Chapter 42

8.7K 287 18
                                    



"Cadmus," bulong ko at yumuko ng magtama ang aming mga tingin, nakita kong sunod-sunod silang bumeso sa magulang ni Zoey bago tuluyang umupo sa mga upuan. At sa kasamaang palad ay katapat ko pa ngayon ang lalaking ito.

Nagsimula na kaming kumain at hindi napagod si Zoey sa pagkwekwento ng kung ano-ano kay Aberry habang ang iba ay may kanya-kanyang usapan habang ako ay hindi mapakali sa aking inuupuan dahil kanina pa ako hindi tinigilan ng lalaking ito. Patuloy ang pagtitig nito sa akin at patuloy din naman ako sa pag-iwas sa kanya.

Nagulat na lang ako ng tumama ang sapatos nito sa aking sapatos, patuloy niya itong tinatama, upang maagaw ang pansin ko pero hindi ko ito pinansin at iniwas ang aking paa. At mabilis kong kinalabit si Lana para may kausap ako at hindi ako guluhin ng lalaking ito.

"Lana," hinarap ako agad nito habang may kanin ba sa kanyang bibig. "Bakit gurl?" bulong nito. "Kausapin mo ako," sambit ko na ikinataas ng kilay niya. "Ay, teka lang gurl kain muna ako," sagot nito at naramdaman ko ulit ang sapatos ni Cad kaya kinurot ko si Lana at humarap ulit ito sa akin.

"Sakit gurl," reklamo nito habang puno pa rin ang bibig. "Sabi ko kausapin mo ako dalian mo o sa sahig ka matutulog," pagbabanta ko dito na ikinalaki ng mata niya at biglang tumawa. "Ah hahahahhaha, oo nakakatawa yon, halika nga dito," sabi niya at pinaharap ako sa kanya at tuluyan ko nang naiwasan si Cadmus.

Pagkatapos kumain ay kaagad kaming umalis nila Jade at Lana sa lobby at tuluyang umakyat sa itaas. Natulog kami ng maaga, magkatabing natulog si Lana at Jade dahil may pinanuod pa sila bago matulog at kinabukasan ay maaga kaming lumabas at nagtungo sa tabing dagat para maglakad-lakad.

Di alintana ang lakas ng simoy ng hangin at lakas ng alon, napapalitan naman ng ganda ng dagat ang lamig na nararamdaman namin.

Habang nag lalakad malakas na boses ni Zoey ang umagaw sa atnesyon naming tatlo, sabay-sabay kaming napalingon ng makita si Zoey na nakasuot ng magandang swimsuit.

"Wow," bulong ni Lana na may halong pang-aasar kay Jade. Nakita ko naman kung gano lumungkot ang mga mata ni Jade ng pagmasdan ang dalawa mula dito sa malayo.

"Oy selos," malokong sambit ni Lana at kinurot-kurot ang bewang ni Jade. agad naman siyang tinignan ng masama ni Jade at sinabi, "Bakit naman ako magseselos wala na kaya akong gusto sa kanya," sunod sunod na paglunok ang ginawa nito bago umiwas ng tingin at ibinaling ang tingin sa dagat kesa sa dalawa.

Naisipan ko ibahin ang usapan, alam kong gusto ni Jade ang dagat simula bata kami kaya naisipan ko siyang tanugin. "Ikaw ba ayaw mong magswimming?" tanong ko lumingon ulit siya sa dagat bago sumagot.

"Ayaw ko wala ako sa mood, mamaya na lang siguro night swimming" sabi niya at nauna nang pumasok sa loob pabalik sa aming kwarto.

"Tara Ali ikot tayo doon," nilingon ko si Lana ng hilahin nito ang braso ko papunta sa mga bilihan ng souvenir. Bumili kami ng mga simpleng souvenir at kung ano-ano pa, "Sandali may nakalimutan akong bilhin don Ali wait babalik ako." hindi ko na nagawang magsalita ng agad tumakbo pabalik si Lana sa pinanggalingan naming store.

Kaya tumayo na lang ako ng maayos dito habang hihintay siya at napalingon sa isang store na may maliit na TV, si Louie iyon ah, lumapit ako dito para makinuod. "Manang ano po yan?" tanong ko sa tindera at tinuro ang TV nila. "Ah bagong MV ng Louzel," kinikilig na sagot ng anak ng tindera.

"L-louzel?" tanong ko. "Louie at Dazzel, bagong MV nila ito," sabi nito at tumutok na sa TV, at ganon din ang ginawa ko pianuod ko ang ito, kumakanta si Dazzel habang may mga scen na ipinapakita magkayakapp ang dalawa at hinahalikan ni Louie ang noo ni Dazzel at kitang-kita sa mga mata nila na in love sila sa isat-is----- hindi ako ang gusto ni Louie, umaakting lang siya.

Tax Principles (Law of Attraction Series # 3)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora