Chapter 2

15.3K 364 23
                                    




Nakakaramdam ako ng malamig na bagay sa aking noo, dahan-dahan itong dumadausdos saking noo at alam kong isa itong malamig na tela, napinupunas sa aking noo. Nais ko na imulat ang aking mga mata pero parang ayaw pa nito bumukas at tila'y parang nakramdama ako ng pagod, kaya ayaw nitong mag bukas agad.

Kaya pinakiramdaman ko ng tela na patuloy dumidikit sa'king balat, "Bakit di pa po siya gumisigising sabi ng doctor gigising na siya ngayong umaga bakit tulog pa po siya? Patay na po ba si----," Narinig ko ang boses ni Jade sa paligid, "Ano ka bang bata ka buhay si Candida natutulog lang, ikaw ba hindi hinahanap sa inyo?" boses ni lola yon.

"Wala po, pumasok na po sila Mama at Papa sa trabaho kaya dito po ako buong araw hihintayin ko pong magising si Ali tyaka makikikain na rin po lola, sobrang sarap po kasi ng luto niyo super the best ever and ever," patuloy kong pinakinggang ang kanilang mga boses at pilit ginigising ang aking katawan.

"Nako, ikaw talagang bata, hala sige lulutuan ko kayo ng masarap na pagkain ni Candida," tumatawang sambit ni lola. Pakiramdam ko nabugbog ako, dahil medyo masakin ang aking katawan at tagiliran. "Mag isa ka lang bang pumunta dito iha?" Si Lolo yon ah. "Opo, nilakad ko po malapit lang naman po haha,"

"Anong malapit Aberry iha eh isang kilometro ang layo ng hospital mula sa baryo natin," Boses ni Papa. "Opo nilakad ko po malapit lang po!" masiglang sambit ni Jade, pinilip ko nang buksan ang aking mga mata ngunit dahan-dahan lamang hanggang sa may na aninag na ako, isang napakaliwanag na puting ilaw.

Nakakasilaw, kaya tinaas ko ang aking kamay upang takpan ang aking mata, pero kumirot ito. "Gising na siya," Si papa yon.

"Ali gising ka na andito ako," naramdaman ko ang kamay ni Jade saking kabilang paa. "Aberry iha wag mo'ng alugin si Candida, dahan-dahan anak," pati ang kamay ni Lola naramdaman ko sa aking mga paa.

Maya maya lamang ay nabuksan kona ang aking mga mata at unti-unti kong Nakita silang lahat, si Papa buhat-buhat si Amiel ang nakababata kong kapatid, si Lola at lolo ay na sa aking kabilang gilid na kasama si Jade.

"P-papa," nakaramdam ako ng matinding pagkauhaw, parang natuyuan ako ng laway at nanghihina ako. "Anong nararamdaman mo Candida, anak?" Nag-aalalang tanong ni Papa at inabot si Amiel kay Lolo.

"T-tubig p-po," nahihirapan ako magsalita dahil para akong natuyuan ng sobra saking buong katawan. Bago pa man' kumuha si Papa ng tubig ay agad ng tumakbo si Jade at inabutan ako ng isang bote ng tubig. "Tito ito po oh," pinabukas niya ito kay Papa at dahan-dahan akong binuhat ni Papa para umupo.

Hindi ko inaasahan na mauubos ko ang isang bote ng tubig sa isang inuman lang, grabe kasi ang pagkauhaw ko ngayon. Nang makainom na ako ng tubig don' lang ako nakapagsalita ng maayos. "Saan po tayo Papa?" sabay abot ng bote sa kanya.

"Na sa hospital tayo Candida anak, naaksidente ka kasi hindi ba muntikan ka nang malunod buti nalang may nagligtas sayo anak ko, hindi ko alam ang mangyayari sakin kung pati ikaw mawawala" Isang iglap ay agad lumuha si Papa at hinalikan ang aking kamay. Dinaluhan siya ni Lola at hinawakan sa balikat.

"Candida apo, wag mo nang uulitin iyon ah, natakot ang Lola at Lolo sa ginawa mo." Malungkot na sambit ni Lola kaya agad akong tumango at sina-isip ang kanilang sinabi.

"Pangako po Lola hindi na po kami pupunta ni Ali sa tabing dagat simula ngayon," itinaas pa ni Jade ang kanyang kanang kamay at nangako kay Lola. "Aasahan namin yan, apo," Natatawang sambit ni Lolo at medyo ginulo ang buhok ni Jade kaya nagtawanan kami.

Kumain kami ng masarap na luto ni Lola pagdating ng tanghalian, at gaya ng sinabi ni Jade nanatili siya dito sa hospital buong araw. "Ok na ba pakiramdam mo Ali?" ngayon nakahiga din siya sa tabi ko dahil alas do na ng hapon at kanina pa kami pinapatulog ni Lola pero mas nauna pa itong matulog samin.

Tax Principles (Law of Attraction Series # 3)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang