Chapter 50

9.6K 259 14
                                    




"Please, tell me where you are," suddenly his voice weakens.

Umiling ako ng dahan-dahan kahit hindi niya nakikita, ayaw kong makita niya akong ganito. "Please tell Alliana, I'm begging you," he whispers but I end up choosing not to let him know.

Pinatay ko ang tawag at binulsa muli ito, dinama ang pagbuhos ng ulan habang iniinda lahat ng sakit na aking nararamdaman.

Basang basa na ako dito sa gilit ng kalsada, pero wala na akong pakialam, mas nanaig ang sakit na aking nararamdaman. Yumuko ako at pinikit ang aking mga mata, tahimik na humihiling na sana kasabay ng pagtila ng ulan ay ang pagtigil ng sakit sa aking dibdib.

Sana pagmulat ko ng mata ko ay mawala na lang ang sakit at makalimutan ko na lang ang lahat sa isang iglap, sana bukas wala na ang sakit na ito, sana wala na lang akong maramdaman pagkatapos nito.

"Alliana!" napaangat ako ng aking ulo ng marinig ko ang boses ni Cadmus, at nakita ko siyang nagmamadaling bumababa ng kanyang sasakyan, hindi nagdalawang isip na mabasa ng ulan at lumapit sa akin.

Nang makita ko ang lungkot sa kanyang mga mata ay tila bigla na akong umiyak muli ng malakas at kaagad niya akong niyakap ng sobrang higpit. I almost shout inn pain as he hugs me.

Sobrang sakit, "Shhhh I'm here, I'm here," he whispers while rubbing my back using his hands and he gently carry me and bring me to his car. Nang ako ay ibaba niya sa loob ng passengers' seat nakita ko kung pano bumaba ang kanyang tingin sa aking labi at umigting ang panga nito bago tumayo at sinara ang pinto.

Nagulat ako ng makarinig ako ng kalampag mula sa labas ng sasakyan, sinuntok niya ang taas na parte nito bago naglakad papunta sa driver's seat at sumakay, hinawakan niya ang kamay ko habang walang buhay akong nakaupo dito sa loob ng sasakyan niya.

Mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking kamay pero hindi gaya ng pagkakahawak ni Louie na nasasaktan ako, mahigpit ito pero dama ko ang pagaalangan at takot na masaktan ako sa uri ng kanyang pagkakahawak.

"I'll bring you to my pad," he weakly whispers and starts driving while his other hand is holding mine.

Pinatong ko ang aking ulo sa bintana at umiiyak na pinagmasdan ang magagandang ilaw sa labasan, mas lalo itong kumikinang dahil sa lakas ng ulan.

Malalimig dito sa loob ng sasakyan pero parang namanhid na ang aking katawan at hindi na ito ininda pa, kahit naninginig ang aking hita. Parang hindi na ako makapagisip ng maayos at ang tangi ko na lang gustong gawin ay mawalan ng pakiramdam para hindi ko na maramdaman itong patuloy na sakit sa aking puso.

Mabilis ang pagpapandar ni Cadmus pero hindi ito nakakatakot gaya ng kay Louie, ramdam ko ang pagiingat sa bawat galaw ni Cadus pero ramdam ko din ang galit niya.

Mga ilang saglit lang ay andito na kami sa parking lot ng Condominuim nila, at kaagad niyang pinark ang kanyang sasakyan at inalalayann ako sa pagbaba mula sa loob ng sasakyan. Nang hindi ko magawang maglakad mabilis siyang lumuhod patalikod sa aking harapan at binakay ako.

Habang buhat buhat niya ako patuloy pa rin ang luha sa aking mga mata, sinandal ko ang aking ulo sa kanyang balikat at binikit ang aking mga mata, pinipilit kong tanggalin ang sakit sa aking puso pero hindi ko magawa.

Nanghihina ang aking buuong katawan at lalo na ang kamay ko, binuksan niya ang kanyang pad at pinasok ako sa loob, pinaupo sa bar chair niya at kaagad kumuha ng first aid kit. Tahimik niyang inabot ang aking kamay at nilagyan ito ng ointment, binendahan ito gaya ng dati at pinapanuod ko lang siyang panay ang lunok habang ginagamot ang mag sugat ko sa aking mukha.

Matapos niyang lagyan ng bandaid ang gilid ng labi ko, he chuckled bitterly and whisper. "Why do I always end up treating your wounds? Why can't you just be with me where pain is forbidden," after that our eyes met and he gently caressed my hands.

I avoided his gaze and just ignored what he said, paglingon ko kumirot ang labi ko kaya kaya napapikit ako ng madiin. "He did this to you?" Cadmus darkly said, so I face him at umiling sinubukan kong pagtakpan si Louie pero halata sa mata ni Cadmus na hindi niya na kailangan magtanong dahil alam niya na ang lahat.

Kaya naluha ako muli at yumuko na lamang, "Why can't it just be me Candice?" pagod nitong tanong. Hindi ko alam pero hindi ko magawang tanggapin na may iba akong lalakeng mamahalin maliban kay Louie.

Pero umiling lang ako at nagpatuloy sa pagiyak habang nakayuko, "I won't hurt you, I'l treat you way better that him" umiling lang ako muli.

"I'm willing to do anything for you,everything you wish for, I'll be your slave" patuloy ang pagiling ko at hindi pagsangayon sa lahat ng kanyang sinasabi kahit na ramdam kong nagmamakaawa na siya habang binibitawan ang mga salitang iyon.

"I'm ready to lose anything for you, I will give up everything for you because I'm stupid for you, I can be brainless when I'm with you Candice, so just choose me" he begged.

Umiling ako bago nagsalita, "Gusto kong uminom" gusto kong magpakalasing ngayon, para makalimutan ko ang sakit na ito kahit ngayon lang.

"Candice you can't dri---,"

"Gusto kong uminom Cadmus please" umiiyak kong bulong at hinarap niya, he smirks bitterly and slowly nodded. "You're purposely crying even more because you know I have a weakness for your tears" he chuckled and turned his back on me to grab some beer from his refrigerator.

Kumuha siya ng baso at halatang labag ito sa kanya pero dahil sinabi ko wala siyang magawa, gusto kong malunod sa alak ngayong gabi para makalimot at hindi maramdaman ang sakit sa aking puso at katawan.

Para mabura din kahit ngayong gabi lang ang mga nakita ko ngayong araw at nagyari sa aming dalawa ni Louie. Gusto kong makalimot, gusto kong mawala ang lahat ng ito.


"That's cheating," bumulong siya pero hindi ko na naintindihan. 

Tax Principles (Law of Attraction Series # 3)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें