Chapter 37

8.3K 245 8
                                    





"I'm Kace, CEO's secretary/assistant," ano? Teka ako ang assistant nito at iba ang secretary nito.

Kunot-noo ko itong tinignan bago nagsimulang magsalita, "Secretary? Akala ko isa ka sa board member kaya lagi kang nasa meeting," nagtata kong tanong.

"I was the secretary of the CEO since he started working in the company," he calmly said and checked his watch. "If you don't mind Miss. Cortez, but we have to go the party will start at 8:00," hindi pa rin ako gumagalaw sa aking kinatatayuan habang lahat ay nagsisink in sa aking utak.

"Sino yung babae sa labas ng office ng CEO?" nakatulala kong tanong. He look at me and answer, "She's my assistant," so hindi ito ang totoong secretary ng CEO, ang totoong secretary ay ang lalakeng nasa harapan ko, nagsinungaling ang siya sa akin, nagsinungaling ang Cadmus na iyon sa akin.

Ginamit pa ang assistant na iyon at dinahilan ang pagbubuntis nito para makasama ako sa lahat ng pinupuntahan niya! Kaya pala lagi kong nakikita ang lalakeng ito sa harap ko sa mga meeting na pinupuntahan namin ni Cad. Tuso at mapagsamantala talaga ang lalaking iyon.

Hindi ko mapigilang mag-init at magalit sa mga nalaman ko, sinungaling ang lalaking iyon. "Tara," madiin kong sambit at naunang lumabas ng salon at sumakay sa sasakyan nito. Tahimik kaming bumiyahe papuntang venue.

"Salamat mauna na ako," agad akong bumaba ng sasakyan ng tumigil kami sa harap ng hotel, "The CEO wants to see you first before the party start Miss. Cortez," habol na sambit nito, hirapan ko ito at ngumiti ng peke.

"Sabihin mo gago siya!" pagkatapos ay agad akong pumasok sa loob ng venue at nakita si Lana kaya agad ko itong nilapitan. "Lana," kinalabit ko ito upang humarap sa akin.

"Oh my fuck, Ali ikaw ba ya---." hindi ko na hinintay tapusin niya ang sasabihin niya at agad ko nang tinakpan ang bibig nito dahil sa lakas ng boses niya. Pinagtitinginan tuloy kami ng ibang empleyado.

"Ang ingay mo, kinain mo ba yong speaker ni Jade." singhal ko at inirapan siya, "Ay sungit!" bulong niya ng bitawan ko ang bibig n'ya. Hindi ko pa rin maalis ang inis sa aking sarili, sinungaling siya!

Tumunog ang cellphone ko at may text mula sa kanya,

From CEO,

I told Kace that you should come to see me first before the party starts, where are you?

"Tss," singhal ko at padabog na binalik ang cellphone ko sa aking maliit na bag. "Hoy problema mo ba gurl? Ganda ganda mo ngayon tapos nakabusangot ka," sabi ni Lana at inabutan ako ng candy.

"Problema ba?" tanong nito, tinignan ko siya bago sumagot, "Wala may regla lang," tumingin ako sa paligid at pinagmasdan ang magagarang gown at dress na suot ng mga empleyado.

Bago ako napatingin sa glass wall dito sa venue kung saan nakita ko ang itsura ko mula sa repleksyon nito. I'm wearing a off white knee length cocktail dress and 2 inches heels, na nagiging dahilan ng hindi pagiging kumportable ko sa paglalakad at pagtayo.

Habang busy ako sa pagtingin sa aking sarili nagsimula nang magpalakpakan ang mga tao kaya agad akong humarap sa stage kung saan paakyat ang sinungaling na lalakeng iyon.

Nakasuot ito ng kulay gray na formal attire na halatang mamahalin pati ang sapatos nitong suot mukhang mamahaling klase ng cup toe oxford shoes. Nakataas ang ayos ng buhok nito na nagpakita lalo ng kanyang gwapong mukha, pero para sa paningin ko hindi matatakpan ng kagwapuhan niyang yan ang kasamaan ng ugali niya.

Tax Principles (Law of Attraction Series # 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon