Chapter 18

8.2K 240 19
                                    



Kinabukasan gumising ako at una kong tiningnan ang aking cellphone, pero wala ni isang text mula kay Louie ang aking na tanggap. Malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago ako bumababa mula sa kwarto.

Maaga akong nagising kaya ako na ang nagluto ng almusal para makapagpahinga pa si Lola, nagluto ako ng tuyo at sinangag na kaning lamig, naghiwa din ako ng sibuyas, kamatis at dalawang itlog na pula dahil paborito ito ni Papa.

Hinanda ko na ang almusal at sakto naming paglabas nila Lola at Lolo mula sa kwarto nila, "Nakom apo pasensya na medyo nahuli akong gumising ikaw pa tuloy nag handa ng almusal," sambit ni Lola, habang papalapit sa kainan.

"La gumising talaga ako para unahan ka," sagot ko at nginitian siya, "Nako ang sarap ata ng almusal natin ngayon dahil ang pinakamaganda kong apo ang nagluto," nakangiting sambit ni Lolo na ikinatawa ko ng konti.

"Lo ako lang naman kasi ang babae niyo pong apo kaya wala kayong choice," sagot ko kaya tumawa na kaming tatlo, "Ganun hahaha..."

"Magandang umaga," napalingon kami ng bumukas na ang pinto mula sa kwarto ni Papa, at gamit ang saklay naglakad ito papalapit sa amin.

"Kamusta ang pakiramdam mo anak?" tanong ni Lola kay Papa kaya agad napakunot ang aking kilay at agad nilapitan si Papa. "Bakit ho La? Ano pong nangyari kay Papa?" tanong ng makita ko na may maliit na sugat ito sa noo.

"Natumba kasi ang Papa mo kagabi, nakalimutan niya ang saklay niya sa kanyang silid dahil gusto niya uminom ng tubig, sinubukan niyang maglakad pero alam naman natin na hindi siya makakalakad ng maayos ng wala ito, natumba siya matapos tumama sa isang upuan, tapos sa pagtumba niya tumama ang noo niya sa sulok ng lamesa, kaya medyo nahilo siya kagabi," sagot ni Lola, agad ko ng hinarap si Papa at nakaramdam ako ng konsensya,dahil kung siguro hindi ako umalis kagabi maabutan ko sana ito ng tubig at hindi mangyayari ito sa kanya.

"Pa naman eh, wag mo naming kalimutan ang saklay mo eh.. maupo kana linisin natin yang sugat mo," Sambit ko at pinaupo siya sa tabi ni Lolo, nagsimula silang mag-almusal habang ako naman ay umakyat sa itaas para kunin ang panlisin sa sugat ni Papa.

Dumaan na din ako sa kwarto ni Amiel para gisingin ito, "Hoy. gising na!!!" kinalabog ko ang pinto nito para siguradong gigising na siya.

Bumaba ako at tinabihan si Papa, "Patingin nga, Pa," pinaharap ko siya sa akin at nilinis ang kanyang sugat gamit alcohol at betadine. "Wag monang uulitin yon' Pa ah," sambit ko tumango si Papa at nginitian ako. "Opo Ma'am," he said. Matapos kong linisin ang sugat niya nagpatuloy na kami sa pagkain at bumababa na rin si Amiel para sabayan kami.

Matapos kumain naghugas ako ng pinggan at naglinis ng bahay, naghanda ulit ng pagkain para sa tanghalian at si Amiel na ang naghugas ng pinggan. "Pa punta lang ho ako sa computer shop, gagawa ho ako ng resume ko, para makapagapply na ho ako bukas," pagpapaalam ko.

"Ayaw mo bang magpahinga muna kahit isang buwan anak? Kakagraduate mo lang nong biyernes wala pang apat na araw maghahanap kana ng trabaho?" nag-aalalang tanong ni Papa, naiintindihan kong gusto niya akong magpahinga pero mas nanaisin kong kumite na ng pera para makatulong na sa kanila.

"Pa gusto ko na hong magtrabaho," sagot ko at ngumiti bago tuluyang lumabas at nagpunta sa computer shop na malapit.

Patuloy ko pinagmamasdan ang text message ko kay Louie na hanggang ngayon ay wala parin siyang reply. Hindi ba niya nareceive ang text ko? Pero nasent naman, may load naman ako bakit wala parin siyang reply?

"Kuya open hour po," sambit ko pagpasok ko ng computer shop, kokonti ang tao dahil tanghaling tapat. "Oh Alliana hindi grumaduate kana bakit andito ka nanaman ulit? May hindi ka pa bat apos na project?" tanong nito sa akin.

Tumawa ko at sinabi, "Gagawa na ako ng resume ko Kuya, dahil maghahanap na ako ng trabaho" sagot ko.

"Ahhhh, ganon ba akala ko di ka pa tapos sa project mo hahaha, hala sige pumili ka na ng PC d'yan," sabi nito at hinarap ang monitor ng kanyang computer.

"PC4 po kuy,a" umupo ako sa PC 4 at hinintay ang pagbukas ng internet dito. Maya maya lang ay meron na kaya nagsimula na akong gumawa ng resume, buti dala ko ang listahan ng achievements ko at mga seminar na inattendan ko.

Hindi man ako umabot ng isang oras at natapos kona agad ito, "Kuya magkano akin?" tanong ko.

"Libre ko na lang Alliana total 30 minutes ka lang naman dito, pampaswerte para makahanap ka kaagad ng magandang trabaho at matulungan mo na sila Tatay Anthon, ingat ka."

"Maraming Salamat kuya, tutuloy na ako," tumango ito at lumabas na ako ng computer shop. At umuwi na rin sa bahay pero natigilan ako ng makita si Louie na nakatayo sa labas ng bahay at nakasandal sa kanyang sasakyan.

"Louie?" sambit ko ng makalapit na ako sa kanya, pagharap nito sa akin nakita ko kaagad ang lungkot sa kanyang mukha. "Andito ka?" bulong ko pero alam kong narinig niya ito.

"May dala akong Tapsi," nagaalanganin nitong sambit at tinignan ako gamit ang nagpapaawa nitong mukha.

"Tara sa loob," sabi ko at kinuha ang isang plastic sa kanyang kamay, pumasok kami at agad bumati kila Lolo at Lola, pati na rin kay Papa.

Madami siyang biniling ibang pagkain kasama na ang pansit Malabon, isang buong pritong manok at binigay ito kila Lola, samantalang inaya ko naman siya sa likod bahay at doon kami umupo sa lamesa at upuan dito sa labas.

Nilabas niya ang dalawang order ng tapsi na tinabi niya para sa amin, may kinuha din siyang chocolate mula sa kanyang bulsa at ibinigay ito sa akin,may note ito na nakasulay ay Sorry, "Sorry, hindi ko na pansing umuwi kana, hindi ko rin nacharge ang cellphone ko dahil sobrang daming nagpapicture sa amin at kumaausap sa akin na producers," hinawakan nito ang aking kamay at tinignan ako sa aking mga mata.

"Ano yong tinext mo kagabi? Maynagyari ba?" tanong niya, pinagmasdan ko ang kanyang mukha at halakang hindi ito nakatulog ng maayos dahil malalim ang eyebags niya.

Mukhang napagod siya kagabi, kaya nagdesisyon ako na wag na lang sabihin sa kanya ang nangyari. Baka mastress pa siya lalo. "Wala naman haha," sambit ko at pineke ang aking tawa.

Tumango tango siya at ngumiti rin, "Kain na tayo," masigla nitong sambit. Tumango ako at kumain kami, kwento siya ng kwento kung gano siya kasaya sa pagkanta niya kagabi sa plaza, pati na rin ang mga sinabi ng producers sa kanya. May mga nagalok na rind aw na project sa kanya. Patuloy lang siya sa pagkwento habang nakikinig lang ako sa kanya.

Natutuwa ako na unti-unti niya nang maabot ang kanyang pangarap, tama nga sila Tita ang pakikipagrelasyon niya kay Dazzel ay isang malaking advantage.

"Bukas.... pwedi mo ba akong samahan sa resort na pagaapplyan ko?" tanong ko habang kumakain kami.

"Sure, I'll fetch you here early in the morning tomorrow ok," he said smile at me. He also stole a kiss on my hand.

Tumango at pakiramdam ko gumaan na ang aking pakiramdam, nawala na rin ang kaba sa aking dibdib na dulot ng nagyari kagabi dahil andito na si Louie sa harap ko.

Pagkatapos kumain nakipagkwentuhan si Louie kila Papa at Lolo, nakipaglaro din siya kay Amiel, pero halatang sinusungitan lang siya ng kapatid ko.

Umuwi siya kinahapunan at maaga akong tatulog para sa pagaapply ko bukas, gumising ako ng madaling araw para lutuan sila ng almusal at naghanda ako para sa araw na ito, nagsuot ako ng puting t-shirt at pants na itim tinernohan ko ito ng white plat shoes at pinusot ko ang aking buhok.

"La, Lo, Pa alis na ho ako, wish me luck," nakangiti kong sagot umalis na ng bahay naghintay ako sa kanto para hindi na kailangan pumasok ni Louie dito sa kanto namin, naghintay ako sa kanya sa waiting shed.

Tinext ko na din siya na dito ko siya hihintayin kaya naupo na ako dito. Mga 15 minutes na akong naghihintay dito pero wala parin siya.

Hanggang sa nakarecieve ako ng text mula sa kanya.

From Louie,

Sorry Alliana, hindi kita masusundo ngayon dahil nagkaroon ng meeting sa producer ni Dazzel, kukunin na daw nila ako bilang artist nila. I'll keep you updated ok, Goodluck sa pag-aapply. Call you later.


"Thank you" I whisper. 



Tax Principles (Law of Attraction Series # 3)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن