Chapter 61

10.6K 311 23
                                    





"Candida apo gising ka na ba? Kagabi ka pa hindi lumalabas ng iyong kwarto apo ko.. Kumain ka muna dito sa labas," minulat ko ang aking mata ng marinig ang boses ni Lola mula sa labas ng aking pinto.

Simula pa kagabi ay hindi ko magawang umalis dito sa aking kama dahil bukod sa hindi ko malaman ang aking tunay na nararamdaman pakiramdam ko wala na rin akong ganang mabuhay pa.

Akala ko nong una kaya ko, kaya ko kahit alam kong may girlfriend na siya, tinaggap ko na may bago na siya at hindi niya na ako kayang balikan pa dahil sobra ko siyang sinaktan. Akala ko kaya ko na..

Pero ng malaman kong ikakasal na siya parang nawala na ang lahat sa akin, lahat ng pag-asa kong pinanghahawakan ay tila nawalan ng silbi.

Pinilit kong alamin kung nasasaktan ba ako? Nalulungkot ba ako? Nagagalit ba ako? Dahil parang naging blangko na ang buhay ko simula ng mabasa ko iyon.

"Candida anak ayos ka lang ba dyan sa loob?" pati si Papa ay nasa labas din ng aking pinto, alam kong nag-aalala silang lahat sa akin, pati kagabi ay panay ang tawag sa akin ni Sienna, Lana at Chantel pero ni isa ay wala akong sinagot dahil ano pa bang silbi non?

"Candida apo kumain ka man lang para sa baby mo apo ko," malambing na sambit ni Lola pero nanatili lang aking nakahiga sa kama at nakatingin sa pinto.

"Iiwan namin ang pagkain dito sa labas ng pinto apo kung gusto mo pa ring mapag-isa, basta kumain ka apo ko ah." sambit ni Lola at narinig kong binitawan nila ang pagkain sa tapat ng pinto. "Anak tawagin mo lang ang Papa kung may sumakit sa iyo anak mauna na kami sa baba," sabi ni Papa at narinig kong tuluyan na silang bumaba.

Tumulo muli ang luha ko kung kaya't muli kong niyakap ang aking unan at hinaplos ang aking tyan, "Sorry baby kakain tayo mamaya ok," I whisper at my tummy and close my eyes.

Ano na ang mangyayari sa akin nito?

Hindi ko namalayan na kakaiyak ko ay bumalik pala ako sa pagtulog at gumising ng mga 12 pm na ng tanghali kaya tumayo ako at kinuha ang pagkain sa labas ng pinto at kumain sa loob ng aking kwarto. Ramdam ko ang gutom ng baby ko kaya sobra akong nagsisisi na pati siya ay nadadamay sa aking nararamdamang sakit ngayon.

Inubos ko ang lahat ng pagkain dinala nila para sa akin at pagkatapos ay umupo lang sa tapat ng bintana at nanatiling nakatanaw sa labasan hanggang sa bumaba na ang araw.

Kinagabihan ay gaya ng kanina hinatidan lang nila ako ng pagkain at kumain ako muli sa loob ng aking silid, naihiga ako pagkatapos at muling lumuha hanggang sa ako'y makatulog.

Pero gumising din ako ng madaling araw ng nagparamdam si Baby at naghahanap ng makakain sa kalagitnaan ng gabi. Tumayo at bumaba ako sa ibaba para kumuha ng makakain sa kusina pero habang nasa tapat ako ng ref ay biglang bumukas ang ilaw at nakita ko si Papa na nakangiti habang pinanunuod akong kumuha ng pagkain sa ref.

"P-pa" bulong ko.

"Nagbalat ako ng mangga para sayo dahil alam kong ganitong oras ka naghahanap ng mangga sa gabi" sabi ni Papa at tinuro ang maliit na lamesa sa sala kung saan may nakalagay na plato na puno ng mangga at sawsawan nitong toyo at suka.

Napangiti ako sa di malamang dahilan, siguro si Baby ang natuwa. "Tara," sabi ni Papa at naglakad kasama ang saklay papunta sa sala at doon kami umupo.

"Gabi na pa bakit gising pa kayo?" tanong ko, tulog na sila Lola at Lolo pati na rin si Amiel dahil magaalasdos na nang madaling araw.

"Alam ko kasing gigising ka kaya hinintay na kita" nakangiting sambit ni Papa , at napansin kong nakatingin siya sa larawan namin nila Mama mula sa pader.

"Alam mo sobrang talino ng Mama mo nong una kaming nagkakilala, hindi niya ako gusto noon dahil may boyfriend na siyang medical student pero ako unang kita ko pa lang sa kanya gsutong-gusto ko na siya pero wala eh hindi niya ako pinapansin dahil maangas ako noon at hindi ganon katalino haha" natatawang sambit ni Papa at tila naaalala niya pa ang lahat sa uri ng kanyang ngiting ipinapakita.

"Hindi mayaman at pinanganak sa marayang buhay ang iyong Mama kung kaya't matigas ang loob nito sa lahat ng bagay dahil ayaw niyang mapulaan na mukha siyang pera, nong kolehiyo kasi kami lagi siyang sinasabihan na mangagamit dahil sa boyfriend niyang mayaman pero hindi nagtagal ay hindi rin naintindihan ng boyfriend niya ang buhay at mundong ginagalawan niya kaya naghiwalay sila at syempre ako ang unang nakaalam non" tumatawa at nagmamalaking sambit ni Papa.

"Noong nalaman ko iyon kaagad kong pinormahan ang Mama mo, pero mailap siya dahil may kaya kami noon.. Pinapamukha niya sa akin na hindi niya kailangan ng kahit ano mula sa akin kung kaya't hindi ako nagbigay ng kahit ano sa kanya maliban sa pagmamahal ko. Hindi ako sumuko dahil alam kong hindi madali ang pinagdadaanan niya at isa ako sa mga taong handa siyang intindihin kahit anong mangyari, hindi nagtaggal ay tinaggap ako ng Mama mo at kami'y nagibigan ng totoo," their love story wasn't that complicated, sana ganon na lang din ang akin pero malabo.

"Pa anong gagawin mo noon kung sakaling ikakasal si Mama sa taong mas makakabuti sa kanya?" tanong ko habang kumakain ng mangga.

Huminga ng malalim si Papa bago siya ngumiti ng totoo at sinagot ang tanong ko, "Edi hahayaan ko na ang Mama mo, dahil sobrang mahal ko siya doon ako sa makakabuti sa kanya kahit na ang katumbas non' ay hindi siya mananatili sa aking tabi," tila tinamaan ako ng sobra sa sagot ni Papa, ito na kaya ang tamang oras para pakawalan at hayaan na si Cadmus sa tamang babae?

Sobrang bigat ng aking dibdib at nagsisimula nanamang sumikit ang aking pakiramdam. "Pero anak iba ang sitwasyon mo sa amin ng Mama mo, piliin mo ang sinasabi ng puso mo hindi yong ibabase mo sa opinion ng iba ang tamang desisyon para sayo anak ko" sambit ni Papa at niyakap ako.

Sa paghaplos ni Papa ay kasabay ng pagbagsak at pagbugso ng aking damdamin at ako ay umiyak muli.

Ano nga ba ang sinasabi ng aking puso?

Dahil pakiramdam ko masyado nang pagod ang aking puso sa lahat kung kaya't hindi na nito magawang linawin sa aking ang nais kong gawin.

"Papa," I whisper and hugged him tighter, "Nandito lang ang Papa sa tabi mo anak, kahit anong mangyari hindi ka namin iiwan at papabayaan anak ko," he whisper that make me cry even more.

Kinabukasan ay gumising ako ng maga ang aking mga mata at nagdesisyon lumabas ng bahay.

"Alliana apo saan ka pupunta?" tanong ni Lola sa akin habang nagluluto ito ng almusal.

Ngayon ang kasal ni Cadmus at ni Lizeth... I smile, ang totoong pinakamaswerteng babae sa mundo. Makakapiling niya habang buhay ang lalakeng sumalba at nagmahal sa akin ng sobra pero sinayang at pinaghintay ko ng sobrang tagal kaya sinukuan ang gaya ko.


Dahil wala akong kwenta...


"Pupunta lang ho ako sa tabing dagat La, magpapahangin"

Tax Principles (Law of Attraction Series # 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon