Chapter 8

9.8K 309 37
                                    




"Ikaw," bulong ko ng hindi ko magawang magsalita ng maayos sa kanyang harapan. Siya yong kaninang nasa hallway din, nakatali na ng kalahati ang buhok niya ngayon. Matanggad din ito at mapulta ang balat.

Diretso siyang nakatingin sakin ngayon, at hindi ko magawang tignan siya ng mabuti dahil naiilang ako, isa pa ang puso ko parang tumitibok ng hindi normal.

Napakabilis, nanlalamig ang aking mga kamay, at nahihirapan akong huminga ng maayos.

"Why do I always encounter you with boys around you?" Tanong niya pero hindi ko ito gaano naintindihan dahil pinagmamasdan ako ang maganda at mahaba nitong buhok. Itim na itim ito at bagsak.

"H-huh?" tanong ko ng titigan niya ako ng mabuti.

"I said, what are you doing here? Are you looking for me," isang magandang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi ng sabihin iyon. Bumaba ang aking mata mula sa kanyang mga mukha papunta sa name pin sa kanyang uniporme.

Natividad, Carlos Louie. Student council President.

Siya yong president ng student council? Ibig sabihin siya yong hinihintay ko. Siya yong kakausapin ko tungkol sa student assistant. "Hey, are you looking for me?" tanong nito muli at binaba ang mga tingin sakin upang magtagpo muli ang aming mga mata.

"O-oo," sambit ko at umiwas muli ng tingin bago umayos nga tayo. Ganon din ang ginawa niya tumayo ito ng maayos at nilagay ang kanyang kamay sa likuran bago ngumiti ng tuluyan.

"Come into my office," nagsimula na siyang maglakad papunta sa opisina ng student council at pinasunod ako.

Pagpasok namin sa loob meron itong limang lames ana puno ng mga papels, files, folders at kung ano-ano pang kagamitan. Tigdalawa sa magkabilang gilid at isa sa gitna kung saan nakaharap ito sa pinto.

Naglakad siya papunta sa gitnang lamesa at sumandal doon, humarap ito sakin, pinagkrus ang mga braso bago ngumiti ng hindi labas ang ngipin. "G-gusto k-ko sanang m-magapply-----," hindi niya ako pinatapos magsalita ng tumayo siya muli at naglakad papunta sakin.

Napaatras ako ng medyo malapit siya sakin, "I'm not haring for new girlfriend miss," nakangiti nitong sambit, pero ngayon ay nakikita kona ang kapilyohan nito, dahil sa uri ng ngiti na kanyang

"Hindi balak kong magapply bilang student assistant Mr. President," magalang kong sambit at gumawad muli ng pagatras, upang malayo sa kanya.

"Ah..."napakamot ito ng batok at nagsimulang tumawa. "I forgot I was hiring for that," pinanuod ko lamang siyang umukot sa table para umupo sa upuan nito bago ako hinarap at naglabas ng file mula tambak na papel sa table niya.

"You're hired," inabot niya ito sakin, ito ang schedule ng mga activities na gagawin ng student council.

"You'll start tomorrow, but for now I have one task for you," napalingon ako sa kanya ng sabihin niya iyon at pinaglaruan ang ballpen sa kanyang kaliwang kamay.

"Ano iyon?" kinakabahan kong tanong at sinimulang ilagay sa bag ang schedule na binigay niya.

Tumayos siya ulit at naglakad papunta sakin, habang ang dalawang kamay ay nasa kanyang magkabilang bulsa. Halos mawalan ako ng hiniga ng ilapit nito ang mukha sa akin at ngumiti.

"Nagugutom ako, kain tayo," pagkatapos niyang sabihin iyon ay naglakad ito papuntang pinto habang ang dalawang kamay ay lumipat sa kanyang ulo.

Napahawak ako sa aking dibdib matapos itong malayo sa'kin, sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Bakit ganito?

Tyaka tama ba narinig ko nagtagalog siya? Tinignan ko siya habang naglalakad papunta ng pinto, pinanuod ko kung pano niya hawiin ang kanyang mahabang buhok pataas at ito'y muling bumagsak dahil mukhang napakalambot nito.

Shoulder length ang kanyang buhok pero umikli ito dahil sa pagtali niya ng kalahati. Madalang lang akong makakita ng lalakeng may ganitong taste sa buhok.

Nanlaki ang mata ko ng humarap siya sakin, at sigurado akong nahuli niya ang pagtitig ko sa kanya. "Tara, my treat," masigla niyang sambit at binuksan ang pinto, pero nanatili lang akong nakatayo sa kinatatayuan ko hindi ko magawang gumalaw dahil parang nagliliwanag siya habang nakangiti sa akin.

Bakit ganito? Ang bilis parin ng tibok ng puso ko? Mabigat din ang aking dibdib, bakit pagngumingiti siya sa'kin parang nababaliw ang puso ko.

Para akong kinakabahan pero hindi natatakot, anong nangyayari sayo Alliana?

"Hoy!" "Ay palaka!!" sigaw ko ng makita ko nalang siya sa harapan ko. Dahil sa pagsigaw na ikinagulat din niya ay nagging dahilan ng pagkawala ko ng balanse saking kinatatayuan.

"Hep" sambit nito ng saluhin nito ang aking bewang. Para akong nanigaw sa pagdikit ng kanyang braso saking bewang. Parang naglock ang aking mga mata sa kanyang mga mata, ngayon ay mas nakita ko ng maayos ang kulay ng mga ito.

Kulay hazel brown ito at mistulang kumikinang ito bawat tamaan ng ilaw, nagulat ako ulit ng makarinig ng kakaibang tunog na nanggagaling.....

Sa tyan niya?

"Ahahhaha I told you let's eat; I haven't eaten anything since this morning," agad akong tumayo ng marealize ko ang posisyon namin.

Tumawa siya habang inaayos ko ang aking damit, "Tara," sabi niya at inabot ang aking kamay, hinila ako palabas ng opisina at naglakad kami ng hawak nito ang aking kamay.

Hindi ko mapigilang hindi tignan ang kanyang kamay sa aking kamay, hawak nito ang aking kamay at sabay kaming naglalakad. Buti nalang wala nang masyadong studyante dito sa campus iilan na lamang.

"Teka saan tayo pupunta?" Tanong ko, nilingon niya at ako ngumiti kasama ang kanyang mga mata.

"Sa paborito kong tapsilugan hahaha masarap don," Sambit nito at nagsimulang tumakbo kaya wala akong nagawa kundi sumabay sa bilis ng pagtakbo niya.

Habang kami ay tumatakbo ay unti-unti na akong nakakaramdam ng malamig na tubig na pumapatak saking balat at mukha, ng itaas ko ang aking mukha... umaabon na?

"Uulan" parang isang magic sa pagkakasabi ko non' dahil biglang lumakas ang ulan kaya mas binilisan namin ang pagtakbo, "Sandali!" sambit ni Pres. at tumigil.

"Bakit?" tanong ko?

Hinubad nito ang polo at binalot sa aking ulo, "Ok tara!!! Haha," sambit niya at hinila ako muli, tumakbo kami ng mabilis at tumigil kami sa isang maliit na tapsilugan sa labas ng campus.

Dahan-dahan kong binaba ang polo niya sa aking ulo at tinignan siya, ngumiti siya ulit at tinapik ang aking balikat. "My treat," dalawang kamay niya ay nasa aking balikat at sabay tulak sa'kin papasok ng tapsilugan.

"Manang dalawang tapsilog extra at coke dalawa," sigaw niya at pinaupo ako sa isang available na table, tapos tumabi ito sakin kaya hindi ako magawang maging komportableng sa inuupuan ko.

"I guess I'll have a food trip body starting today" sambit niya at umakbay sa'kin, and wink.

"P-pres---,"

"Call me Louie."

Tax Principles (Law of Attraction Series # 3)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu