Chapter 33

8.6K 308 50
                                    



"Is he your boyfriend?" kakasabi ko lang eh!

"P-po?" pagpapaggap ko hindi ito narinig, at pilit siniksik ang aking sarili sa sa gilid ng elevator. Bakit naman kasi nagyari ito? Anong sasabihin ko?

Napatuwid ako ng tayo ng lumingon ito sa akin para tignan ako, at binulsa ang dalawang kamay bago humakbang papalapit sa akin. Seryoso ang kanyang mukha at tila nakakaramdam ako ng madilim na aura na nakapaligid sa kanya, at sa hindi malamang dahilan pakiramdam ko naghihina ang aking tuhod dahil doon.

I try my best to avoid his stares and pray for a miracle that could save me from this situation. Please lang may himala sanang mangyari..

Papalapit siya ng palapit at kasabay non ay ang panghihina ko ng unti-unti, makiramdam ko hinihigop ng mga mata nito ang lakas ko. Ibang-iba rin ang expression na pinapakita nito sa akin ngayon, tila ngayon ko lang nakita nag anito ito tumingin sa akin.

"S-sir---" hindi ko natapos ang aking sasabihin ng biglang tumunog ang phone ko, may tumatawag! Yes! Thank you, lord!!!!

Mabilis akong yumuko at lumipat ng pwesto habang kinukuha ko ang aking cellphone sa aking bag at sinagot ang tawag ng hindi nagpapaalam kay Sir. Alam kong bastos iyon pero gusto kong makatakas sa tanong niya at tyaka sila Amiel ang tumatawag.

"Hello? Amiel bakit ka napatawag anong oras na---," hindi ko natapos ang pagsasalita ko ng makarinig ako ng malakas na sigaw mula sa kabilang linya kaya napatayo ako ng tuwid, at napakunot ang aking noo.

"Amiel, ano yon?" tanong ko, at tila bumilis ang takbo ng aking puso sa kaba. Anong nangyayari?

"Ate si Aling Milly andito naniningil ng utak ni Papa sa kanya, naalala mo yong inutang ni Papa nong nahospital si Lola hindi pa kasi nababayaran ni Papa dahil na wala sa isip niya, eh yong perang panadala mo pinangbayad agad naming sa gagawa ng bahay ang natira na lang dito ay allowance ko sabi ko kay Papa ipangbayad na lang ito pero ayaw niya, andon siya sa labas napapaliwanag kay aling Milly at pilit sinasabi na kung pweding pagtrabahuhan niya muna daw ito, ate ayaw niya humingi ng tulong sayo pero tumawag pa rin ako kasi hindi tumitigil si Aling Milly at nagdala pa ng mga tao sa barangay," pagpapaliwanag ni Amiel, sakto namang tumunog na ang elevator at bumukas ito, sabay kaming lumabas ni Sir.

"Sir, mauna na po kayo susunod po ako," sabi ko dito at pinakita sa kanya ang phone ko, he nodded but he just leans on the wall beside me, tinitigan ko siya pero tumango lang siya at pinagkrus ang kanyang braso na nagsasabing maghihintay ito.

Hindi ko na lang siya pinansin at hinarap muli ang cellphone ko, "Amiel lumabas ka at iabot na ang pera kay Aling Milly wag mong ipapakita ito kay Papa, papadalhan na lang kita agad bukas sige na,"

"Sige ate," sagot nito at narinig ko ang paglabas niya ng bahay dahil mas lumakas ang sigaw ni Aling Milly mula s akabilang linya.

"Magbabayad ako Milly, bigyan mo lang ako ng konti pang oras kunti na lang makakapagipon na ako ng pambayad sayo," Rinig kong malumanay na sambit ni Papa mula sakabilang linya. Bigla kong naramdaman ang pagkirot ng ilong ko at tila nagbabadyang luha sa aking mga mata.

Bakit sinasarili nanaman ni Papa ang problema niya, bakit hindi niya ito sinasabi sa akin? Kaya pala patuloy pa rin siyang tumatanggap ng maraming trabaho at mga nagpapagawa ng TV dahil dito.

"Anong konting oras pa, yung anak mo nagtatrabaho na sa Maynila! Naipapagawa niyo na ang bahay n'yo, tapos ni sampung libo lang hindi mo pa mabayaran! Aba, Anthon, hindi na ako papagay sa ganito! Pag0usapan na lang natin ito sa barangay!!!" nanlaki ang aking mata sa huling sinabi ni Aling Milly.

Tax Principles (Law of Attraction Series # 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon