Chapter 5

10.6K 304 3
                                    


"Candida, apo kakain na," bumukas ang pinto ng aking silid ang sumilip si Lola habang nakangiti. Nilingon ko ito at tumango, "Susunod po ako, La," sambit ko, na kaagad niyang ikinatango at sinara muli ang pinto.

Binalik ko ang aking atensyon sa cellphone ni Papa, na hineram ko muna dahil ganitong oras tumatawag si Jade, pero kanina pa ako naghihintay ay hindi parin siya nagpaparamdam.

Mamaya na kasi ang paglabas ng resulta ng entrance exam dito sa Universidad sa amin, medyo kinakabahan ako kung nakapasa ba ako at ang alam ko pati si Jade ay ngayon din ang labasan ng resulta sa pinasukan niyang Universidad sa Manila.

Sabi niya kahapon ay tatawag siya sakin, pero anong oras na wal-----, natigilan ako ng tumunog ang cellphone ni Papa at tumatawag na si Jade, mabilis ko itong sinagot at tinapat saking tenga, "Hello Jade?" tanong ko.

"Ahh!!!" halos maihagis ko ang cellphone ni Papa dahil sa sobrang lakas ng sigaw ni Jade mula sa kabilang linya, at kasabay non ay nakarinig ako ng malakas na sigawan sa baba, kaya medyo natuliro ako sa ingay.

Mabilis akong tumayo at tumakbo pababa para tignan ang nangyayari sa baba? "Anong nangyayari?!" tanong ko ng makitang nagkakasiyahan sila Lolo, Lola at Papa.

Tumingin siya sakin at narinig ko rin ang pag-ubo ni Jade sa kabilang linya,

"Nakapasa ako Ali!!!!" Jade.

"Nakapasa ka anak!!!!" Papa.

Sabay na sigaw nila sa'kin, kaya hindi ako agad nakagalaw at napatulala na lamang. Tila ba'y sandalling umalis ang kaluluwa ko saking katawan. Nagulat nalang ako ng sumigaw muli si Jade sakabilang linya at kayapin ako nila Papa at Lola.

"Nakapasa tayo!!!!!!" patuloy na sigaw ni Jade sa kabilang linya, "Napakagaling talaga ng apo ko" masayang sambit ni Lola habang nakangiti sila ni Papa sakin.

"Jade congrats," ayon na lang ang lumabas sa bibig ko dahil medyo lutung pa nga ako. Pero naiintindihan ko nang nakapasa kami sa kanya-kanya namin universidad.

"Congrats sa atin Ali!!! Ginalingan na'tin ah!!!" unti-unti akong napangiti dahil sa sinabi niya, walang nagbago kahit magkalayo na kami gagawin parin naming ang mag bagay na sabay naming sinabi.

Umango ako kahit alam kong hindi niya iyon makikita, "Oo, gagalingan na'tin!" kasabay non' ay ang patingin ko kila Papa at Lola, Lolo. "Gagalingan ko po" bulong ko sa kanila, at niyakap muli sila.

***

Kasalukuyan akong nakaupo ngayon dito sa bintana ng aking kwarto at nakatungtong ang aking mga paa sa bubong ng unang palapag ng bahay. Bukas na magsisimula ang unang araw ng klase bilang kolehiyo.

Kinuha ko ang kursong gusto ko at kagaya ko ganon din ang ginawa ni Jade, mas malawak ang kanyang Universidad kumpara sa akin pero alam kong kakayanin niya doon at ganon din ako dito.

Tumayo ako sa bubong upang matanaw ko ang dagat na madalas naming puntahan ni Jade noon, pero hindi na ngayon.

Bigla kong naalala ang araw na iyon, hindi ko inaakala na mangyayari sakin iyon Nakita ko kung gano nakakatakot ang dagat na dati'y hindi ko naman kinakatakutan.

Pero laging pumapasok sa isip ko ang lalakeng iyon tuwing naalala ko ang pagkalunod ko, siya ang nagligtas sakin pero hanggang ngayon hindi ko parin siya nahahanap o nakita man lang.

"Matangkad siya, medyo maputla ang kanyang mga balat parang maputi pero hindi sobrang puti, tapos kulay itim ang buhok niya na bagsak"

"Maganda yong mata niya, medyo payat siya pero hindi sobrang payat sakto"

"Nakasuot siya ng kulay puti na polo, tapos itim na pantalon, mapula di labi niya kahit mukha siyang maputla, tapos ang tangos ng ilong"

Naalala ko na naman kung pano diniscribe ni Jade ang itsure ng lalakeng iyon, kaya agad akong pumasok muli sa bintana at kumuha ng papel at lapis, umupo ako sa bubong ng bahay at nagsimulang idrawing ang mga sinabi ni Jade.

Nais kong makita ang nagligtas sa'kin kahit sa papel lamang at sa paraan ng pagguhit lamang.

Hindi ko na malayan ang oras, Nakita ko na lang ang pagbaba ng araw ng matapos ko na ang drawing. Tumibog ng mabilis ang aking puso ng masilayan ko ang buo kong ginuhit. "Ganito pa ang itsura mo?" bulong ko na parang kinakausap ko ang isang pirasong papel.

"Ikaw ba ang nagligtas sakin?" dahan-dahan kong hinaplos ang parte ng buhok ng aking ginuhit. "Utang na loob ko sayo ang buhay ko" patuloy kong sambit.

Mabilis parin ang pagtibok ng aking puso, at parang may mga paru-parong lumilipad saking tyan. Ganito ba ang epekto mo sakin kahit hindi pa kita totoong nakikita? Bakit pakiramdam ko nagiinit ang aking mukha.

"Ate!" agad akong napalingon sa pinto ng pumasok si Amiel, at nilapitan ako. "Bakit?" tanong ko sa kanya ng isandal niya ang kanyang braso sa bintana at tinignan ang hawak ko.

"Sino yan ate?" tanong niya at inabot ito mula sa akin. Hinayaan ko siyang tignan ito habang sinubukan kong hawakan ang aking mukha, bakit ang init? May lagnat ba ako?

"Siya yong nagligtas sa'kin nong nalunod ako nong bata ako"sambit ko kaya napatingin siya sakin, "Anong pangalan?" tanong niya, at halata na curious siya.

Ngumiti ako bago sumagot, "Hindi ko nga rin alam," sabay tanaw muli sa dagat. "Bakit hindi mo alam ate?" tanong niay ulit.

"Hindi ko naman kasi talaga siya nakita noon, dinorawing ko lang yan base sa mga sinabi ni ate Aberry mo," sabi ko at lumingon muli sa kanya, tumango tango siya bago binalik sakin ang papel.

"Bakit mo siya drinowing gusto mo siyang makita?"

"Oo, utang ko sa kanya ang buhay ko, kung hindi dahil sa kanya bakaw ala ka nang ate ngayon" pananakot ko sa kanya, na agad naang hindi niya na gustuhan at sumimangot siya bigla.

"Hindi magandang joke yon ate" seryoso niyang sambit kaya tumawa ako at ginulo ang kanyang buhok. "Ang sabihin mo takot ka lang mawala ako dahil mahal na mahal mo ko" biro ko.

"Hindi kaya!!! Dyan ka na nga magpakasal ka dyan sa nagligtas sayo," nakasimangot niyang sambit at angsimulang maglakad palabas ng pinto ng kwarto ko.

"Pakasal agad?" biro ko muli.

"Hindi hanapin mot apos ligawan mo, tapos pakasalan mo sabihin mo approve siya sakin basta siya yong lalakeng yon" sabi nito bago pabalibag na sinara ang pinto ng kwarto ko.

Sa lakas ng pagsara niya ay narinig ni Lola sa baba kaya agad niya akong tinignan mula sa baba, "Ano yong ingay na iyon Candida?" tanong niya at tumigil sa pagwawalis ng mga dahoon.

"Wala po La si Amiel po nagdadabog hahaha" agad bumukas muli ang pinto ko at sumilip si Amiel. "La, hindi po yon totoo!!!!" sigaw niya at umalis na ulit.

"Amiel, sinisigawan mo ba ako?! Bumaba ka nga dito at tulungan ako mag walis ng mga dahon!!!" sigaw ni Lola, kaya hindi ko napigilan ang pagtawa ko.

At pinanuod si Amiel na naglakad papalapit kay Lola at kinuha ang walis mula dito, pagtapos non ay tinignan niya ako ng masama.

"La, si ate mag-aasawa na!!!" sigaw niya, mabilis humarap si Lola sa kanya at pinalo ng walis pero hindi naman malakas.

"Tigilan mo nga ako sa kalokohan mong bata ka! Tigilan mo ang ate mo." 

Tax Principles (Law of Attraction Series # 3)Where stories live. Discover now