm mula sa relo ko.

Pagtingin ko dito 8:30 na, mabilis kong tinignan ang schedule ko at ang room ko para sa sudject na iyon, shcoksss may class ako ng 8:30, lumingon ako at nanlaki ang aking mata ng makitang hindi na pamilyar sakin ang lugar na ito..

Nasaan ako? Teka napahaba ba ng sobra ang lakad ko?

Anong oras na 8:34 na late na ako!! Nasaan yong room 203???

Anong collage building na itong napuntahan ko? Nako po.....


"Nawawala ako." 

Tax Principles (Law of Attraction Series # 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon