Chapter 48

8.6K 244 44
                                    




"No!!!" He darkly said.

"L-Louie" hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kaba sa higpit ng pagkakahawak niya sa akin.

"No! Walang ititigil Alliana!!!" malakas nitong sambit, kasabay 'non ay naamoy ko ang alak mula sa kanyang bibig, nakainom siya. "Louie sandali bitawan mo muna ako," sinubukan kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa aking braso pero nagulat na lang ako ng lumipat iyon sa kamay ko at mahigpit akong hinila sa sasakyan niya.

"L-Louie?" I utter, but he ignored me and dragged me through his car and started the engine, and started driving so fast. Sobrang higpit ng pagkakahawak ko sa seatbelt habang sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa takot na madisgrasya kami sa ginagawa niya.

"Louie dahan-dahan lang naman," mahina kong sambit na halos maging bulong na dahil sa panginginig ng aking buong katawan sa sobrang bilis ng takbo ng sasakyan. Naririnig ko ang malalakas na busina ng mga sasakyan sa labasan na nagdadagdag pa ng kaba sa aking dibdib.

"Walang ititigil Alliana," madiin na sambit ni Louie habang nakatingin sa kalsada at sobrang higpit ng hawak sa manibela.

"Louie" bulong ko habang nakakapit sa seat bealt, "L-lasing ka dahan-dahan please" natatakot kong sabit pero parang wala itong naririnig at mas binilisan pa ang pagpapatakbo ng sasakyan.

Tumigil kami sa isang hotel at kaagad niya akong hinila palabas ng sasakyan at pumasok sa loob, sinusubukan kong kumawala sa pagkakahawak niya pero sobrang higpit nito at masakit na rin ng konti.

"Louie sandali" bulong ko ng matapos siyang mag check in at hinila ako sa elevetor. Hindi ito nagsasalita at panay igting ng panga lang ang kanyang ginagawa at bawat pilit kong tanggalin ang kamay niya at mas lalo lamang itong humihigpit.

"Sandali Louie nasasaktan na ako," sambit ko ng bigla niya akong hilain palabas ng elevator ng bumukas ito, hindi niya ako pinakinggan at hinila sa isang silid at ni lock ito.

Pabalibag niya akong binitawan kaya hindi ko napigilan matumba sa sahig at hindi maganda ang pagkakabagsak ko at naitungkod ko ang aking kaliwang kamay kaya sumakit ito ng sobra, ito yong tumama sa sasakyan dati.

"Sabi mo hihintayin mo ako Alliana! Ako, apat na taon akong naghintay sayo tapos ikaw wala pang isang taon iiwan mo na ako!! Pagkatapos lahat ng ginawa ko para sayo!!!" galit nitong sambit habang tinatanggal ang mask.

"Louie hindi kasi tama ang ginagawa natin," sambit ko at dahan-dahan tumayo habang hawak ang aking kamay, kumikirot ito ng sobra.

"Wala akong pake Alliana!!! Bakit ba pumasok ito sa isip mo? dahil ba may iba ka nang gusto?!?Yung lalaking 'yon ba ah?!" sigaw nito at lumapit sa akin, na paatras ako at napaupo sa kama ng tumama ang likod ng tuhod ko sa dulo nito.

Nagulat ako ng hawakan nito ang aking t-shirt at mahigpit itong hinila pataas kaya nakatingala ako at sa kanya. "Anong sinasabi mo?"

"Wag na tayong mag maangmaangan pa Alliana, yung lalaking 'yon, Boss mo yun hindi ba?! Pero ang trabaho mo analyst, ang analyst hindi palaging kasama ng CEO pero ikaw dalawang beses ko nang nakitang pumupunta sa condo ng boss mo, hindi ako tanga!" sigaw nito.

"Anong ibig mong sabihin L-louie" nagsimula nang manginig ang aking kamay at sinubukan kong hawak ang kamay niya sa aking damit at subukan siyang pakalmahin.

"Alam ko naman na nasilaw ka sa pera ng boss mo Alliana! Pero sana hindi mo kalimutan na may responsibilidad ka sa akin, hindi yung iiwan mo agad ako dahil sa per----,"

Tax Principles (Law of Attraction Series # 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon