Chapter 26

8.8K 243 8
                                    


Kinabukasan ay nagising ako ng maaga, at madilim pa sa labas naghanda na ako ng almusal para sa aming dalawa. Nakita ko na ang paggalaw ni Jade pero nang makitang nagluluto ako ay natulog siya ulit kaya umiling-iling na lang ako.

Nagluto ako ng itlog at bacon na galling sa ref niya at nagsangag lang din ng kanin para sa aming dalawa, nilabas ko din ang bico na gawa ni Lola. Habang nagpriprito nakita kong umilaw at tumunog ang phone ni Jade kaya gumising ito at umupo para sagutin ito.

Tumayo at naglakad ito papuntang banyo para maligo habang may kausap sa cellphone.

Nagpatuloy ako sa pagluluto at sinisilip ang aking cellphone kung tumatawag ba si Louie or nagtext na ito pero hanggang ngayon wala pa rin. Tinext ko siya kagabi pero wala paring text mula sa kanya.

Natigilan ako ng umilaw ang aking cellphone kaya mabilis ko itong kinuha at tinigna kung sinong tumatawag, akala ko si Louie na pero hindi pala sila Amiel. Mabilis ko itong sinagot, "Hello, Amiel!!"

"Ate kamusta ka dyan—"Amiel, "Teka ako muna pakauspa ako sa Apo k----," Lola, "Hindi sandali lang ako muna!" Lolo. Natigilan ako ng marinig silang nagaagawan sa telepono.

"Si Papa muna pwedi?" sambit ko kaya tumigil silang tatlo at narinig kong inabot nila ito kay Papa. "Anak Candida kamusta ka dyan sa Manila?" tanong ni Papa mula sa kabilang linya.

"Ok, lang ho ako Pa andito na po ako sa titirhan ko," sabi ko at lumingon sa pinto ng kwarto kasi baka marinig ako ni Jade.

"Mabuti naman anak," sambit ni Ppaa at tila na relive siya sa sinabi ko, "Pa bukas ako amgsisimulang magtrabaho, mas doble ang kikitain ko dito dahil hindi lang Market research analyst ang gagawin ko magiging P.A din ako ng CEO kaya sigurado next week mababayaran na natin ang bayarin ni Amiel sa school. Pati na rin ho ang tubig at kuryante Papa," masigla kong sambit pero namimiss ko na sila.

"Maraming Salamat anak ko," sabi ni Papa kaya ngumiti ako at tumango kahit hindi naman niya ito makikita. Nakipaguspa ako kay Lola, Lolo at Amiel hanggang sa makarinig ako ng sigaw mula sa CR sa kwarto ni Jade. "Pa tatawag na lang ho ako ulit, bye po," pinatay ko ang tawag at tumakbo sa loob ng kwarto ni Jade at pumunta sa pinto ng CR.

"Jade anong nagyayari sayo dyan? Ok ka lang ba?"nagaalala kong tanong at pilit kumakatok sa loob. Bumukas ang pinto ay sumilip siya, "Nakahanap na ako ng Nikon S3 para kay papa Ali!!!" masayang sambit nito.

Baliw ito, akala ko naman kung ano! "Talaga!" tanong ko kaya mas lalo siyang ngumiti. Tumango din ako at ngumiti pero agad ko siyang tinignan ng masama at sinabi. "Edi kung masaya ka wag kang sumisigaw at tumatalon dyan sa loob madulas ka dyan!" suway ko sa kanya dahil akala ko may nangyari nang masama sa kanya ayon pala yon lang.

"Sungit naman," bulong niya at sinara ang pinto ng banyo. Naligo na ito at pagkatapos sabay aming kumain ng almusal. "Buti andito ka na Ali, kailangan ko talaga ng masarap na luto tuwing umaga para gumana ang utak ko sa trabaho hahaha, tapos ang bico ni Lola talagang walang pagbabago," sabi ni Jade habang patuloy ang pagkain.

Tumango na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. "Oh, siya sige na papasok na ako, sigurado ka bang wala kang kailangan puntahan ngayong araw?" tanong niya habang inaayos ang kanyang buhok at sinusuot ang bag niya, naghahanda na sa pagpasok sa opisina.

"Oo, magbabasa lang ako buong araw kailangan ko kasing pag-aralan ang mga maaring maging projects ko dito sa Manila," sagot ko habang nililigpit ang pinagkainan namin. Tumango-tango siya bago ngumiti sa akin. "Sige pala mauna na ako ah bye see you later," she said and leave the unit.

Naiwan akong magisa dito at nang matapos akong maghugas ng plato ay kumuha na din ako ng damit ko para maligo at masimulan nang magbasa at mag-aral. Hindi ko gaano kilala ang Manila pati ang systema ng market dito kaya pag-aaralan ko muna para handa ako bukas pagpasok ko sa trabaho.

Habang nagbibihis ay binuksan ko ang TV ni Jade para manuod muna bago magbasa, maaring may balita dito na maaari kong pagkuhanan ng kaalaman tungkol sa Manila market strategies.

Pagbukas ko ng TV ay agad bumungad sa akin ang kumakantang si Dazzel, natigilan ako sa pagpupunas ng aking buhok ng makita siya. Nakasuot ito ng gold long gown at kitang-kita ang malapurselanang kutis nito at nagigibabaw ang dimples niya sa kanyang pisngi. Napansin ko rin na nagkulay ito ng buhok, kulay gray na ito kaya mas lalong nangibabaw ang kanyang kaputian.

Bigla kong naalala na andon siya kahapon sa Unit ni Louie, siguro kailangan nilang magsama doon dahil magkarelasyon sila at wala akong dapat ikagulat tungkol doon.

Pinatay ko din agad ang TV at mas pinili na lang magbasa, naiwan din ako ng text kay Louie kung sakaling may oras ito.

Nagsimula akong magbasa ng mga luma kong libro tungkol sa marketing strategies para makalikom muli ng magandang idea, sumunod naman kong binasa pagkatapos non' ay ang tungkol sa Manila demand and market process. Inalam ko kung gano umeepekto sa kabataan ang online advertising at influences advertising, dahil kailangan kong alamin kung ano nga ba ang mag nais ng mga kabataan ngayon, pati narin ang mga nakakatanda.

Sisiguraduhin kong may malaki akong maitutulong sa trabahong ito, binigyan ako ng ganito kalaking upurtunidan kaya dapat patunayan ko ang aking sarili at ipakita na may maiiaambag ako sa kumpanya.

Habang busy ako sa pagbabasa biglang tumunog ang phone ko at nakita kong tumatawag si Louie kaya mabilis kong binitawan ang mag librong hawak ko. Inabot ko ito at agad sinagot.

"Louie!!!" excited kong sambit.

"Hi," he said from the other line, bakas sa boses nito na pagod ito kaya nawala ang ngiti ko, naawa ako sa kanya, alam kong pangarap niya ito pero alam ko ring napapagod din siya at limitado lang ang oras ng pagpapahinag niya. Kumakain pa kaya ito ng maayos.

"Sorry, hindi ko sinabi sayon a darating ako, andito ako ngayon sa bahay ng pinsan ko dito na ako magtratarbaho sa Manila, tinggap ako ng isang malaking kumpanya dito kaya tinggap ko kaagad para makatulong na din sa pamilya ko at kay Amiel. At isa pa makikita na kita lagi dahil mas malapi----," hindi ko natapos ang sasabihin ko ng huminga siya ng malalim.

"I wish I could lay on your shoulders right now, gusting gusto kitang yakapin kahapon pero hindi pwede," he said.

Natigilan ako at dahan-dahang napasandal sa upuan, "Magpahinga ka Louie, please lang," bulong ko.

"How could I do that when your shoulder was my resting spot," sambit nito sa inaatok na boses. Naalala ko naman ang sinabi niya, simula collage kami pagnapapagod siya sa trabaho sa student council pinapatawag niya ako at sasabihing may trabaho siyang iappagawa pero ang totoo papaupuin niya lang ako sa kanyang tabi para sumandal siya sa aking balikat at iidlip ng ilang oras.

"Gusto mo bang puntahan kita ngayon?" tanong ko sa kanya.

"No, I'm at the shoot here at the building nagpapahinga lang ako saglit and I'll be in need later, tumawag lang ako para marinig ang boses mo," he said that made me smile.

"Nako, tapsi lang katapat n'yan, kain tayong tapsi pagmay time ka at magkita tayo," I cheer him up and I heard him chuckled at the other line kaya napangiti na ako.

"Cook for me then when we meet, Tapsi tayo." sabi nito, masaya akong kahit papano ay napapagaan ko ang pakiramdam niya. "Babe, tara na, they're going to take shots of us na," narinig kong boses ni Dazzel sa kabilang linya. "Ok," Louie answer her before he whisper at me.

"I'll be leaving for now; I'll call you when I have time ok," he whispers and ened up the call. Binaba ko ang aking cellphone at huminga na lang ng malalim.

"Tapsi."

Tax Principles (Law of Attraction Series # 3)Where stories live. Discover now