Chapter 44

8.5K 253 14
                                    


Kinabukasan, nakaramdam ako ng matinding kirot sa aking ulo ng subukan kong gumalaw at imulat ang aking mga mata. Pakiramdam ko lumubog ako sa kama sa sobrang sakit at bigat ng aking katawan.

Parang binugbog ako sa sakit ng katawan ko kasabay pa ng sakit ng aking ulo. Dahan-dahan kong inaninag ang paligid ng makitang ibang silid ito at wala sila Jade at Ali dito. Umupo ako kahit sobrang sakit ng aking ulo. "Agh!" pigil kong sigaw ng makaramdam ako ng matinding kirot sa gitnang bahagi ng aking katawan.

"Ahhh!" inda ko ng subukan kong igalaw ang tila namamanhid kong mga hita at kumikirot ko'ng balakang. Napabalik ako sa pagkakahiga at napapikit ng madiin. Parang umiikot ang paningin ko kaya mas pinili ko na lang pumikit at dahan-dahang kinapa ang aking suot na damit.

Teka hindi ako nakapants kagabi?

"Please make me stop,"

"Please I don't want to take advantage of you while you're drunk so please stop me now and push me now"

"Can I?"

"Please answer me, mababaliw na ako dito fuck!!"

Agad akong napatakip ng aking bibig ng maalala ang mga ginawa ko kagabi, kasama si Cad. mabilis akong tumingin sa paligid at sapilitang umupo para tignan kung andito pa siya sa loob.

Habang palingon-lingon ay may nakita akong note sa side table ng kama kung saan nakapataong ang suot kong damit kagabi. Pilit ko itong inabot kahit konting galaw ko lang ay sobrang kirot ng ulo at katawan ko.

Kinuha at binasa ko ang nakasulat dito,

I already wash and dry your clothes so you can wear them when you're not sore anymore, and the pants and shirt you can just throw them away, by the time you're reading this, I'm already at the office. Don't worry I won't call for you anymore, you can just focus on the Research department.

-Cad

Wala sa sarili akong humiga muli sa kama at ipinikit ulit ang aking mga mata. Sa sobrang gulo at sakit ng aking ulo ay hindi ko magawang magisip ng matino ngayon kaya mas minabuti ko na lang na umidlip muli, dahil baka sakaling panaginip lang ito.

Umidlip muli ako at naalimpungatan ng marinig kong tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa nakatupi kong damit. Kinuha at agad kong sinagot ang tawag kahit hindi ko na tinitignan kung sino ito.

"Hello?" sagot ko habang hinihilot-hilot ang aking hita, "Alliana," agad akong napamulat ng marinig ang boses ni Louie mula sa kabilang linya, mabilis kong sinilip ang screen ng cellphone ko at siniguro na siya nga ito bago ako sumagot.

"Louie?" hindi makapaniwala kong sambit. "Yup, it's me, Alliana alam kong hindi maganda ang pakikitungo ko nito nong mga nagdaang araw, busy lang talaga ako at pagod kaya hindi ko magawang controlin ang aking sarili, miss na miss lang talaga kita," Malambing nitong sambit mula sa kabilang linya kaya hindi ko maiwasang manlambot.

Dahil habang naririnig ko ang boses niya mula sa cellphone, isa-isa ko naman naalala ang mga ginawa ko kagabi. Nakakapanghina ang mga kagagahang ginawa ko kagabi at ngayon ito ako kahihiyang kinakausap ang lalakeng mahal ko habang suot ko ang damit ng lalakeng kinasama ko kagabi.

Madiin kong kinurot ang aking hita habang pinapakinggan si Louie sa kabilang linya, "I miss you Alliana, gusto na kitang makasama ulit sa bawat oras," kinagat ko ang aking labi at pilit pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang lumabas sa aking mga mata.

"I-I miss you too," hindi ako makapagsalita ng maayos dahil halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon.

Hindi ko magawang makipagusap ng maayos sa kanya kahit gustong-gusto ko siyang makausap, dahil hindi ko matanggap ang mga nagawa ko. "Ahm L-louie t-tatawag ako u-ulit mamaya may kailangan lang akong g-gawin," hindi ko na hinintay ang sagot niya at agad pinatay ang tawag, hinagis ang aking cellphone sa kama at tuluyang umiyak.

Tax Principles (Law of Attraction Series # 3)Where stories live. Discover now