Chapter 27

8.7K 267 9
                                    


Hindi ko na namalayan kung anong oras umuwi si Jade kagabi dahil nakatulog na ako pero pinaghandaan ko siya ng hapunan, at siniguro kong kakainin niya ito at makikita kaagad. Nagising ko kinabukasan ng nagising ako ng madaling araw at hindi ko na nagawa pang bumalik sa pagtulog kaya nagbasa na lang ako at naghanda na ng almusal.

Ito ang unang araw ko sa kumpanya, hindi ko alam kung anong dapat kong iexpect sa Delavine's pero pakiramdam ko marami akong matutunan dito, at alam kong gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para maipakita na tama ang desisyon ni Sir. Olivero na ipasok ako dito sa kumpanya.

Naligo na ako pagsapit ng alas singko ng umaga, nalinis din ako ng kwarto ni Jade habang natutulog ito ng mahimbing, yakap-yakap ang isang manika na hindi ko naman nakita dito kahapon nong naglinis ako.

Natapos na akong maglinis lahat lahat ay hindi pa rin gising si Jade kaya napagisip-isip kong gisingin na siya dahil 6:30 na ng umaga, sumikat na ang haring araw.

"Aberry, gising na, 6:30 na, first day ko ngayon tar ana mag-almusal na," sambit ko habang nakatayo sa harapan ng kama niya, unti-unti itong gumising at minulat ang kanyang mga mata, tinignan niya ako mula ulo hanggang paa gamit ang mapungay niyang mga mata.

Tinignan ko rin ang aking sarili dahil sa ginawa niya, nagsuot ako ng isang simpleng white t-shirt at kulang cream cotton linen ankle length pants at pinusod ko rin ang aking buhok ng maayos para hindi ito makaabala sa pagtratrabaho ko mamaya.

Nangmapansin kong nakatingin lang siya sa akin at panay ang pahimas sa yakap nitong manika ay nagsalita na ako, "Tumayo ka na dyan, tyaka san galling yan?" tanong ko at umupo sa kama niya.

"Si Wowo," inaantok nitong sagot. "May pangalan yan?" tanong ko, dahil ang layo ng sagot niya sa tanong ko kanina, ang sabi ko saan galling dahil hindi ko ito nakita kahapon nong naglinis ako ng buong unit, tapos ang sagot ni Si Wowo?

Tumango lang ito na parang walang gana sa buhay, kaya tumayo na ako at iniwan na siya sa kwarto niya. Narinig ko ang pagpasok niya sa banyo kaya inayos ko na ang almusal at ininit ulit. Paglabas niya ay inaya ko na siyang kumain pero pansin kong may mali sa kanya.

Pero mas pinili kong hindi magsalita at hintayin na lang siyang magsalita ng kusa para sa kanyang sarili. Hanggang sa pumasok kami sa kumpanya nanatili siyang tahimik at tulala, tila may malalim na iniisip. Kasalukuyan kaming naglalakad sa lobby ng kumpanya ng magsalita na siya, "Ali, mamaya pala kaya mon a bang umuwi mag-isa?" tanong niya habang patuloy kami sa paglalakad.

Tumango ako bilang sagot at tinignan siya, "May lakad ka?" tanong ko, gusto kong malaman kung may problema ba siya.

"Oo sana eh, baka hindi kita masabayan sap ag-uwi," nakita ko ang pagiwas ng kanyang mata sa akin, at tila nahihiya siya sa akin, tumango-tango na lang ako sa kanya at pagpatuloy kami sa paglalakad, sobrang lawak ng kumpanyang ito, kung ikukumpara sa amin parang first floor ng mall ang Lobby na ito, may mga stall din dito sa baba kung saan pweding kumain ang mga employee, ay coffee shop na maliliit.

"Good morning!" napalingon kami ni Jade ng biglang nagsalita si Lana sa gilid namin. "Oh, bakit nakasuot ka ng sunglasses sa loob ng kumpanya Lana? Anong nakain mo nanaman?" tanog ni Jade dito dahil agaw pansin ang suot nitong itim na salamin sa loob ng kumpanya, pinagtitinginan siya ng mag dumadaan.

"Kinagat kasi ng ipis yong mata ko kagabi kaya kailangan ko nito gurl," sabi niya at sinubukan sanang tignan ni Jade ito pero pinigilan siya ni Lana at sinabi, "Don't touch, baka malasin ka," pananakot pa nito kaya nagkatinginan kami ni Jade at naglakad na ulit.

"Dito na ako mga gurl, Ali goodluck sayo," malakas at masiglang boses nitong sambit bago tumakbo sa department niya. "Salamat Lana," sambit ko kahit hindi niya na narinig.

"Excited ka na ba?" tanong ni Jade habang papalapit kami sa opisina niya. "Oo naman." sagot ko at ngumiti.

"Goodluck sayo, I mean sa atin pala," sabi niya at hinatid ako sa katabing pinto ng opisina niya na may nakapaskil na M. Research Dept. office.

"Goodluck," bulong niya at tinulak sako sa loob at umalis, pagpasok ko sa loob ay dalawang tao ang nakaupo sa magkabilang table at tumingin sa akin. "Good morning," pagbati ko at yumuko.

"Miss Cortez, right?" sambit ng isang babae at nilapitan ako, nagulat ako ng hawakan ako nito sa braso at hinila papunta sa table na nasa gitna ng dawalang table na occupied. "As our new research Analyst this will be your official table and we are your co-worker slash assistant slash bff's right Gail," sabi niya at pinaupo ako sa swivel chair, tumayo silang dalawa sa harapan ko at ngumiti ng napakalawak.

"Hi Miss Cortez, Brylee Guzman po assistant research analyst," sabi nong humila sa akin kanina. "Ako naman si Abby Gail Fenaz, co-assistant analyst, mas focus ako sa utos ng head," the other one said, tumango ako at nagpakilala din. "Alliana Candice Cortez, Market research Analyst nice to meet you."

Tumango sila at nagkamayan kami, pinaliwanag nila ang kanilang mga trabaho dito sa loob ng opisina at tinulungan akong mag-ayos ng aking table.

Wala pa daw ngayon ang head analyst namin na si Miss Ferran, nasa ibang bansa kaya ako muna ang maghahandle ng research analyst dept within 2 months.

Agad na din akong nagsimula sa trabaho ko dito, inayos ko na ang mag papers at mga demographic na kakailanganin ko pagnagstart nang ilabas ang new issues ng perfumes, nagdikit din ako ng picture nila Papa dito sa table ko kasama si Lola at Lolo, pati si Amiel.

"Shettttt!!!" natigilan ako sa pagbabasa ng biglang nagsalita si Gail at tumakbo kay Brylee. "Dalian mo!!" sambit nito at hinila patayo si Brylee at tila may sinilip sa pinto.

Napakunot ang akong noo at tumayo para tanungin silang dalawa kung anong ginagawa nila sa pinto. Para silang ewan na panay ang hagikgik habang nakasilip sa pinto.

"Anong ginagawa niyo?" tanong ko pero tila panag hindi nila ako narinig kaya mas lumapit pa ako at sinubukan silang kalabitin pero hindi parin nila ako pinapansin.

"Ano bang tinitignan niyo?" tanong ko sa mahinang boses pero tinapik lang ni Brylee ang kamay ko at patuloy sa ginagawa, mas lalong lumapakas ang hagikgik nila kaya hindi ko na napigilang buksan ang pinto dahilan para tumuwid sila bigla ng tayo.

"Ano bang tinitignan niyo dit---," natigilan ako sa aking sasabihin ng tumigil sa paglalakad ang CEO at lumingon sa akin.

Nanlaki ang aking mga mata ng magtama ang aming mga tama, siya ba ang tinitingnan nitong dalawa?

"Good morning, Sir," sambit ko at yumuko.

"Good morning," he gently said and continue walking, napalingon ako sa dalawang kasamahan ko na tila mukhang kamatis na sa sobrang pula ng kanilang mga pisngi. Sinara ko ang pinto at hianrap silang dalawa.

"Nakakahiya," bulong ko. "Hahahaha," tumawa silang dalawa at bumalik sa kanilang upuan. "Kinabahan ka noh?" tanong ni Gail sa akin pagbalik ko sa aking lamesa.

"Bakit kasi hindi niyo sinabi sa akin na ang CEO pala ang sinisipat-sipat niyo sa pinto," sabi ko at inayos ang aking T-shirt at ID.

"Ganitong oras kasi dumadaan dito si Papi CEO, ganito na ang routine naming ni Gail." Kinikilig na sabi ni Brylee sa akin. "Bakit niyo naman siya inaabangan lagi?" tanong ko.

"Duh, super-duper, hotter, smarter, yummy Daddy kaya si Papi CEO!! Lahat nng empliyado dito sa Delavine's ay tingin sa kanya ay prince charming hindi mob a nakikita kung gaano siya kumikinang habang naglalakad ng seryoso sa hallway, makahulog panty beh," napakunot ang noo ko sa mga reaksyon nila. Ganito ba nila kagusto ang CEO grabe naman, oo alam kong gwapo ito at kahanga-hanga nga ang aking appeal nito, pero sa tingin ko mas gwapo pa rin si Louie sa kahit na sino.

"Oh, tama na yan magtrabaho na tayo," sabi ko at bumalik sa trabaho. "Duh, sobrang swerte ko pag ako naging first girlfriend ni Papi CEO," sabi ni Gail. "Duh, hindi siya nagpaka NGSB para sayo Gail para sa akin yon," natigilan ako sa narinig ko.

Sa ganong itsura? Ganong edad?

"NGSB." 

Tax Principles (Law of Attraction Series # 3)Where stories live. Discover now