Chapter 21

8.4K 251 0
                                    



Pabagsak ako humiga sa aking kama, kasabay ng pagbagsak ng aking balikat. Ipinikit ko ang aking mga mata at hindi inaasahang may luhang tumulo sa aking mga mata.

Pinilit kong gawing blanko ang aking isipan, upang di maisip ang pagpapaalam ni Louie, hanggang sa hindi ko namalayan na ako'y nakatulog na.

Nagising ako kinabukasan ng gisingin ako ni Amiel, walang gana akong umupo sa aking kama at tila walang lumalabas na matino sa aking isipan. Para akong lumulutang sa kawalan at hindi makapagisip ng maayos.

"I'll be staying at Manila for good, Dazzel and I have inline projects this year and it na ang daan sa mga pangarap ko, babalik ako dito every end of the month ok, hihiwalayan ko rin si Dazzel after this year, I really just need her, I know you understand that Alliana, I'll be texting you every day and calling too, promise."

"Wait for me ok," Tila parang sirang plakang nagpaulit-ulit sa akin ang mga sinabi ni Louie kagabi, dahan-dahan akong napatingin sa orasan at magaalas otso na! aalis na si Louie!!

Parang ngayon lang nag sink-in sa akin ang mga sinabi niya kagabi kaya mabilis akong tumayo at kinuha ang aking wallet, tumakbo ako pababa at nagmamadaling umalis para mahabol ang pag alis ni Louie.

Hindi ako nakapagpaalam sa kanya ng maayos kagabi dahil mas pinairal ko ang emosyon ko.

"Candida apo, pakitulungan mo naman akong abutin ang mga bagong pinggan sa itaas," natigilan ako sa pagbukas ng pinto ng tawagin ako ni Lola at tinuro ang mga pinggan sa mataas na bahagi ng kusina.

"La mamaya na ho, may kailagan ho akong habulin!" sambit ko at tumakbo palabas ng pinto. Hindi ko inalintana ang suot kong pantulog at tyinelas, mabilis akong pumara ng tricycle at dumiretso sa bahay nila Louie.

"Manong dito na lang ho sa tabi!" sambit ko at agad inabot ang bayad, bumababa ng tricycle at tumakbo sa sasakyan ni Louie. Sisimulan niya palang buhayin ang makina ng kanyang sasakyan ng kumatok ako sa bintana ng kanyang sasakyan.

Nagulat ito at mabilis binuksan ang pinto ng sasakyan at lumabas, "Alliana?" he utters. Tinignan niya ang buong itsura ko ngayon at hindi napigilang ngumiti bago at tinignan sa aking mga mata.

"Are you here say goodbye?" he asks with his handsome smile. I pursed my lips and nodded at him bago ako dahan-dahang humakbang at niyakap siya ng mahigpit.

I feel his body and scent as I hugged him so tight.

"I know you would miss me so bad hahaha," biro nito at niyakap ako pabalik. "Tawagan moako lagi," bulong ko.

Tumawa siya at hinarap ako muli habang pinupunasan ang luhang tumulo mula sa aking mata. "Opo," he said and smile once again.

"Hihintayin kita," bulong ko at pumikit upang madama ang kanyang haplos. I felt his lips on my forehead down to the tip of my nose and end up with my lips.

"Alis na ako," sambit nito at binitawan namin ang isa't-isa.

"B-bye," bulong ko at pinanuod siyang sumakay sa kanyang sasakyan at buksan ang bintana, simuang buksan ang makina at paandarin ito habang kumakaway ito paalis sa akin.

Ngumiti ako at kumaway sa kanya hanggang sa mawala na siya sa aking paningin. Nanatili akong nakatayo sa pwestong iyon at pilit pinapatigil ang aking pagluha hanggang sa tumigil ito ng kusa at papungas-pungas ko itong pinunasanan at nagsimulang maglakad.

*ring*

Tumigil ako sa paglalakad ng tumunog ang aking cellphone at nakitang tumatawag si Amiel. Huminga muna ako ng malalim at pinunasan ang aking luha at sipot bago ko ito sinagot.

Tax Principles (Law of Attraction Series # 3)Where stories live. Discover now