Chapter 39

8.6K 263 82
                                    




Kinabukasan ay maaga akong gumising at nagpaalam kila Jade dahil kailangan kong pumasok ng maaga dahil bukas ng deadline ng data na gather ko, kailangan ko pa itong ayusin at idouble check bago ipasa sa itaas. Malapit ng ilabas ang panibagong issue ng perfumes at kailangan ng report galing sa department namin and hindi ko pa ito natatapos.

Agad akong tumuloy sa opisina, at dahil sobrang aga ko wala pang tao sa department namin. Nauna na akong mag trabaho hanggang sa unti-unti na silang pumapasok at nagsimula na ring mag trabaho.

Hindi ko maiwasan mapangiti tuwing nakikita ko sa aking kamay ang bracelet na binigay ni Louie.

"Ay shet!!! Inggit akooooooo!!!!" agad akong napatingin kila Brylee ng bigla silang nagtilian ni Gail, hindi mo maipaliwanag kung gaano sila kasaya at kinikilig ngayon. May nalalaman pa itog patalon-talon sa kilig. Kaya binagbawalan ko na bago pa maglupasay ng tuluyan.

"Hoy! Ginagawa niyo?" tanong ko habang nakakunot ang noo ko at hawak ang listahan ng mga nakuhang results sa research. Mabilis na hinablot ni Gail ang phone ni Brylee at tumakbo sa aking table at agad namang sumunod si Brylee.

Halos matawa ako ng madulas dulas itong humabol kay Gail makalapit lang sa table ko."Tingnan mo kasi ang sweet nila!!!! Sheetttt!!!!" natigilan ako ng makilala ko ang tinutukoy nila.

Si Louie kasama si Dazzel sa isang TV show, guest sila at nakalukuyan silang mmagkatitigan habang di mapigilan ang ngiti sa kanila labi. "Guys ano closer pa ba?" tanong ng host sa mga nanunuod na kaagad namang sinangayunan ng mga tao.

Mas linapit ni Dazzel at Louie ang kanilang mukha sa isat-is----, "Ahh," napatakip ako ng tenga ng tumili silang dalawa sa aking tabi. Unti na lang ay malapit na ang mukha nila sa isat-isa. "Closer, closer!!!" pati sila Brylee ay nakikicheer na din dito sa aking tabi. Habang ako ay nakatutuok parin sa screen ng cellphone ni Brylee.

Idinikit ni Louie ang kanyang noo sa noo ni Dazzel na ikinatuwa nilang dalawa at nagkilitian... nabitawan ko ang listahan na hawak ko ng makita kong halikan ni Louie sa pisngi si Dazzel gaya ng ginawa niya sa akin kagabi. Pagkatapos ay sa noo niya ito hinalikan na ikinatuwa ng mga manunuod pati na rin itong dalawang kasama ko dito.

"Shet, kailangan kong huminga, shet!" sigaw ni Gail habang pinapaypayan naman siya kunwari ng kinikilig na si Brylee, na halos magmukha ng kamatis ang mukha dahil sa pamumula nito.

"Ito na talaga ang legit na couple para sa akin shet, penging Louie!!!" sigaw ni Brylee na kaagad kong binato ng crumpled paper dahil sa sobrang lakas ng boses.

"Hoy, boses niyo!" suway ko, tinakpan nila ang bibig pero kinikilig pa rin silang umupo sa harapan ng table ko. "Alliana alam mo ba sobrang legit talaga nila to, feeling ko nga sila na talaga para sa isat-isa, yong click sa kanilang dalawa grabe sobrang nakakakilig. Buti na lang talaga totoong mmajowa na itong dalawa dahil para sa isat-isa talaga sila!!! Support kami don, ay wait kilala mo ba ito?" hinihingal na tanong ni Gail sa akin.

Oo kilalang kilala ko ang lalakeng iyan, "Hindi ko kilala yan alam niyo naman ako hindi ako mahilig manuod ng TV," sambit ko at kinuha ulit ang listahan nagsimula ag encode.

"Sikat na rising star itong couple na ito Alliana, kung alam mo lang sobrang mahal sila ng tao. Wala ngang shiniship na iba kay Louie dahil gusto talaga ng lahat ng tao na sa isa't-isa talaga sila, kaya feeling ko pag may sumubok mainira sa relasyon nila, yari sa mga fans nila." sa di malamang dahilan ay nabitawan ko ang listahan na hawak ko.

Hindi ko alam pero parang nailang ako doon sa sinabi nila. Grabe naman pala yong fan nila. I gulp and fix my seat before I face them and, "HOY TRABAHO NIYO TAPOS NIYO NA BA?" sinabayan ko ang lakas ng boses nila para tumigil na sila ng tuluyan.

Tax Principles (Law of Attraction Series # 3)Where stories live. Discover now