Chapter 28

8.4K 284 15
                                    



Pagdating ng tanghali ay humiwalay ako kila Brylee at Gail, kumain ako ng tanghalian kasama si Lana at Jade, panay ang kwento ko sa kanila ng mag ginawa ko, hindi ko maiwasang maging masigla pagkinukwento ko sa kanila ang trabahong natapos ko.

Pagkatapos kumain ay nagkwentuhan lang kaming tatlo at panay ang pagpapatawa ni Lana sa aming dalawa, panay ang kwento nito sa crush niya at kung ano-ano pang bagay. Sabay din kaming tatlong bumalik sa kanya kanya naming department at bumalik sa trabaho.

Dahil nasa field ako ng tinapos kong kurso at ito ang trinatrabaho ko ngayon ay mas madali para sa akin tapusin lahat ng papers na ito. Mga alas tres ng hapon ay naisipan kong tawagan si Amiel dahil alam kong nasa bahay na ito ng ganitong oras lalo na Wednesday ngayon, half day lang ang klase nito.

"Hello, ate?" bungad nito. "Oh, Amiel nasa bahay ka na ba? Sila Papa?" tanong ko narinig ko ang pabukas niya ng pinto at pagbaba niya sa hagdanan mula sa kabilang linya.

"Pa si ate!" sambit nito, "Hello, anak Candida?" tanong ni Papa ng siya na ang sumagot sa cellphone. "Pa kamusta dyan? Ano hong ulam niyo kanina?" nakangiti kong sambit at nakita kong pinapanuod ako ni Brylee at Gail na nakangiti rin sa akin ngayon.

"Oo anak, ok lang kami dito, nagluto ang lola mo kanina ng sinigang na baboy anak" sagot ni Papa, bigla kong namiss ang luto ni Lola,wala pa nga akong isang linggo dito sa Manila namimiss ko na sila agad.

"Sarap naman non' Pa, ikaw ba kamusta naman ang pakiramdam mo? Wag mong kakalimutan ang saklay mo lagi ah, mamaya tumba ka nanaman niyan, sabihin mo kay Amiel linisin lagi ang saklay mo Papa, si Lola ba kamusta na ang sugat niya naghilom na pa ng tuluyan? Si Lolo iniinom ba ang gamot niya lagi? I loud speak mo nga po pa," sabi ko.

"Yan anak," sabmit nito, "Amiel?" tawag ko sa aking kapatid. "Ate?" tanong nito.

"Ikaw na ang tumulong kila Papa dyan ah, maglinis lagi ng bahay, saklay ni Papa lagi mong bantayan kung nakakalimutan niya, linisin mo iyon lagi tapos mga gamot nila Lola at Lolo wag mong kakalimutang ipainom sa kanila, umaga, tanghali, gabi." Sunod sunod kong paalala sa kanya. "Opo ma'am," sagot nito at narinig kong tumatawa sila Lolo at Lola sa kabilang linya.

"Oh, sige tatawag ulit ako mamaya may trabaho pa akong gagawin, Pa wag makulit ah," sabi ko, nagpaalam sila at pinatay ko na ang tawag, kinantyawan pa ako nila Brylee kung ilan taon na daw ang kapatid ko, mga loko talaga.

Natapos ang uang araw ko sa trabaho ng wala namang aberya, umuwi ako mag-isa gaya ng napagusapan namin ni Jade, buti na lang mabilis kong naalala ang daan pauwi sa unit niya.

Lumabas din ako pagkatapos magbihis para makapamili ng lulutuin kong hapunan sa malapit na convenience store dito. Habang naglalakad pauwi natigilan ako ng makita sa tindahan ng bigas, na pinapalabas si Louie sa TV kasama si Dazzel.

Mabilis akong bumalik unit ni Jade at binuksan ang TV. Para panuodin si Louie, nasa TV show silang dalawa ngayon.

"Miss Dazzel maari mo bang ishare sa amin kung anong klaseng boyfriend ang ating rising star na si Louie Natividad," tanong ng host dito, zinoom ng camera kung pano nagtinginan at nagngitian si Louie at Dazzel, pagkatapos ay binaba ito sa magkahawak nilang kamay.

"Should I say it Babe?" natatawang tanong muna ni Dazzel kay Louie at sumandal sa balikat nito, habang ngumingiti naman si Louie sa kanya.

Nakaramdam ako ng pagbigat sa aking dibdib, umupo ako sa sofa at nilagay ang upan sa aking hita. Mahigpit ko itong hinawakan at kinakabahang hinintay ang sasabihin ni Dazzel.

"Well, my Louie is the type of guy with a chill vide, he has a really good sense of humor"

"My Louie," bulong ko at patuloy na sa pakikinig. "He always rubs my back as his hobby and he played with my fingers when we're at the set, he always makes simple things that comfort me, because we all know that being an artist is stressful, we barely have enough sleep but when I'm with him, I can easily fall asleep as long as he's holding my hands, my boyfriend is so sweet that's why I will never let him go," biglang pumasok sa isip ko yong oras na tumawag si Louie sa akin, sabi niya natutulog si Dazzel sa tabi niya nong mga oras na iyon, ibig bang sabihin non' magkahawak silang kamay sa oras na iyon?

"His playing your fingers? Why tho?" Tanong ng host dito. "I don't know maybe because he wants to get my attention always," sagot ni Dazzel.

I bitterly smile on what she answers, dahil ganon na ganon nga ang dahilan ni Louie simula first year collage kami.

"Bakit mo ba pinaglalaruan ang kamay ko! Nagbabasa ako ah!!!" Singhal ko dito ng hindi nito tigilan ang paglalaro sa mga daliri ko.

Andito kami ngayon sa loob ng opisina ng student council, nagbabasa ako ng mag platapormang isasagaw ng student council habang itong si Louie ay nakayuko sa lamesa sa tabi ko at nilalaro ang aking daliri.

Tinignan niya ako at ngumiti, "Kanina ka pa kasi nagbabasa dyan, hindi mo ko pinapansin kaya nagpapansin ako gamit itong kamay mo," he said and chuckled, he continues playing with my fingers hanggang sa hindi ko na kinaya at binaba ko na ang aking binabasa.

"Hindi ka talaga titigil?" tanong ko at tinignan siya ng masama.

Umupo siya ng maayos at tinulak palayo ang binabasa ko at ngumiti ng ako ay harapain niya, "Tapsi?" sabi niya at binigyan ako ng mas malawak na ngiti.

Hindi ko alam pero natawa ako sa itsura niya kaya hindi ko na napigilan tumawa ako at sinabi, "Sige na nga," umiiling-iling kong sagot at agad niya na akong hinila palabas at nagtungo sa tapsilogan.

Simula non lagi niya nang pinaglalaruan ang aking daliri tuwing gusto niyang agawin ang atensyon ko.

"Louie totoo bang nilalaro mo ang kamay niya para maagaw ang atensyon nito?" Tanong ng host kay Louie.

"Yes."

"Siya lang ba ang babaeng ginagayan mo?" kinikilig na tanong ng host. Mahigpit kong hinawakan ang punda ng unan habang hinihintay ang sagot nito, pero tumango si Louie at hinalikan siya sa pisngi ni Dazzel.

Pikit mata kong pinatay ang TV at sinandal ang aking ulo sa sofa, "Trust his words," bulong ko at pinatong ang aking braso sa aking noo at huminga ng malalim.

Tumunog ang phone ko kaya inabot ko ito at binasa ang text.

From Unknown Number,

See me tomorrow, I'll be discussing things with you.

Sino ito? Binasa ko lang ito at inisip kung sino ang maaring magtext ng ganito sa akin?

Maya maya lang ay tumunog ulit ito at may sumunod na text ito mula parin sa unknown number.


From Unknown Number,

By the way, this is the CEO.

Tax Principles (Law of Attraction Series # 3)Where stories live. Discover now