Chapter 9

9.6K 330 34
                                    


"Alliana," kaagad akong lumingon ng tawagin ako ni Shane, ang secretary ng student council. Isang linggo na'rin ang nakalimas simula ng magsimula akong mag working student dito.

Hindi ko ito pinaalam kila Papa at Lola, Lolo para hindi sila mag-alala sa pag-aaral ko, sigurado akong iisipin nil ana baka mahirapan ako pagnagtrabaho ako, at papatigilin nila ako kaya mainabuti ko nalang na wag sabihin.

"Bakit Shane?" tanong ko paglapit ko sa kanya, nginitian niya ako sabay abot sakin ng mga folders. "Ito yong financial statement para sa daratig na accountance party ng college of engineering, paki pakita nalang kay Pres. at pa-scan na lang if may kulang," sabi niya at inayos na ang iba pang papers sa lamesa niya.

Medyo busy ngayon ang student council dahil sunod-sunod ang mga party ng mga college building, at bawat collages ay kailangan ng financial statement at sila ang nagaayos nito. Kaya minsan imbis na pagprint at assist lang ang trabaho napapagawa narin ako ng mga hindi maharap na papeles dito sa office.

"Sige ako na ang bahala" sabi ko at binigyan siya ng candy mula sa aking bulsa, tinignan niya ito at agad ngumiti, binuksan ito at kinain. "Salamat," pagkatapos niyang sabihin iyon ay mabilis akong naglakad palabas ng opisina.

Wala kasi dito si Louie kaya kailangan ko pa siyang hanapin sa building nila.

"Excuse me, pweding magtanong?" Kalabit ko sa isang estudyante dito sa building nila. Humarap ito sa akin at tumango. "Alam mo ba kung asan si Pres.?" Tanong ko, alam kong kilala na nila ang tinutukoy ko sa Pres. dahil hindi lang ito basta kilala bilang presidente ng student council kundi, isa din itong team captain sa varsity team ng basketball at model sa mga TV commercial.

Nakilala at nalaman ko ang lahat ng iyon mula sa kanya, dahil unang beses pa lang naming kumain sa tapsilugan nong nakaraang linggo ay nakwento niya na ang lahat ng iyon sakin.

At ngayon hindi ako makapaniwala na komportable na ako sa kanya at lagi na kaming kumakain sa tapsilogan.

"Nakita ko siya kanina kasama ang Varsity team papuntang gymnasium" sabi nito na parang pilit inaalala kung tam aba ang sinabi niya. Nginitian ko siya at tumango. "Salamat," tinapik ko ang kanyang balikat bago nagsimulang maglakad papuntang gymnasium.

Naglalaro na naman ba siya? Wala ba siyang klase?

Mabilis lang akong nakarating sa gymnasium dahil katabi lang naman ito ng collage building nila. Pagpasok ko sa lobby ay marami na akong nakakasalubong na athletes na palabas mula sa gym.

Dumiretso ako sa basketball court at nasa hallway palang ako ay rinig kona ang tunog ng spike ng mga sapatos mula sa loob pati na rin ang tunog ng bola sa loob.

Inayos ko ang folder na hawak ko bago pumasok sa loob, at pagpasok ko dito ay nakita ko ang mga naglalaro at iilang mga studyanteng nanunuod sa traning.

Karamihan ng nanunuod ay mga kababaihan, na kung mga ngiti ay sobrang lawak at tila'y parang kinikilit kung kama tawa.

Umiling iling na lang ako ng bigla akong taaman ng bola sa paa, pagtiningin ko sa aking paa, "Alliana!" boses ni Louie yon, tinaas ko ang aking tingin at pinanuod siyang tumakbo papalapit sakin.

"Bakit ka andito? May problema ba sa itaas?" tanong niya pagtayo niya sa harapan ko. Umirap ako sa kanya bago ipakita ang mga hawak ko folders. "Tingnan mo daw ito para ma scan ko na at maipasa na sa accounting office," seryoso kong sambit, pero tinawanan niya lang ako at kinuha ang panyo sa bulsa ng aking jacket.

"Teka---," hindi ko na siya napigilan at pinangppunas niya ang panyo ko sa kanyang mukha at pawis. "Kain tayo tapsi," sabi nito na parang walang ginawa.

"Hindi po iyon ang pinunta ko dito Pres. ito po oh trabaho niyo," pilosopo kong sambit pero gaya ng kanina ay nginitian lang ako nito at ginulo ang aking buhok. "Ano ba!!" reklamo ko.

