Chapter 4

10.7K 325 10
                                    




4 years passed by, "Candida Apo, bilisan mo na dyan andyan na ang sasakyan nila Aberry!!!" rinig kong malakas na sigaw ni Lola muna sa ibaba, mabilis kong sinuot ang hikaw na bigay ni Mama sa akin at inayos ang aking uniporme bago bumaba.

Mabilis at malalaking hakbang ang aking ginawa habang pababa ng kahoy naming hagdan, naabutan kong inaayos ni Lola nilutong bico at binalot ito ng foil kasama ang bilao. "Oh, nandyan kana pala tawagin mo ang Papa at Lolo mo sa likod para makaalis na tayo at nakakahiya sa Tito mo nasa labas na sila," agad akong tumango at naglakad papuntang likod ng bahay, naabutan si Papa at Lolo doon.

"Pa andyan na po sila Tito sa labas, Lo tara na po," magalang kong sambit at nginitian silang dalawa. "Susunod na kami Candida apo sumakay na kayo sa sasakyan," Sabi ni Lolo habang inaayos ang pagkakasara ng kulungan ng alaga niyang manok.

"Ang kapatid mo Candida," paalala ni Papa sa'kin, "Opo," sambit ko at pumasok sa loo ng bahay para tawagin si Amiel. " Amiel, tara na," sigaw ko ng hindi ko siya mahanap dito sa baba.

"Ate, nandyan na," Sigaw niya mula sa itaas at ilang saglit lang ay bumababa na siya sa hagdan. "Tara na," sambit ko at sabay kaming naglakad palabas ng bahay at tumuloy sa sasakyan nila Jade.

"Good afternoon po Tito, Tita Salamat po sa pagsabay samin" Magalang kong sambit ng buksan ko ang pinto ng sasakyan. "Ali!!!" sinalubong ako ni Jade ng mahigpit na yakap, at hinila kami papasok.

"Ano ka ba Alliana, pamangkin ka namin kaya wala ka dapat ipagpasalamat"nakangiting sambit ni Tito, magkapatid si Tita at Mama. "Saan na pala sila Nay Amireill, si Tatay at si Kuya Anthon Ali?" Tanong si Tita habang nakaupo sa passenger seat.

Bago pa ako sumagot nagsalita na si Amiel kaya hindi na ako sumagot, "Andyan na sila!!!" masiglang sambit nito at binuksan ang sasakyan para sakanila. "Magandang hapon po," sabay na sambit ni Tito at Tita kila Lola at Lolo.

"Magandang hapon din sa inyo, saan ko ba ilalagay itong bico para mamaya?" Tanong ni Lola at pinakita kay Tita ang gawa nitong Bico.

"Akin na lang po Nay Ami dito nalang sa harapan," Sambit niya at inabot ito habang pasakay sa loob si Lola at Lolo, kasama na din si Papa.

"Kamusta ang mga manok natin Tay?" biro ni Tito kay Lolo, naagad naming ikinatuwa ni Papa at Lolo. "Ayon nangingitlog na ng maramihan, abutan ko kayo sa kamalawa ng isang tray wag kang mag-alala," masayang sambit ni Lolo.

Sinimulan n ani Tito ang sasakyan at umandar na ito. "Nako, Tay maganda yan magbabaon kami ng itlog papuntang manila" natigilan ako dahil sa sinabi ni Tito at nagkatinginan kami ni Jade, Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata kaya bigla akong kinabahan.

"Manila?" Tanong ko. Lumingon si Tita at ngumiti samin, "Lilipat na kami ng Manila Nay, Tay, Kuya Anthon balak kasi naming magtrabaho sa ibang bansa, at doon na mag-aaral si Aberry ng collage sa manila" agad bumagsak ang aking balikat dahil sa sinabi ni Tita at tinignan si Jade.

"Sorry Ali kagabi ko lang din nalaman," Bulong niya at pinatong ang kanyang ulo saking balikat. Nanahimik nalang ako hanggang makapunta kami sa school.

"Andito na tayo" sabi ni Tito at nagsibaba na kami sa sasakyan, hindi binitawan ni Jade ang kamay ko habang papasok kami sa loob ng school.

"Ali galit ka ba sa'kin?" tanong ni Jade habang naglalakad, umiling ako at patuloy lang sa paglalakad. "Ali naman eh magsalita ka naman, si Papa at Mama kasi kailangan mag trabaho sa ibang bansa" malungkot na sambit nito, naiintindihan ko naman siya sadyang di ko lang mapigilang malungkot.

At alam kong pagpinag usapan na namin ito ngayon ay malulungkot lang ako lalo, "Ali naman eh" patuloy niyang sambit hanggang sa makarating kami sa field ng school.

"Mga bata dito na, umupo na kayo sa mga upuan niyo, mga magulang don po tayo sa likod ng mga bata ok po ba" agad kaming inassist ng teacher naming at pinaupo na.

Nagsimula ang ceremony, "Even if you are on the right track, you will get run over if you just sit there choose to do the action and be the better future, welcome your college life with pure excitement for new learnings and experience be the future, again congratulations batch 2015-2016" pagkatapos ng speech ni Dean ay nagsilapalpakan na ang mga estudyante gaya naming ni Jade.

At agad kaming lumapit kila Papa, "Pa," sambit ko at pinayuko siya ng konti, "Para sa inyo po ito ni Mama" bulong ko at sinuot sa kanya ang akong medalyo. Ngumiti si Papa at niyakap ako bago naming hinarap sila Lola at Lolo at isa-isa ko silang niyakap.

"Ang galing ng apo ko," masayang sambit ni Lola at hinalikan ako saking pisngi.

"Patingin nga daw ng apo kong Salutatorian," Nakangiting sambit ni Lolo at pinisil ang aking pisngi ng ngitian ko siya.

"Para po sa inyo ito" sambit ko at niyakap sila ng mahigpit, "Ate," nariig kong sambit ni Amiel kaya hinila ko din siya at niyakap. "Magcocollage na si Ate Ali," sabi ko sa kanya, "Proud ako sayo ate," sabi niya at niyakap muli ako.

Tumawa kami at nagngitian ng lumapit na si Jade, "Ali," malungkot niyang sambit, tinignan ko siya at hinintay ang sasabihin, "Picture daw tayo sabi nila Mama," sabi niya at iniiwasan ang aking mga tingin, alam kong natatakot siya sakin ngayon dahil akala niya galit ako.

"Hahaha tara na nga," hindi kona napigilang tawanan siya at hilain, "Ok tara na, picture taking na," Sigaw ni Tita at lahat kami ay pumuwesto na.

"Ali, aalis ako pero hindi kita kakalimutan ikaw ang pinakabest of best friend ko at the best cousin in the whole world," bulong ni Jade kaya nagkatinginan kami at tumawa habang pinipicturan kami.

"Dapat lang dahil babatukan kita kung kakalimutan mo ako!" sabi ko at kinurot ang kanyang pisngi.

"Ok tapos na tara na, at kumain na sa bahay," Sabi ni Tita, tumuloy kami sa bahay nila Jade pagkatapos ng graduation at nagkaroon ng konting salo-salo.

At umuwi din kami pagkatapos dahil kailangan kong maagang gumising para magentrance exam sa kolehiyo dito sa amin at makalipas ang isang lingo ay tumuloy ako sa bahay nila Jade gabi bago sila umalis papuntang manila.

"Ali mamimiss kita wag mong kakalimutan ah lagi akong tatawag at tyaka makipagkaibigan sa sa mga kaklase mo ah wag mo silang susungitan" paalala ni Jade sa'kin.

"Hindi ko naman kailangan ng ibang tao sa pagaaral ko Jade alam mo yon,"

"Hindi kailangan mo ng kahit isang kaibigan tandaan mo yan" sabi niya at niyakap ako ng sobrang higpit, "Ayaw kong maging mag-isa ka sa college life mo dito, dahil kahit anong gawin mo, kailangan mo parin ng kahit isang tanong makakausap at makakasama," wala akong nagawa kundi tumago at yakapin din siya ng mahigpit.

"Tara na Aberry anak, Ali aalis na kami magingat kayo dito ah, mag-aral ka ng mabuti" tinapik ni Tita ang aking balikat bago sumakay sa sasakyan nila at binuhay na ang makina nito.

"Aliii" huling yakap ni Jade sakin bago siya sumakay ng sasakyan at umalis na sila. "Babye po, bye Jade mag-ingat ka doon ah!" habang umaandar na sila paalis hindi ko maiwasang maglakad at bahulin sila hanggang sa makaalis na sila ng tuluyan.

Napayuko nalamang ako at di namalayang may tumutulo na palang luha saking mga mata, naglakad ako pauwi ng bahay at agad sinalubong ni Papa. "Candida anak?"

"Papaaaaa," tumakbo ako sakanya at niyakap siya ng mahigpit.

"Shhhhh ok lang yan anak, magkikita din kayo ni Aberry pagtapos nyong mag-aral," sabi ni Papa at niyakap ako pabalik, tumango ako at niyakap siya ng mahigpit.

"Hanggang sa muli Jade," bulong ko. 

Tax Principles (Law of Attraction Series # 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon