Chapter 16

8.7K 238 35
                                    




"Candida, apo gising na tanghali na apo ko!!!!" nagising ako sa malakas na sigaw ni Lola mula sa ibaba,

"Gising na po, La!" sigaw ko pabalik upang marinig ako nito mual sa ibaba, umupo at inayos ko ang pagkakatali ng aking buhok, at tilay pumipikit pa rin ang aking mga mata at gusto pang bumalik sa pagtulog.

Pero magaalmusal na sa baba kaya kailangan ko nang bumababa at maglalaba pa ako ng labahin para makadalo ako sa fiesta mamaya ng walang iniwang trabaho. Papungas-pungas akong bumaba ng at naabutan sila Papa na nasa hapagkainan na at nagaalmusal.

"Oh halika na dito anak magalmusal ka na, tinanghali ka ata ng gising ngayon sabi ni Amiel alas dose ka na daw nakauwi kagabi buti hinatid ka ni Louie, delikado pa naman sa labasan ngayon," sambit ni Papa habang nagpapalaman ng pandisal, tinignan ko si Amiel at binigyan ito ng *bakit gising ka pa kagabi* na tingin.

Pero tinaasan lang ako nito ng balikat at sinawsaw ang pandisal sa kanyang kape, umiling-iling na lang ako at kumuha ng pandisal pero hindi ko maiwasang humikad dahil inaantok pa rin talaga ako.

"Puyat ka ba apo?" tanong ni Lolo sa aking tabi habang inaabot sa akin ng pantikilya na ipapalaman sa pandisal.

"Hindi ho Lo, inaatok pa po ako dahil ang sarap matulog sa lamig ng panahon po," sagot ko at nagpalaman na ng pandisal. "Tama ka apo malamig na nga ang panahon ngayon," natatawang sagot ni Lolo at kumain na rin.

Pagkatapos magumagahan ay agad ko kinuha sa bbawat silid ang mga paruruming damit nila upang magsimulang maglaba sa poso sa likod ng bahay.

"Apo maari mo na rin bang labhan ang mga kortina natin, gusto ko kasing magpalit ng ibang kulay para masmaaliwalas tignan ang ating bahay" sambit ni Lola, "Opo naman La," sagot ko at mabilis inakyat ang mga upuan para pagtatanggalin ang mga kurtinang kailagan labhan, at tumuloy na sa poso, nagsimulang maglaba.

Habang nagkukusot ako ng mga damit ay nakarinig ako ng pagbukas ng radio mula sa loob ng bahay, ang ito'y silipin ko ay si Lolo ang nagbukas nito at nakinig dito habang nagbabasa ng dyaryo.

"Let's all welcome Dazzel Cruz, our lovely and gorgeous guest for this morning, maswerte tayo mga kababayan at pinaunlakan tayo ngayong umaga ni Miss Dazzel Cruz," natigilan ako sa paglalaba dahil sa nirinig ko.

Sikat na talaga siguro siya, at tama si Louie at ang kanyang mga magulang. Malaki talaga ang maitutulong nito at magiging impluwensya nito kung maging sila ni Louie. Siguradong hindi na kailagan dumaan ni Louie sa mga mahihirap na sitwasyon kung kasama ni ito.

Siguro tama lang talaga na pumayag ako sa desisyon ni Louie, pero sa totoo lang wala naman talaga akong Karapatan sa mga desisyon ni Louie dahil hindi naman kami at walang kami.

Gusto lang naming ang isa't-isa, pero kakapit ako sa kanya dahil alam kong totoo siya sa kanyang mag salitang binibitawan.

"Hahandugan tayo ng isang magandang kanta ngayon umaga, Dazzel Cruz singing Clarity by Zedd"

Pinakinggan ko ang pagkanta ni Dazzel mula sa radio at hindi talaga mapagkakaila na maganda at mala anghel ang boses nito kahit birit ang kanyang kinakanta.

Nang matapos ako maglaba at magsampay ay ako na ang ngaprisintang maluto ng tanghalian, para makapagpahinga naman si Lola. Nagluto ako ng adobong baboy habang nanunod ng Tv sila Lolo at Lola at si Papa naman ay nagaayos ng TV na pinaayos sa kanya ng kleyente niya.

"Kakain na!!!"sigaw ko para marinig din ni Amiel mula sa itaas, maya-maya lang ay nagsidatingan na sila at kami ay nagtanghalian na, si Amiel ang naghugas ng pinagkainan kaya nagkaroon ako ng oras para umidlip sa itaas.

At gumising pagdating ng alas kwatro ng hapon, naligo at nagbihis ako para sa pagpunta sa fiesta, sabi ni Louie magkita na lang daw kami sa tapsilugan para kakain muna kami bago magikot sa plaza.

"Pa alis na po ako, La, Lo una na po ako," pagpapaalam ko sa kanilang tatlo at hinalikan sila sa pisngi bago tumuloy sa pinto.

"Mag-ingat ka anak ah," Sambit ni Papa kaya tumango at ngumiti ako sa kanila bago umalis at sumakay ng tricycle.

Malayo pa ako sa tapsilugan ay natatanaw ko na agad ang sasakyan ni Louie sa harap nito kaya ngumiti na ako at hinanda ang aking pambayad. "Dito na lang ho Manong," tumigil ang tricycle at agad akong bumaba, mabilis na pumasok sa tapsi lugan ng may malaking ngiti sa Labi pero natigilan ako ng makita ang nagkukumpulang mag tao sa table na lagi naming inuupuan ni Louie.

"Makikiraan lang ho," sumiksik ako sa mga tao at nasilayang nakaupo si Louie sa table naming kasama si Dazzel at kinukuhanan sila ng larawan ng mga tao.

"Alliana," sambit ni Louie ng makita ako, ngumiti ako pero ngayon hindi ko alam kung totoo ba ito o hindi. "Halika dito," he said and pointed the seat in front of him, but I usually seat at the seat where Dazzel were seating right now.

Umupo ako sa harapan niya at medyo napapapikit ako sa sobrang daming flash ng mga cellphone ng tao, pero nakita kong tinaas ni Dazzel ang kanyang kamay para takpan ang mata dahil pati ito ay nasisilaw na, pinanuod ko si Louie na hawakan ang balikat ni Dazzel para iharap ito sa kanya para maiwasan ang pagkasilaw at nagsaliat siya, "Please lang ho hayaan n'yo na po muna sana kaming kumain mamaya na lang ho ulit ang pagkuha ng picture" he said as I watch Dazzel lean on his chest while she's wiping her eyes.

Napalunok ako at pinanuod ang mga taong magsi-alisan at hinarap ni Louie si Dazzel at binigay dito ang panyo. Bago ako hinarap at nginitian.

"Kumain ka?" tanong niya sa akin. "Hindi pa," sagot ko at tinignan si Dazzel na nakatingin din sa akin ngayon.

"Dazzel, Alliana you already met her last night," Louie said, Dazzel nodded san say, "Yeah, she's your friend, right?" tanong nito kay Louie. Nakita kong natigilan saglit si Louie bago sumagot. "Yes, best friend ko simula first year," I smile bitterly but I try so hard to hide it.

"That means you are also my best friend now since you're my boyfriends' best friend" my lips parted hearing what she said and my eyes automatically landed on their hands, they are holding each other.

Sila na agad? Akala ko kagabi pa lang niya napagdesisyonan iyon.

"T-talaga?" I said and acted with a bright smile.

Louie avoided my gaze and "Order na tayo may performance ka pa mamaya diba," he said to Dazzel before he glances at me.

Napayuko nalang ako at tinignan ang aking kamay na kasalukuyang nanginginig.

Just trust Louie, Alliana you have his words...

Natapos kaming kumain at agad kaming tumuloy sa plaza, naglalakad kami at ako ay nasa likuran lamang niya at sinubukan pang hawakan ni Louie ang aking kamay ng nasa tabi niya ako kaya mas pinili ko sa likod at sumunod na lamang sa kanilang dalawa.

"Seat here," Louie said and make me seat on the chair in front of the stage, madami nang tao dito sa Plaza dahil may pacontest ng sayawan at ang pagkakaalam ko ay kakanta si Dazzel kaya mas doble ng dami ng tao kesa nong nakaraan.

"Let's all welcome Dazzel Cruz!!! hahandugan tao ng kanta ngayong gabi.. isang malakas na palakpakan naman dyan!!!" sobrang lakas ng palakpakan at sigaw ng banggitin ang pangalan nito, pero mas lalong lumakas ng dalawa sila ni Louie ang lumabas sa stage.

At kumanta silang dalawa ng love song sa harapan.

"Balita ko si Natividad daw ang bagong nobyo ni Dazzel, hindi ba't bagay na bagay sila," rinig kong sambit ng tao sa likuran ko.

"Oo nga gwapo si Natividad tapos may potensyal pang maging artista kaya bagay talaga sila ni Dazzel," sagot naman ng isa.

Nagpatuloy ang mga naririnig kong puri sa kanila kaya tumayo at umalis ako sa plaza, uuwi na lang ako kesa sa pilitin ko ang sarili kong panuodin sila sa loob.

Naglalakad ako pauwi at tila di maalis sa isip ko ang mga sinasabi ng tao, bagay nga talaga sila. Mayaman silang pareho, magaganda ang kutis, matatalino at magkapareho ng lebel sa buhay.

Samantalang ako?

"Hi, Miss mag-isa ka lang ba?" natigilan ako sa paglalakad ng may tatlong lalakeng humarang sa akin sa medyo walang taong lugar. Agad akong napaatras at kinain ng kaba at takot.

"Gusto mo bang samahan ka namin?" 

Tax Principles (Law of Attraction Series # 3)Where stories live. Discover now