Chapter 3

12.3K 332 44
                                    



"Nandito na tayo," masiglang sambit ni Papa at binitawan si Amiel para kunin ang gamit sa tricycle. "Kaya mo ba, Anthon?" Nag-aalalang tanong ni Lola habang inaalalayan ni Lolo si Papa.

Kaagad ngumiti si Papa kay Lola at sinabi, "Opo naman ho, Nay," sambit ni Papa at kinuha ang kanyang saklay pati ang mga gamit na dinala sa hospital. "Nay, pakialalayan si Candida," nakangiting sambit ni Papa at naglakad na parang hindi nahihirapan.

"Tara na sa loob, Candida apo," agad kong ni lingon si Lola at tumango, sabay kaming pumasok sa loob ng aming munting bahay. Pagupo ko sa sofa hindi ko maiwasang panuodin si Papa sa pagaayos ng gamit.

Alam kong nahihirapan siya pero pilit niyang pinapakita samin na kaya niya, "Nako," nabitawan nito ang damit na dapat ilalagay na sa marumihan at nang makita kong nahihirapan siyang abutin ito mabilis akong tumakbo at kinuha ito para sa kanya.

"Pa," bulong ko at inabot sa kanya nag isang pirasong damit, Nakita ko kung paano napapikit ng madiin si Papa at tumango, bago ngumiti muli at sinabi, "Salamat anak, pero wag mo nang ulitin yon' ah kaya naman ni Papa," tinapit ni Papa ang aking balikat at pinabalik ako sa sofa.

Naglakad ako ng daha-dahan pabalik sa'king inuupuan at pag-upo ko dito ay muli ko siyang pinagmasdan, nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya nakakikita na nakatingin ako pero Nakita ko ang pagpunas niya nang kanyang luha bago nagpatuloy sa kanyang ginawa.

Napayuko na lamang ako at kinuha si Amiel sa kabilang upuan na tahimik nanaglalaro,"Halika Amiel dito ka kay Ate," bulong ko at kinandong siya, hinayaan ko rin' na laruin nito ang panali ng buhok ko.

Sila Lolo at Lola ay nasa taas at nagpalit ng damit, kaya kaming tatlo ang andito, napalingon ako sa larawan ng aming pamilya sa tabi ng bintana. Hindi ko maiwasang yakapin si Amiel habang pinagmamasdan ang mukha ni Mama sa larawan na iyon.

Habang tinititigan ko ito nakarinig ako ng nabasag na baso sa pwesto ni Papa kaya agad akong napalingon, "Papa!" Sigaw ko, nasagi ni Papa ang baso sa lamesa.

Handa na sana akong bitawan si Amiel sa sofa ng biglang lumuhod si Papa at sinabi, "Hindi wag kang lalapit anak masusugatan ka kaya ko na ito," sambit nito habang nnakatalikod sa amin.

"Pero Pa-----," hindi niya ako pinatapos saking sasabihin ng bigla siyang umiyak at yumuko, "Kaya na ni Papa ito anak," seryoso at malungkot nitong sambit at pinunasan ang luha.

"Naku, anong nabasag?" Lola, "Bakit ka sumisigaw Candida apo?" Lolo.

Nagaalalang tanong nila Lolo at Lola habang pababa ng hagdanan, kinagat ko ng Mabuti ang aking labi bago tumayo at tinuro si Papa sa kanila.

"Umakyat na kayo sa taas ni Amiel, palitan mo ang kanyang damit apo ko," Sabi ni Lola at dahan-dahan akong tinulak paakyat ng hagdan. Patuoy kong sinusulyapan si Papa habang paakyat ng hagdan hanggang sa hindi kona siya makita at tumuloy sa aing silid para palitan ng damit si Amiel.

"Amiel palit kana ng damit," Sabi ko at kumuha ng damit nito mula sa maliit nitong drawer. Tahimik lang itong umupo sa kama at hinintay akong iabot ang damit na susuotin niya.

"Anak, Anthon kami na ng tatay mo ang bahala dyan anak tumayo ka na dyan," Rinig kong sambit ni Lola mula sa baba kaya mabilis kong binihisan si Amiel at pumunta sa pinto, idinikit ang isang tenga sa pinto para mas marinig sila.

"Kaya ko Nay," matigas na sambit ni Papa, "Anthon anak kaya na naming ito baka masugat ka pa anak" si Lolo yon.

