Chapter 47

8.5K 243 52
                                    



"Alliana," Louie whispers and when Dazzel hear my name she look at me, tiinignan niya ako mula ulo hanggang paa at tinignan ang natapon kong pagkaing dala.

Habang si Louie naman ay nakatitig lang sa akin, binigilan ko ang nagbabadyang luha sa aking mga mata at tinago ito sa pagtawa.

"Ahahaha s-sorry," kailangan kong magpanggap na kaibigan lang ako ni Louie dahil baka maghinala si Dazzel.

"Wait Alliana? You're here?" she ask with disbelief, tumawa ako at kinamot ang aking ulo, "Sorry nagulo ko kayo ah hahaha aalis na ako Louie Happy birthday," sambit ko at tumalikod.

"Wait!" natigilan ako ng tawagin ako ni Dazzel, "Why are you here in Manila?" she asked.

"Ah dito na ako nagtratrabaho hahaha" sagot ko balak ko nang tumalikod ng, "Wait are you gonna make use clean that?" nakataas ang kilay nitong sambit habang nakayakap kay Louie at nititignan ang pagkaing natapon sa sahig.

"Ay oo nga haha," sambit ko at mabilsi na lumuhod nilinis ang mga natapong pagkain gamit ang kamay ko at pinulot ang cake na nasira at binitbit ito."Sige, mauna na ako," sambit ko at agad naglakad palayo sa pad ni Louie at tumakbo sa elevator. Pasara ng elevator ay ang mabilis na pagtulo ng aking luha.

Hindi maalis sa isip ko kung pano ako tignan ni Louie, gulat na gulat ito, una akala ko ginagawa lang nila ang mag halikan sa TV dahil kailangan sa trabaho nila iyon pero hindi ko alam na pati pala offcam ginagawa din nila iyon.

Sobrang bigat ng aking pakiramdam at hindi ko alam kung anong una kong iisipin, kung ano una kong mararamdaman at kung ano ang una kong gagawin. Nahihirapan akong huminga at sobrang namamanhid ang buong katawan ko.

Unti-unti kong narerealize ang lahat, hindi ko mabibigay kay Louie ang naibibgay ni Dazzel sa kanya ngayon, hindi ko siya matutulungan sa mga pangarap niya dahil wala ako ng kung anong meron si Dazzel. Ano bang meron ako ngayon? Wala, wala naman akong mabibigay kay Louie.

Nakay Dazzel ang lahat ng kailangan niya at kay Dazzel siya nababagay.

Lahat ay parang naging sampal sa akin, ngayon ko na realize na lahat ng ginagwa ko ay isang mataas na pangarap lang, masyado nang mataas si Louie para abutin ko at pilitin ko man abutin siya hindi rin ako sigurado kung makakatagal ako sa lugar kung asan siya.

Mali rin ang ginagawa namin, niloloko namin si Dazzel. Pati ang mga sarili namin, hindi pweding ikulong na lang namin ang sarili sa ganitong sitwasyon. Patuloy na tumutulo ang luha ko at nang bumukas ang elevator ay kaagad akong tumakbo palabas at tinapon sa basurahan ang dala kong pagkain.

Umiiyak na pinagpag ang aking kamay at sumakay ng taxi, "Manong sa manila bay po," kaagad tumango ang driver at nagsimulang magmaneho, patuloy ang pagiyak ko habang tinitignan ang mga nadadanang sasakyan, at natigilan ako ng makita sa malaking bilboard si Louie kasama si Dazzel.

Sobrang taas mo na nga talaga Louie. Hindi na ako tama para sayo. Masakit man isipin at mahirap tanggalin unti-unti ko nang nakikita ang layo at mag dahilan kung bakit hindi kami tama ni Louie.

Yumuko ako at nagpatuloy sa pag iyak habang tinatanggal ang mga piraso ng sinangag na dumikit sa aking damit.

"Andito na ho tayo Miss," umangat ang tingin ko sa driver ng magsalita ito at I-tabi ang taxi sa tabi ng kalasada. Tumingin ako sa bintana habang kinukuha ang aking pambayad sa driver at bumaba.

