Chapter 17

7.9K 244 3
                                    



"Hi, Miss mag-isa ka lang ba?"

"Gusto mo bang samahan ka namin?" sa uri ng mga ngiting pinapakita nila sa akin ay halatang hindi sila mapagkakatiwalaan at naamoy ang alak sa kanilang paglapit kaya patuloy ako sa pagatras.

"Padaan!" sambit ko at pilit tinigasan ang aking boses at nilakasan ang loob na tignan sila ng masama, pero tumawa lang ang mga ito at nagpatuloy sa paglapit.

"Ano ba padaanin n'yo nga ako!!!" Medyo nilakasan ko na ang aking boses at mas binilisan ang pagatras, "Ikaw naman Miss sasamahan ka na nga naming ayaw mo pa!!!" sambit ng is ana patuloy sa pagngiti ng nakakaloko.

"Tara na miss samahan ka na namin, saan ka ba pupunta?" sinubukan ng isa sa kanila na abutin ang aking kamay pero mabilis ko itong nilayo, "Ano ba!" sigaw ko kaya mas lalo silang nagtawanan.

"Sungit naman Miss, tara na," this time the other guy at the right caught my hand, "Tara Miss," dahil sa paghawak nito sa aking kamay ay mabilis ko siyang sinuntok sa kanyang mukha gamit ang isa kong kamay.

"Pare!" nabitawan ako nito dahil sa lakas ng suntok ko at dahil sa lasing ito madali itong napaupo sa kalsada kaya mabilis akong umatras at tumakbo ng lapitan siya ng dalawa niyang kasama upang tulungan itong tumayo.

"Pare ok ka lang? Hoy Miss saan ka pupunta!!!" mas binilisan ko ang takbo ko ng marinig sila at paglingon ko nakita kong tumatakbo na ang isa sa kanila para habulin ako.

Nakaramdam na ako ng matinding kaba pero mas pinilit ko pa rin ang sarili ko na tumakbo ng sobrang bilis para hindi maabutan nito.

"Miss, humanda ka sa akin!!!" sigaw ng isa, naradaman ko ang panlalamig ng aking kamay ng wala parin akong makitang ibang tao na pwedi kong Hengan ng tulong, kaya pinilit ko ang sarili ko na hindi mahuli at tumakbo pa ng mas mabilis kahit medyo nahihirapan na akong huminga dahil sa malakas na hangin.

"Ha.. ha.. ha," sinusubukan kong huminga ng maayos para hindi ako mawalan ng lakas sa pagtakbo, pero nanghihina na ang paa ko at medyo masakit na ito, "Agh!" makalas kong inda ng matapilok ang kaliwa kong paa pero pinagpatuloy ko pa rin ang pagtakbo hanggang sa may nakita akong ilaw ng tricycle na papalapit, nang ito'y maaninag ko ng maayos ay mabilis akong sumigaw.

"TULONG!!!!" agad itong tumigil sa harapan ko, mga tanod pala ito. "Ineng anong problema bakit ka tumatakbo?" tanong ng isang tanod sa akin habang ang isa naman ay bumaba para alalayan ako.

Magsasalita pa lang sana ako ng..."Humanda kang babae ka, pagnahuli kita baka hindi kana abutan ng buha---" natigilan sa pagsigaw ang humahabol sa akin ng makita niya ang mga tanod sa tabi ko.

Hindi na nag-abalang magtanong ang tanod sa akin at mabilis nilang hinuli yong humahabol sa akin pati ang mga kasama nito at dumating ang sasakyan ng barangay para dalhin ito sa prisinto.

"Ineng, ok ka lang ba?" Tanong nong babaeng tanod sa akin at hinimas ang aking likod kasabay ng pagabot niya ng malamig na tubig sa akin.

"Ok lang ho," medyo hirap kong sambit dahil hinihingal pa rin ako at isa pa kumikirot ang aking paa.

"Na-sprain ka iha sandal ito may dalawa akong hot compress dito para ilagay mo dyan, saan ka ba nakatira at ihahatid ka na namin," sambit nito at inalalayan ako paakyat ng tricycle.

Nilay niya din ang host compress sa paa ko pagkatapos kong sabihin kung saan ako nakatira, hinatid nila ako at habang nasa byahe, patuloy niyang giangamot ang paa ko.

Nagsabi rin siya na madalas mangyari ang ganong sitwasyon nitong nagdaang araw kaya doble ingat daw dapat kaming mag kababaihan. "Bakit kasi mag-isa ka lang naglalakad pauwi? Wala ka bang kasama iha?" tanong nito sa akin, napatingin ako sa kanya at napaisip.

Meron nga ba akong kasama simula kanina? Kasi pakiramdam ko wala dahil hindi ko nagawang makausap ang nag-aya sa akin dito.

"Meron ho, nauna lang ho akong umuwi sa kanila dahil hindi ho maganda pakiramdam ko kanina," sagot ko. "Tignan mo hindi na maganda pakiramdam mo tapos nakasalubong mo pa ang mga lalakeng iyon buti may lakas ka pa para tumakbo, sa susunod wag ka na munang lalabas sa gabi," tumango ako bilang sagot at tinignan na lang ang aking namumulang paa.

"Dyan na lang ho sa tabi," sambit ko ng makita ang aming bahay, tumigil ang tricycle sa tapat ng bahay at inalalayan ako sa pagbaba bago sila nagpaalam. "Mag-ingat iha mauna na kami," sambit nito at umalis na sila bago pa ako magpasalamat sa kanila.

Huminga muna ako ng malalim bago paika-ikang tumuloy sa bahay, nakita ko na lamang dito sa sala ay si Amiel na naglalaro sa kanyang cellphone, nang makita niya ako tinignan niya agad ang aking paa. "Anong nagyari?" tanong niya.

"Tulog na silang tatlo?" tanong ko pabalik at hindi pinansin ang tanong niya. "Oo, sabi nila hintayin daw kita kaya andito pa ako sa baba" sambit nito.

"Umakyat ka andito na ako, magpahinga na," umakyat na ako sa taas at iniwan siya sa baba, tumuloy ako sa kwarto na upo sa kama. Hinwakan ko ang aking dibdib at pinakiramdaman ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Tila pakiramdam ko ay tumatakbo pa rin ako at puno parin ng kaba ang aking systema.

Hindi ko alam kung anong una kong mararamdaman dahil sa nagyari, hindi ko inaasahan ang lahat ng iyon. Nais ko lang lakad pauwi at magpahangin pero ang kinahantungan ay muntikan pa akong mapahamak.

Kinuha ko ang aking cellphone sa aking bulsa at tinignan ang larawan ko dito kasama si Louie nong graduation namin kahapon. Ginawa ko itong wallpaper dahil nais kong makita ito bawat oras na bubuksan ko ang aking cellphone.

Hinahanap na siguro niya ako ngayon, ipapaalam ko sa kanya na nakauwi na ako at ikwekwento ang nagyari.

Sinubukan ko muna siyang tawagan pero nakailang tawag na ako ay hindi niya parin ito sinasagot.

Sinubukan ko ng sinubukan pero wala parin, naalala ko ba ka kumakanta pa rin siya hanggang nagyon kaya hindi niya pa nasasagot. Humiga ako sa aking kama at tinitigan ang aking cellphone bago ako nagdesisyon na itext na lang siya.

To Louie,

Umuwi na ako, may nangyari sa akin, tawagan mo ako pagnabasa mo ito.

Hinilot-hilot ko ang aking paa at hinintay ang tawag niya...

Pero hanggang ngayon ang bilis pa rin talaga ng tibok ng puso ko, tumitig ako sa kisame at hindi ko namalayan na may luha na palang tumutulo mula sa aking mata.

At ngayon ko lang naramdaman lahat ng takot ko kanina.

Ang paghawak nito sa aking kamay at tila andon parin, at ang kaba hindi na tumigil.

Patuloy akong lumuha at umasa na nagreply na siya, pero wala tinawagan ko muli siya pero hindi talaga niay ito sinasagot.

"Louie natatakot ako," I whisper.


Natatakot ako sa nangyari, at natatakot ako sa mga maaring mangyari sa ating dalawa. 

Tax Principles (Law of Attraction Series # 3)Where stories live. Discover now