Chapter 36

8.6K 286 6
                                    



"Ali!!!" napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Jade, tumatakbo sila papalapit sa akin ni Lana.

"Bakit?" tanong ko habang inaayos ang pagkakahawak sa mga papers and demograhic na kinalap ko mula sa sales department.

"Buti nakita ka naming, tara sabay ka nang kumain sa amin," kasabay ng pagkasabi nila non ay ang pagtunog ng phone ko, "Sandali," sambit ko at kinuha muna nag phone para tignan ito.

Galing sa CEO,

From CEO,

Let's eat lunch together, I bought food already come to my office.

Agad akong napairap at hinarap sila Lana at Jade, "Sige tara," sagot ko sa kanila at nireplyan ito.

To CEO,

Hindi ako pwedi ngayon kakain ako kasama ang pinsan ko.

Pagkatapos non ay agad kong tinabi ang aking phone sa bulsa at iniwan ang papers sa aking table at sumama sa kanila. Naisipan nilang kumain na na lang sa katabing restaurant ng building, "Sienna?!" napatingin ako kila Jade ng tawagin nito ang Marketing head manager naming sa kumpanya.

Agad itong ngumiti sa amin habang nakapalibot ang kamay nito sa Chief operation officer ng Delavine's, ano nga bang pangalan nito laging kasama ito ng CEO sa boardmeeting. Gun?

"Sienna maglulunch na kayo?" masiglang tanong ni Jade dito at tinignan ito ng may malaking ngiti sa kanyang labi. Habang si Lana naman ay parang umiiwas sa lalakeng nasa likod ng Boyfriend ni Ma'am Sienna, sa pagkakaalam ko ito din ay laging nasa boardmeeting.

Dahil nasa likod ako ay hindi nila ako napapansin pero nakikinig ako, "Yup, we're going to my brother's place wanna come?" malumanay na pag-aaya ni Ma'am Sienna.

"Hindi na dyan na kasi naming na pagdesisyonan kumain, sige mauna na kami tara na, Sir mauna na po kami," sagot ni Jade at hinila na kami paalis, tumango si Sienna at si Lana naman ay inamoy pa ang lalakeng na sa likuran nila Ma'am Sienna buti na na lang ay hindi siya na kita at pinitik ni Jade ang noo nito para tumigil.

"Ang gwapo ng boyfriend ni Sienna noh," napalingon ako ng magsalita si Jade habang kami'y naglalakad papasok sa restaurant.

"Mas gwapo yong kuya niya!" mabilis naman sambit ni Lana at hindi mawala ang ngiti sa labi.

"Gaga, landi mo," Singhal ni Jade kay Lana at umupo na kami sa available table. Umorder ng pagkain at nagkwentuhan ng kung ano-anong bagay.

Habang kumakain ay hindi ko mapigilan mainis dahil tawag ng tawag ang lalakeng iyon kaya pinatay ko na na lang ito at nagpatuloy sa pagkain.

Natapos kami sa tamang oras at bumalik sa trabaho ng sakto sa oras, pinagpatuloy ko ang pagtapos ng tambak na papers sa office sa tulong nila Brylee at Gail medyo hindi ako nahirapan i-compute lahat dahil hindi ak mag-isa.

"Alliana," rinig kong tawag sa akin ni Brylee habang busy ako sa pagtatype. "Oh?" tanong ko kahit hindi ito tinitignan.

"Kumusta ka trabaho si Papi CEO, masarap ba ay este masaya ba? Hehe," I automatically rolled my eyes as I hear the word masaya, tss kahit kailan hindi ako magiging masaya kasama siya, mapagsamantala at nagtatago sa mabait niyang pagkataon pero ang totoo isang tuso.

"Hindi ko alam," sagot ko at nagpatuloy sa aking ginagawa, "Totoo ba na sweet daw siyang tao," tanong naman ni Gail.

"San mo naman na lamanyon?" tanong ko. "Sa mga empliyado sa taas, sobrag sweet daw niay at gentle man totoo ba?" kinikilig na sambit nito na mabilis kong sinagot. "Hindi."

Tax Principles (Law of Attraction Series # 3)Where stories live. Discover now