Unang Kabanata

31K 430 73
                                    

"You make me smile so easily"

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

"MUNTIK NA NIYA MAKAGAT YUNG JUNIOR KO!"

Isang sabado, naiwan ako sa bahay at ang kasama ko lang ay 'yung aso naming si Whitey. Si Whitey ay isang Aspin na walang sinasanto. Mapa amo man o bisita. Kaya palagi siyang nakakulong at pinapakawalan lang kapag wala kami o lahat ay nasa loob ng bahay.

Katulad ngayong tanghali. Mag isa lang ako kaya naman pinakawalan siya kanina ni Tita bago siya umuwi sakanila. Normal lang ang pagtahol ni Whitey tuwing may nakikita siyang isang living creature; mapa ibon man o butiki. Kapag nakita ka ni Whitey, walang duda ay tatahulan ka niya at kung posible ay kakagatin ka niya.

Or kakainin kung kaya niya.

Kaya naman, heto na ang nangyari. 'Yung bestfriend kong ugok, hindi alam na mag isa ako sa bahay at nakawala si Whitey. Kaya naman nag dirediretso siya sa pagbukas ng gate, walang ideya na nagtatago si Whitey sa halamanan, hinihintay na makalapit siya.

Ngayon, etong bestfriend ko na 'to at si Whitey ay mortal na magkaaway. Sa listahan ng mga taong gustong kainin ni Whitey, ang pangalang Asher James Martinez ang nasa unahan. Enemy Number One. Bakit kamo?

Unang beses na nakita ni Asher si Whitey, sinabi niyang mukha itong daga na nahulog sa poso negro at nasagasaan ng pison sabay tinaihan ng isang milyong ibon.

Bilang ganti, tinaihan ni Whitey 'yung loob ng paboritong sapatos ni Asher. At hindi din namin 'to nalaman hanggat sa isinuot na niya 'to.

At ayon na nga, narinig ko ang pagbukas ng gate kaya naman napatakbo ako sa may bintana. Nakita ko si Asher na may dala dalang paperbag mula sa Lush Cosmetics, may malawak na ngiti sa kanyang labi.

"Asherー"

At para bang nag slow-motion ang paligid. Lumitaw si Whitey at naglaho ang ngiti sa labi ni Asher. Panandaliang nag blanko ang utak ko.

Naibalik lang ako sa wisyo noong nakarinig ako ng sigaw ng isang bakla sa isang One Direction concert. Well, ganoon ang tunog niya pero mabilis ko ding narealize na si Asher pala ito.

"AAAAAAAAAAAH!!!"

Napatakbo ako palabas ng bahay at nagpunta sa terrace para dumampot ng isang payong at kaunting dog food. At ayon na nga ang dalawa sa may gate. Nagawang iakyat ni Asher ang sarili niya doon at sinusubukan siyang abutin ni Whitey na malapit nang maabot 'yung pagitan ng binti ni Asher.

"ANDY!! ANDY TULANGAN MO AKO WAAAAAAAAAH!!"

Nagawang hablutin ni Whitey 'yung tsinelas ni Asher at napailing na lamang ako. Lumapit ako sa kulungan ni Whitey at binuksan 'to bago hampasin para makuha ang atensyon nung aso. "Whitey! Chuu!" Pinatunog ko 'yung pagkainan niya. "Whitey! Come here!"

Mabilis na lumingon saakin 'yung aso sabay doon sa pagkainan niya. Binitawan niya 'yun nginatngat niyang tsinelas at inilabas ang dila niya sabay tumakbo na papunta sa direksyon ko. Medyo umatras ako nang nakalapit na si Whitey na dumiretso papasok ng kulungan niya. Itinulak ko 'to pasara gamit 'yung payong.

Nung sigurado na akong hindi na 'to makakalabas, huminga ako ng malalim sabay pinunasan 'yong pawis ko. Nilingon ko si Asher na hindi parin bumababa at mukhang nanginginig sa takot.

"Bes, okay na." Sabi ko habang lumalapit sakanya.

Nakita ko 'yung paperbag na dala dala niya kanina. Mukhang inihagis niya 'to bago umakyat doon sa gate. Pinulot ko 'to at tinignan ang laman. Mga anim siguro o limang bath bomb ang nasa loob nito.

STASG (Rewritten)Where stories live. Discover now