Chapter 38

8.4K 269 12
                                    




"Manong d'yan na lang ho sa tabi, ito ho ang bayad," magalang kong sambit at inabot ang eksaktong bayad sa driver, bumababa ako sa isang maliit na tapsilugan dito sa Manila. Medyo may kalapitan sa apartment na tinitirhan namin nila Jade.

Kaya hindi ko na kailangan mamasahe pa mamaya pauwi, lumingon-lingon muna ako sa paligid upang tignan, kung merong mga reporters na nakapaligid. Delikado na at mamaya may makakita kay Louie dito.

Isang malalim na paghinga ang aking ginawa bago ako tumuloy sa loob ng tapsilugan, iilan lang ang tao dito ngayon dahil medyo late na, agad kong napansin ang nakakulay gray na lalake at nakasuot ng itim na cap at mask.

Nilapitan ko ito at kinalabit ang kanyang balikat bago tinusok ang kanyang pisngi, pagharap nito ay agad nagtama ang aming mga mata, ngumiti ako at kinurot ang kanyang pisngi pero seryoso niya lang akong tinignan at hinawakan ang aking kamay.

Dahan-dahan niya akong hinila pa upo sa tabi niya at pinasok ang aking kamay sa bulsa ng kanyang hoodie kasama ang kamay nito. Ipinatong niya ang kanyang ulo sa aking balikat at pinikit ang kanyang mga mata.

Malalim ang paghinga ang kanyang ginagawa na tila pagod na pagod siya, habang pinglalaruan ang aking kamay sa loob ng kanyang bulsa. "Louie?" I utter.

"Hmmmm" iyon lamang ang sinagot nito at mas siniksik ang kanyang ulo sa aking balikat, "Bakit hindi mo sinasagot mga text at tawag ko?" tanong ko habang hinahayaan siya sa ginagawa niya.

"My phone was confiscated by my manager because of what happen, ngayon ko lang ulit na kuham" walang gana nitong sambit at minulat ang mag mata at hinarap ako. Tanging mata lang niya ang nakikita ko dahil nakacap at mask siya pero halatang wala itong tulog at pagod na pagod ito tignan.

Gamit ang isa kong kamay hinawakan ko ang kanyang pisngi at inayos ang magulo nitong makapal na kilay. "Kumusta ka na," hindi ko alam pero dama ko ang lungkot ko sa pagbitiw ng salitang iyon, kasi Louie ako hindi ako Ok, ang tagal kong naghintay magkita tayo muli.

"I'm fine ngayong nakita na kita ok na ako," he said and lean close to me, kiss me on the cheeks with his mask on. "I'm sorry, hindi ko alam kung bakit ako biglang nagalit noong araw na iyon, late na nong narealize kong boss mo iyon, hindi ko alam pagod na pagod lang ako sa byahe at gusto kong makita at yakapin ka pero makikita kitang hinahalikan ng lalakeng iyon" he whisper as he rested his chin on my shoulders.

"Hindi niya ako hinahalikan Louie, napuwing ako kaya hinihipan nito ang mga mata ko," sagot ko, "That's why, I'm saying sorry, pagod lang talaga ako that time," he whisper once again.

Dahan-dahan akong tumango at hinawakan ang kanyang ulo at hinimas ito, "Ok lang, ako na ang hihingi ng tawad para sayo" sabi ko. Nakaramdam ako ng isang malamig na bagay sa bulsa ng hoodie niya habang nasa loob ang aming kamay.

"Ano iyon," tanong at umupo siya ng maayos bago nilabas ang aking kamay mula sa bulsa niya at binitawan ito, kinuha niya ang malamig na bagay sa loob ng bulsa niya.

Nilabas niya ito at pinakita sa aking ang isang magandang bracelet, silver ito na may maliit letter A na pendant. Inabot niya ang aking isang kamay at sinuot ang bracelet sa akin. "Binili ko ito sa singapore, ibibigay ko sana ng personal sayo pero nagkaroon ng aberya at hindi ko nagawang ibigay sayo. Alliana I'm sorry promise babawi ako" malambing nitong sambit hinalikan ulit ako sa aking pisngi kahit nakamask siya.

"Namiss kita ng sobra," he whisper at tinadtad ako ng halik kahit nakamas siya,hindi ko naiwasang matawa at makiliti sa kanyang ginagawa kaya natapos kami ng puno ng tawanan. Nagkwento siya ng kung ano-ano tungkol sa mga ginawa niya sa singapore at mga shoot na ginawa niya nitong mga nakaraang araw.

Tax Principles (Law of Attraction Series # 3)Where stories live. Discover now