Chapter 40

9K 284 36
                                    




"Ikaw na naman!!!" singhal nito at hinila ako palayo kay Cad. Nagulat naman si Cad at sinubukan abutin ako pero hindi ito hinayaan ni Louie. "Ikaw na naman! Diba sinabi ko sayo tingnan mo kung kainino ang inahawakan mo!!" salit na sambit ni Louie dito.

Cad straightly stared at him and answered, "I know, but I'm holding what's mine" he said and reached my hand and tried to pull me back. Pero bago niya pa iyon ginawa ay sinuntok na siya ni Louie at sinipa sa tyan na naging dahilan ng pagtama nito sa sasakyan niya at natumba.

Nakita ko kung pano ininda ni Cad ang maling pagtama sa sasakyan kaya nagulat ako at hindi agad nakagalaw. Pinagsisipa ito ni Louie at sinuntok suntok, natauhan lang ako ng makitang may dugo sa labi ni Cadmus.

Kaagad kong nilapitan si Louie at niyakap ang bewang nito, hinila palayo kay Cadmus. "Louie, tama na," I said and tried my best to move him away from Cadmus.

"Gago ka anong sayo walang sayo!!!" sigaw ni Louie habang pilit sinisipa at inaabot ito pero pinipigilan ko. "Louie tama na, Tama na!!!" sigaw ko.

"HEY!" biglang may humila sa braso ko kaya napabitaw ako kay Louie at sinugod muli nito si Cad at isang malakas na sampal ang natanggap ko. "How dare you touch my boyfriend!!!! Babe stop!!!" si Dazzel? Nilapitan niya si Louie at isang hawak niya lang dito ay tumigil ito at niyakap siya.

"Let's go babe," Dazzel said and pull Louie away, tinakpan ko ang aking mata upang hindi nito mamukhaan. Nang tuluyan na silang umalis hindi ko maiwasang pagmasdan sila papalayo.

Napahawak ako sa aking dibdib at nararamdaman ko ang pagsikip ng aking dibdib. Parang nahihirapan akong huminga sa sandaling panahon. Ramdam ko din ang pagpintig ng aking pisngi sa lakas ng sampal na ginawad ni Dazzel sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang una kong iisipin ang kirot na dala ng sampal ang kirot na makita siyang magkahawak kamay papalayo sa akin.

Habang nakatitig sa condominium na sa harapan ng Delavine's Condo's na tinitirhan ni Louie nakarinig ako ng pag-ubo kaya mabilis akong tumalikod at hinarap si Cadmus na tila hirap tumayo at nahawak sa kanyang tyan.

May dugo sa gilid ng labi nito, nilapitan ko siya at inalalayan. "Dadalhin kita sa hospital!! Manong!!!" sigaw ko at sumakay kami ng taxi at nagtungo sa pinakamalapit na hospital.

Nakatamo siya ng maliliit na sugaw at malaking pasa sa kanyang tyan, kaya kinailangan bendahan ito dahil medyo masakit pa. Mga ilang oras lang kami pinagstay sa hospital bago pinayagan na ding umuwi.

Bumalik kami sa condo niya at inalalayan ko siya papasok sa kanyang silid, kung saan andito pa rin ang malaki kong larawan. Kung hindi ko ito nakilala bago ko ito makita iisipin kong manyak ito.

"Maupo ka muna dyan sabi ng doctor palitan daw ang benda mo paguwi dito, kukunin ko lang ang mga gamit sa labas maghubad ka na," sambit ko at lumabas upang kunin ang benda at first aid kit sa kusina.

Pagpasok ko sa loob ng kwarto agad akong napatalikod ng matagpuang nakaboxer lamang ito at ang benda sa kanyang katawan. "Bakit pati pants mo hinubad mo!!" tanong ko. Habang dahan-dahang humarap at lumapit dito.

"I sleep like this," he said and watch me seat beside me.

"Tss" iyon na lang ang nasabi ko at sinimulang tanggalin ang benda sa kanyang katawan. Dahan-dahan at unti-unti ko itong tinanggal hanggang sa tuluyan nang matanggal at nakita ang pasa nito at ang maganda nitong katawan.