"Ayieeeeee nice one Cap." natigilan kami ng biglang magsalita ang mag kateammate niya at inasar kaming dalawa. "Si Cap pumuporma na kay Miss Toee!!!" sambit ng isa sa kanila at tumawa lang si Louie sa kanila.

Miss Toee?

"Anong Miss Toee?!" tanong ko, kaya't hinarap ako ni Louie at umakbay.."Miss Top One sa Entrace Exam daw hahaha kilala ka kaya dito sa university" sabi niya at pisil sa aking ilong. "Ano ba" sambit ko at tinanggal ang kanyang kamay sa aking ilong at balikat.

"Kain lang kami sa Tapsilugan, break muna kayo guys," Sabi niya at hinila na ako palabas ng court, bago lumabas nakita ko ang mga estudyanteng nanonood pala sa'min.

"Louie tingnan mo na ito ng makabalik na ako sa itaas," sambit ko habang naglalakad kami palabas ng gym, papunta sa tapsilugan sa labasan.

"Maya pagkatapos nating kumain" kalmadong sabit ito at patuloy parin akong hinihila.

Gaya ng sabi niya kumain muna kami sa tapsilugan kahit 9:30 am palang, "Oh tapos kanang kumain tignan mo na ito" nilapag ko a harap niya ang mag folders. Wala siyang nagawa kundi simangutan ako at gawin din ang kailagan niyang gawin.

"Ok na yan, paki scan na lang yon bandang equipment use," Nakangiti niyang sambit at binalik sakin ang folder.

"Copy," bulong ko at inayos muli ang folder, habang siya naman ay uminom na ng tubig. "May klase ka this afternoon?" tanong niya at nagbayad kay manang.

"Oo, may presentation ako bakit?" tanong ko pabalik, tumayo na siya at ganon din ang ginawa ko, naglakad kami pabalik ng campus. "Kain tayo sa labas mamaya," sabi niya habang diretso ang tingin sa daan.

"Kain na naman!" hindi makapaniwala kong sambit, tumawa siya ulit, "Oyy iba 'to ah, sa labas I mean sa restaurant"

"Huh! Bakit?!" hindi makapaniwala kong sambit, habang nakakunot ang aking mga noo. "Wala lang gusto ko lang kumain sa paburito kong restaurant, masarap don promise hindi ka magsisisi pag natikman mo nga pagkain doon," pagkukumbinsi nito. "Hindi ba may photoshoot ka mamayang gabi?" naalala ko kasi tuwing Tuesday ay may photoshoot siya para sa mga commercials.

"Oo pero kain muna tayo, bago ako tumuloy doon,"

"Wala akong pera," sambit ko at mas na unang naglakad sa kanya.

"Libre ko naman eh, ano sunduin kita mamaya pagtapos ng klase mo," tumabko siya para magkasabay kami ulit. Tinignan ko siya at nakangiti nanaman siya.

"Bakit ba lagi mo akong nililibre? Halos isang linggo na akong libre sa pagkain dahil sayo," sambit ko.

"Ayaw mo yon tipid ka," biro niya sabay kurot ng aking pisngi. "Aray!" reklamo ko at irap sa kanya muli.

"Hindi sa ayaw ko pero baka maubos ko ang pera mo nyan haha," pagsakay ko sa kalokohan niya at mas binilisan ang lakad.

"Ok lang naman sa''kin yon," kalmado niyang sabit habang nasa likod ko. Kaya tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.

"May gusto ka ba sa'kin?!" biro ko sa kanya.

"Oo," diretso niyang sagot na nakapagpatigil sakin, nagsimula na siyang maglakad muli at lagpasan ako. "Tara na malalate kana sa klase mo," sabi nito at nauna nang naglakad.

Naiwan akong natigilan aking kinatatayuan, ano daw?!

Pinanuod ko lang siyang naglalakad ng bigla siyang lumingon ulit sakin, kaya nasamid ako at umupo. Narinig kong tumawa siya at sinabi. "Totoo yung sinabi ko ahaha," sabi nito.

Lumunok muna ako bago lakas loob nagsalita, "Hindi ako nagpapaligaw noh!"


"Wag kang magalala hindi PA naman kita liligawan ngayon" 

Tax Principles (Law of Attraction Series # 3)Where stories live. Discover now