"Salamat ho," umiiyak kong sambit at naglakad papunta sa tabing dagat, umupo ako dito at pinagmasdan ang magandang tanawin ng dagat.

Niyakap ko ang aking hita at lumuluhang pinagmasdan ang mga repleksyon ng mga bitwin dito sa dagat. Gaya ng dagat hinding hindi nito maabot ang mga bitwin, makikita man ito dito pero sobrang layo nila sa isat-isa. Kagaya ko nakikita ko man si Louie sa aking puso at isipan hindi ko na magagawang maabut pa siya dahil sobrang layo niya na sa akin.

Sobrang sikip ng aking dibdib at nanlalamig ang aking mga kamay at paa, paulit-ulit naalala ang paghahalikan ni Louie at Dazzel, paulit-ulit din ang saksak ng sakit sa aking dibdib habang isa-isa kong naiisip ang mag kiss mark na iyon.

Nanatili ako dito hanggang sa tuluyang dumilim ang paligid at unti-unting kumokonti ang mga tao sa paligid, Hanggang sa iilang tao na lang ang nasa paligid.

Hindi ko alam kung gaano katagal na akong nakatulala dito at lumuluha dito. Mga ilang oras na ata akong andito at hanggang ngayon hindi pa rin tumitigil sa pagluha ang aking mata. At pagsikip ng aking dibdib.

Parang hindi ito tumitigil, lahat parang ganon pa rin parang sobrang kirot pa rin.

"Alliana," dahan-dahan akong napalingon ng marinig ko ang boses ni Louie.

Andito siya...

Kaagad siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng sobrang higpit, "I'm sorry, I'm so sorry, yong nakita mo hind---," hindi ko na siya hinintay pang matapos at kaagad na akong nagsalita.

"Naiintindihan ko Louie," mahina kong sambit kaya natigilan siya at tinignan ako, hawak ang magkabilang balikat ko. "What?" nagtataka nitong sambit.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita, "Naiintindihan ko Louie, naiintindihan ko na kailangan mo si Dazzel para maabot ang mga pangarap mo at unti na lang malapit ka na don" tumango-tango siya sa mga sinasabi ko. "Naiintindihan ko din na kasama sa mga plano mo ang maramdaman nitonhg totoo ka sa kanya para mabilis mong maabot ang mga pangarap mo, at alam ko din na may posibilidad na may mangyari sa inyo dahil magkarelasyon kayo naiintindihan ko ang lahat Louie at tanggap ko ito" nakita ko kung pano siya unti-unting ngumiti dahil sa sinabi ko.

"I know you would understand," nakangiti niyang sambit at niyakap ako muli. Nakasuot siya ng hoodie at cup kaya walang makakakilala sa kanya lalo na medyo madilim na dito sa prte na inuupuan ko.

"Alam kong maiintindihan mo ang lahat ng ito, yong nakita mo kanina Dazzel just seduced me because she said it was her birthday present and I'm just a guy, I easily give in to temptation and as her boyfriend I need to do it with her," tumango ako sa kanyang mag sinasabi.

"Naiintindihan ko Louie," I whisper and wipe my tears.

"Alam ko, salamat at naiintindihan mo ako Alliana babaw----," I cut him off and speak.

"Naiintindihan ko ang lahat Louie, kaya mas pipiliin kong gawin ang tama at makakabuti sayo, tigilan na natin ito, at kung ano man ang meron sa atin," natigilan si Louie at hinarap ako ng nakakunot ang noo.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya.

"Tigilan na natin ito at seryosohin mo na lang si Dazzel Louie," malumanay kong sambit kahit na sobrang sakit nito sa aking puso.

"Tama ang mga tao mas bagay kayong dalawa, ayaw kong masira kung ano man ang pinaghirapan mo ngayon Louie kaya tigilan na natin ito," umiling-iling siya sa mg asinasabi ko at nararamdaman kong medyo humihigpit ang pagkakahawak niya sa kaing balikat.

"Tigilan na natin ito Louie" I whisper.

"No!!!" he darkly said.

"L-Louie..." 



Tax Principles (Law of Attraction Series # 3)Where stories live. Discover now