Chapter 41

8.7K 249 38
                                    



"I'll be your man," seryosong sambit nito habang hawak ang aking kamay. Huminga ako ng malalim bago kinuha ang aking mga kamay at tinignan siya ng diretso.

"Wag ka nang umasa," buong lakas kong sambit at tinignan siya ng mabuti bago tumalikod at umalis ng condo niya. Mabilis akong sumakay ng Taxi paglabas ko ng condo at habang paalis ito hindi ko maiwasang tignan ang condominium na katapat nito, kasama kaya niya ngayon si Dazzel?

Dahan-dahan kong hinawakan ang aking pisngi at nalala ang lakas ng pagkakasampal nito sa akin. Sapat na paalala na hindi ako ang girlfriend ni Louie at kahit na ako ang gusto nito hindi ako ang nagmamay-ari ng posisyon bilang girlfriend nito..

Napayuko ako habang nasa byahe at hindi ko namalayan na andito na pala kami sa tapat ng unit ni Jade kundi pa magsalita ang driver. "Ito ho ang bayad," mabilis kong sambit at inabot dito ang bayad, agad-agad akong bumaba at umakyat sa unit ni Jade.

Naabutan ko silang naglalaro sa sala kaya mabilis akong pumasok sa kwarto ko at tinignan ang aking sarili sa salamin. Bakas ang pagkakasampal ni Dazzel sa aking pisngi at tila namumula pa ito hanggang ngayon kaya dahan-dahan akong lumabas ng kwarto at kumuha ng yelo sa ref, iniingatan kong hindi ako mapansin ng dalawa dahil alam kong mapapansin nila ang nasa pisngi ko pag nakita nila ako.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng tawagin ako ni Lana, "Ali nandyan ka na pala!" malakas na sambit ni Lana, dahil nakaheadset ito kaya hindi nito matantya ang lakas ng boses, pasimple kong hinarangan ang aking pisngi gamit ang aking buhok bago sila hinarap ng maayos.

"Oo, pahinga na ako pagod ako at maaga ako bukas," sagot ko at mabilis na binuksan ang pinto at pumasok sa loob. Humiga ako sa aking kama at unti-unting dinidikit ang yelo sa aking pisngi at sinubukang tawagan si Louie.

Pero pinapatay nito ang tawag at hindi sinasagot, sinasadya niyang hindi sagutin. Kinagat ko ang aking labi at napapikit ng madiin dahil sa inis. Ano ba naman ang nagyayari sa buhay ko, ang plano ko lang naman ay sundan si Louie dito at manatali sa tabi nito upang suportahan siya habang giangampanan ko ang tungkulin ko sa aking pamilya. Hindi naman kasama sa plano ko ang lalakeng iyon, siya ang gumulo ng lahat.

Sinubukan ko buong magdamag natawagan si Louie pero ni isa ay wala siyang sinagot at alam kong lagi niya itong pinapatay at hindi sinasagot. Hanggang sa hindi ko na malayan ay nakatulugan ko na ang pagtawag sa kanya. Kinabukasan maaga akong nagising at naabutan si Jade sa kusina.

Nakahanda na ako sa pagpasok kaya agad na akong nagpaalam sa kanya, "Papasok na ako, Jade," sambit ko at agad siyang humarap sa akin. "Aga naman," sambit nito.

"Kailangan kong pumasok ng maaga may pupuntahan ang team namin eh, sige mauna na ako," sambit ko at hindi na ito hintay magsalita pa at agad umalis, medyo nawala na rin ang marka ng pagkakasampal sa akin ni Dazzel kagabi kaya medyo kampante na ako.

Nakasuot ako ngayon ng white plain t-shirt at blue jeans at puting sapatos, dala-dala ko ang packbag ko at ang mga papers na kailangan sa trabaho. Tumuloy ako sa office at nagtrabaho ng tahimik. Nagfocus ako sa trabaho at hindi pinansin ang aking cellphone at kung ano-ano pang kaharutan nila Brylee at Gail pinilit kong tapusin ang mga kailangan kong gawin.

Pagsapit ng lunch wala akong takas kila Brylee at Gail agad nila akong hinila pababa sa lobby para yayaing kumain ng lunch. Hindi rin ako pinatawag ngayon ng lalakeng iyon kaya medyo ok ang pakiramdam ko, hindi ko kasi alam kung matutuwa pa ba akong makita ulit ang mukha niya.

"Tara, mag jollibee na lang tayo," yaya ni Gail, pero sabay kaming napatingin ni Brylee sa aming mga relo at nakitang kakapusin na kami ng oras paglumayo pa kami sa building kaya sabay din kaming napailing.

Tax Principles (Law of Attraction Series # 3)Where stories live. Discover now