Nagulat ako ng nakarinig ako ng malakas na kalabog sa mula sa baba at boses ni Papa, "Kaya ko naman Nay, Tay, kakayanin ko para sa mga anak ko, kakayanin ko lahat, kaya ko! Kaya ko!!" mabilis tumulo ang aking mga luha ng marinig ang kanyang sinabi, bakas sa boses ni Papa ang sakit at hirap na dinadanas niya.

"Anak ko," si Lola iyon, "Nay kaya ko, ang hindi ko kaya ay ang muntikan nang mawala sa akin si Candida, natakot ako nay, akala ko mangyayari ulit ang nangyari kay Annalisa, natakot ako nay, ayaw kong masaktan at mawala ang mga anak ko sa buhay ko nay, pinangako ko kay Annalisa na aalagaan at proprotektahan ko sila pero ganito ako! pilay! paano ko gagawin iyon kung ganito ako kawalang kwenta!!!"

"Ate," napalingon ako kay Amiel ng tawagin niya ako at ngayon nakatayo siya saking tabi, mabilis ko siyang niyakap at umiyak sa kanyang balikat. "Kaya na'tin ito nila Papa, Amiel kaya na naming ito Ma,," bulong ko at tumanaw sa bintana kung saan may magandang paru-parong lumilipad.

Mama bigyan mo ng lakas si Papa, kakayanin naming ito dahil alam kong andyan ka lang, nakagabay samin at hindi kami papabayaan.

Kinabukasan ay nagising akong naghahanda na ng almusal si Lola at nagkakape sa labas si Papa at Lolo. "Pa," tawag ko sa kanya, paglingon niya ay mabilis kong binuhat si Amiel at tumakbo kami papunta sa kanya upang yakapin siya. "Kaya mo ito Papa, kaya po natin ito sabi ni Mama," bulong ko habang kayap naming siyang dalawa.

Narinig kong tumawa si Lolo at ganon na din si Papa, "Sinabi ni Mama mo iyon?" Natatawang tanong ni Papa pero ngayon ay lumuluha na ulit siya. "Opo Pa napanaginipan ko si Mama sabi niya kaya natin ito" Masigla kong sambit at niyakap siya ng mas mahigpit.

"Ikaw talagang bata ka, hala halina dito at tayo'y kumain na ng almusal," nakangiting sambit ni Lola at pumasok na kami sa loob, inalalayan ko si Papa habang kinuha naman ni Lolo si Amiel sa amin.

Namatay si Mama dahil sa sakit na cancer nong 2 years old palang si Amiel at 8 years old naman ako noon. Iyon din ang araw na naaksidente si Papa sa kalsada at nabangga dahil nagmamadali siyang pumunta sa hospital kaya siya tuluyang napilay at hindi namakalakad ang isa niyang paa. Hindi inaasahan ang lahat ng nangyaring iyon pero tinggap naming at nagging malakas kami.

Alam kong nasa mapayapa nang lugar si Mama kaya ok na kami at hindi na malungkot, at simula ngayon haharapin naming ang buhay ng kaya ang lahat ng pagsubok.

Nagalmusal na kami at hinintay ko si Jade para sabay kaming pumasok sa school. "Ali!!!!" malayo palang si Jade ay naririnig na naming dito sa bahay ang kanyang boses hanggang sa bumukas nalang ang pinto at dumating siya. "Ali, ok ka na ba ready kana basa first day natin!!!!" masayang sambit nito sabay kuha ng tinapay sa lamesa.

Umiling-iling nalang ako at kinuha ang aking bag at baon, "Papa, Lola, Lolo aalis na po kami ni Jade," pagpapaalam ko bago lumabas at hinila na si Jade palayo ng lamesa dahil inuubos n anito ang mantikilya namin.

"Hindi pa ako tapos kumain eh," Nakasimangot nitong sambit, "Sira, tara na at malalate pa tayo," pagsusuway ko at hinila na siya palabas ng gate. "Teka!!!!" natigilan ako sa paglalakad ng magsalita si Jade at biglang namula at nahihiya. "Bakit?" tanong ko at nilapitan siya, mabilis niya akong hinila at bumulong sa aking tenga. "Nakalimutan kong magpanty!" 



***


Author: Jade is Aberry Jade Callereese from Faded Accounts LOA #1


Tax Principles (Law of Attraction Series # 3)Where stories live. Discover now