I gulp before wiping his body using the towel, hindi ko alam pero naiilang akong punasana ng kanyang tyan dahil nanatili siyang pinapanuod ang bawat galaw na ginagawa ko kaya hinarap ko siya at tinulak ang kanyang mukha para tumingin ito sa iba. "Wag ka ngang tumingin!" singhal ko paro nginisian lang ako nito at tumingala habang ang dalawang kamay ay nakaalalay at nakahawak sa kamay.

"Why do you like him?" he asked out of nowhere. Binendahan ko na siya at pinaayos ng upo, sinubukang iwasana ng kanyang tanong. "Taas mo ang kamay mo" utos ko para maipaikot ko ang benda sa balikat niya.

Tumayo at kumuha ako ng sando sa closet niya at pinasuot ito sa kanya habang tumitig ulit ito sa akin at hinuli ang aking kamay. "Why do you like him?" he asked straight into my eyes.

Umiwas ako ng tingin bago sumagot, "Walang dahilan para mahalin mo ang isang tao, basta ang alam ko mahal ko siya" sagot ko. "Then why do you ask me why I love you when we believe in the same belief" malumanay nitong tanong habang pinipisil-pisil ang aking kamay.

"Hindi tayo parehas, ako hindi ko ginamit ang pera para ikulong ang mahal ko sa aking tabi" sambit ko at tinignan siya ng masama. "But you're locking yourself to this love that you don't have any assurance," he fought back.

Ininda nito ang sakit ng kanyang tyan pagkatapos sabihin iyon, pangalawang beses niya nang nakipagaway kay Louie at dahil sa akin iyon.

"Kukuha lang ako ng tubig," sabi ko at tinanggal ang pagkakahawak nito sa aking kamay at lumabas, kumuha ako ng tubig at napahawak sa aking dibdib. Ganon na ba kalakas ang katotohanang sinasabi nito sa akin at kumikirot ang dibdib ko sa mga sinasabi niya.

Huminga ako ng malalim bago nag lagay ng tubig sa baso at binalik sa ref ang lalagyan at dinala ang isang baso ng tubig sa kwarto niya. Naabutan ko siyang nakatitig sa larawan ko bago humarap sa akin ng mapungay ang mga mata.

Inabot ko ang tubig sa kanya at hinintay siyang matapos bago ako nagsalita, "Uuwi na ako linisin mo bukas ang sugat mo paggising mo," paalala ko pero hinila agad niya ang kamay ko at niyakap ang aking bewang.

Agad kong naalala ang ganitong sitwasyon sa kwarto ni Louie kung saan nakayakap din siya sa aking bewang. "Stay," he whispers and I also remember Louie.

Don ko narealize na hindi tama ang ginagawa ko ngayon, Ano na lang ang sasabihin ni Louie pagnalaman niya ito. Agad kong nilayo si Cadmus sa aking bewang pero hindi niya pinakawalan ang aking kamay at hianlik-halikan ako.

"Itigil na natin ito, magbabayad ako pangako, babayaran ko ng mas maaga sa isang taon ang utang ko sayo. Itigil na natin ito.. Wag mo akong sampahan ng kaso handa akong magbayad sa mas madaling panahon at aalis na rin ako bilang assistant mo magfofocus ako sa M. research department at pangako mababayaran kita ng buo" dire-diretso kong sambit.

Bakas ang pagkagulat sa kanyang mukha bago siya dahan-dahang umilig at hinigpitan ang pagkakahawak sa aking kamay. Pinaupo niya ako sa kanyang tabi. "No," he whispered.

"Itigil na natin ito, magbabayad na lang ako," pagpupumilit ko. Pero mas lalo lang siyang umiling at nilapit ang aking kamay sa kanyang pisngi. "No," he said.

"Ano ba Cadmus wala kang mapapala sa akin," sambit ko at hinihila ang aking kamay pero hindi niya ito binitawan at tinignan ako ng diretso sa aking mata.

"I still want to try it, one year I'll make you fall in love with me instead of that guy" he begged and started kissing my hands.

"Ano ba, Cadmus!!!"

"Let me try my best first please, I want to try, I want to give my best before giving up, I want it Candice," natigilan ako ng makita kung gaano kadespirado ang mukha nito. Seryoso siya.


"I'll be your Man." 

Tax Principles (Law of Attraction Series # 3)Where stories live. Discover now