Chapter 34

8.7K 351 94
                                    


"Ano!!!" hindi makapaniwala kong sambit at tumayo mula sa pagkakaupo, upang malayo sa lapit ng kanyang mukha. He stands straight and smirk at me, and it's totally different to the CEO I know.

"Date me too," again he repeated, his lips were smirking but his eyes were dead serious. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil tanging tumatakbo sa utak ko ang sinabi niya, anong date him too? Anong ibig sabihin non?

Umatras pa ako lalo habang nakakunot ang aking noo, at hindi ko magawang tignan siya ng maayos dahil doon. "Niloloko mo ako," sambit ko at tumawa upang itago ang kabang aking nararamdaman.

He put his hands back to his pocket and remain staring at me, "Hindi magandang biro yan Sir haha," sabi ko at nagpanggap pa lalo na natatawa sa sinabi niya, pinagpag ko ang aking kamay sa aking hita at pilit tumatawa ng peke para lang maitago ang panginginig ng kamay ko.

Bigla akong nakaramdam ng panlalamig sa aking buong katawan, hindi ko maintindihan ang kaba at nerbiyos na aking nararamdaman ngayon.

Tawa ako ng tawa ng biglang sumeryoso ng tuluyan ang mukha nito at naglakad papalapit sa akin, tumayo sa kaing harapan at kinulong ako sa pader na nasa aking likuran. "I'm dead serious" he whispers into my face, ramdam na ramdam ko ang pagtama ng kanyang mabanging hininga sa aking mukha.

Halos manlambot ako ng subukan nitong hawakan ang aking kamay pero agad ko siyang tinulak papalayo bago niya pa tuluyang hawakan ang aking kamay, nakaramdam din ako ng pagkirot ng aking kamay sa pagtulak ko sa kanyang dibdib, pero hindi ko ito pinakita sa kaniya. "Nahihibang ka ba Sir, Date?! Alam mo na di ba na merin something sa amin ni Louie, tapos sasabihin mong seryoso ka sa sinasabi mo ngayon? Ok ka lang, Sir?" hindi makapaniwala kong sambit.

"Yes, I'm serious and I also want that something between you and him happens to us, date me," parang tumaas ng balahibo ko sa kanyang sinabi at tila nawala ang dila ko dahil hindi ako makapagsalita sa kanyang sinabi. Baliw ba talaga ito? Ganito ba talaga ang ugali nito?

Talaga bang pinapakita niya lang na mabait siya pero ito ang totoo niyang ugali? Nagtatago lang bai to sa perfect personality nito pero ang totoo ganito ang ugali niya? Mapagsamantala,"

"Ayaw ko!" sigaw ko at nagtangkang umalis at tumuloy sa pinto pero ng buksan ko ito agad naman itong niya itong pinigilan at nilock ang pinto pagkatapos ay hinila ako pabalik sa upuan na inuupuan ko kanina.

"Ano ba!" Singhal ko ng paupuin niya ako sa bar chair at kinulong gamit ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng inuupuan ko. Masamang tingin ang tinugon ko sa kanya at hinintay ang sasabihin niya.

Binaliwala ko ang lahat ng nararamdaman kong kaba sa aking systema dahil mas nananaig ang pagkairita ko sa ginagawa nito at mga pingasasabi niya.

"Date me," he calmly said.

"No!!!" sagot ko.

"Ok, let's take it this way, may utang ka sa akin and it's 30 thousand pesos plus this," he pointed his bruises on his face, "Pwedi kong ireport ito and kasuhan ang Louie na iyon," he said and smirk.

"Wag!" he chuckled as I said that, hindi pweding makasuhan si Louie magiging abala ito sa trabaho niya. "Then you can just pay me for the damage that guy cause me," he said and look at the side like his thinking and waiting for my answer at the same time.

I gulp and sigh before I speak, "Magkano?" tanong ko at umiwas ng tingin.

"One hundred thousand pesos will do," he said, my jaw almost dropped because of that. "100 thousand?!"

"Yes, plus the 30 thousand, 130 thousand with in this month," agad ko siyang tinulak at tumayo pero hindi inaasahang nataamaan ko anng isang vase dito sa tabi na kulay itim at nabasag ito.

"Opss..that vase cost 900 thousand pesos, 130 thousand pesos plus 900 thousand pesos equals 1 million 30 thousand pesos," napanganga ako habang pinagmamasdan ang vase na napasag ko at habang pinapakinggan ang conputation niya.

"I guess you have a major debt Miss Cortez, don't worry I can just lessen that from your salary, like 99%for one year, like how tax work what do you think?" he said, 99% ng sahod ko ang mababawas kada buwan? Makakakain pa kaya kami pag ganon? Parang hindi na rin ako sumesweldo pag ganon!

"Hindi pwede," bulong ko at alam kong narinig niya iyon dahil na kita ko ang pagngisi niya. "Or ipapakulong na lang kita" agad ko siyang hinarap ng sabihin niya iyon, lalong hindi pwede!!!

"Wag!" sigaw ko.

He chuckled and look at me straight in the eyes, "So, date me."

"Ano bang sira ng ulo mo?! Una sa lahat hindi ko naman sinabing bayaran mo ng triple ang utang ng papa ko kay Aling Milly! Tapos bigla mo akong binabaon sa utang ngayon! Sa tingin mo mababayaran kita ng ganong kalaki!!!" I shouted it into his face.

"That's why I'm asking you to date me, dating me means no dept at all," he said and try to hold my hands but I move it away from him and hide it behind my back.

"Bakit ko naman gagawin iyon kung meron kami ni Louie!!!"

"Really, is he your boyfriend? are you two in a relationship?" he asks in a playful tone. Natigilan ako sa tanong niya! At agad sinampal ng katotoohanan, ano ng aba ang pinaglalaban ko sa amin ni Louie?

Umiling ako at napayuko, biglang nakaramdam ng kirot sa aking dibdib, tama ano nga bang meron kami ni Louie? Gusto ko siya at gusto niya lang ako at wala nang iba..

"Just date me Cortez and everything will be settled, no rumors will spread, and no debt to pay," he said and stand straight reached for my injured hands and grabbed a first aid kit, and treat it.

Dahil sa realization hindi ko binigyan ng pansin ang kanyang ginagawa at tanging nasa isip ko lang ay kung ano nga bang meron sa amin ni Louie.

Bumalik na lang ako sa katinuan ng bitawan n anito ang kamay ko na may benda na at nawala na ng konti ang kirot. Parang bumalik na ulit yong Sir. Cad na nakilala ko.

Kalmado na ulit ito at wala na ang kakaibbang ngiti nito sa labi. "Pagpumayag ako sa gusto mo hindi mo ikakalat kung anong meron sa amin ni Louie?" tanong ko.

"Yes," he answers.

"Kakalimutan mo na rin ang utang ko at wala na akong kailangan bayaran pa? hindi mababawasan ang sahod ko?" paglilinaw ko.

"Yes," he leans on the bar table while crossing his arms on his chest and straightly looking at me.

"Bakit mo ba ginagawa ito?" naguguluhan kong tanong, hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang ganito.

"Because I like you and I want to marry you."

Tax Principles (Law of Attraction Series # 3)Where stories live. Discover now