Kabanata LXVII

4K 170 15
                                    

"No one knows how much I cried that day."

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

"Adrianna?" narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko. Kanina pa dapat ako bumangon, naghahanda na para maligo nang maka pasok ako sa school. Ngunit ayaw kumilos ng katawan ko. Nanghihina ako. Kaya naman ngayon ay nandito na sa loob ng kwarto ko ang ate ko. Naramdaman ko siyang umupo sa kama ko sabay hinaplos niya ang ulo ko. "Anong nararamdaman mo?"

Pagod, sobrang pagod.

"May sakit ka ba?" tanong niya bago hawakan ang leeg ko. "Hindi ka naman mainit."

Nabibingi ako. Pumikit ako at huminga ng malalim. Kailangan kong pilitin ang sarili ko na bumangon para hindi na ako maka tanggap ng maraming tanong. Inuupo ko ang sarili ko at nanatiling naka yuko para hindi niya makita na namamaga ang mga mata ko.

"Okay lang ako," sagot ko. "Na puyat lang."

"Ano bang ginawa mo kagabi?" tanong niya at wala na akong ibang gustong gawin kundi tanggalin ang dalawang tenga ko at malunod na sa katahimikan.

Bumangon na ako mula sa kama, "Assignment." Simpleng sagot ko bago pumunta sa pinto ng banyo ko para maligo. Hindi ko na nilingon si Ate Sky, diretso pasok nalang ako at agad na isinara ang pinto sa likod ko.

Puma ilalim na ako sa shower at hinayaan ang mainit na tubig na bumalot sa buong katawan ko. Ngayon sa school, wala dapat maka alam na malungkot ako. Wala ni isa ang dapat maka kita ng tunay na nararamdaman ko.

Bakit ka ba kasi malungkot, Adrianna? Dahil ba hindi nasunod ang gusto mo? Gusto mo kasi suyuin ka ni Asher, ganyan ganyan. Ngayong hindi niya magawa, nag da-drama ka. Ang arte arte mo! 'Wag kang mag maganda. As if namang hahabulin ka talaga ni Asher. Sino ka ba? Hindi ka naman special.

Ibinuka ko ang bibig ko at agad na bumalik ang hangin sa sistema ko. Napa ubo ako at nanikip ang dibdib ko. Sinubukan ko ba talagang pigilan ang pag hinga ko? Napa tingin ako sa mga kamay ko. Matapos nang nangyari kagabi, agad kong ginupit ang mga kuko ko. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sakin. Nababaliw na ata ako. Iniling ko ang ulo ko at mabilis na tinapos na ang pag ligo.

Nasa may kanto na si Enrico, James at ang nakababata niyang kapatid na si Nicolette noong palabas na ako ng bahay. Hindi ko ine-expect na makita sila dito dahil noong mga nakaraang araw, naglalakad nalang ako mag isa papuntang sakayan.

"Aga natin ah," ani Enrico nang maka lapit na ako.

"Akala namin 'di ka na lalabas. Aalis na sana kami." Sabi naman saakin ni James.

"Bakit niyo ba ako hinihintay?" kunot noong tanong ko sakanila.

Ibinalot ni Enrico ang braso niya sa balikat ko, "Malamang kasi sabay tayong papasok."

Ngumiti ako at ibinunggo ang balakang ko sakanya, "Sweet niyo naman."

"Tara na," natatawang sabi ni James. "Nag aalburuto na si Asherita doon sa sakayan. Dalawang jeep na daw ang dumaan."

"Tara na pala," aya ko sakanila kaya naman sabay sabay na kaming naglakad papunta sa block 3.

So far so good, naisip ko. Wala ni isa sakanila ang naka pansin na medyo off ang mood ko. Maski si Asher ay walang sinabi noong nagkita na kami. Tahimik ang buong byahe namin papuntang school, naka tingin lang ako sa labas. Ni hindi na nga ako naki sali sa kwentuhan nila. Wala talaga ako sa mood. Pero ngumi-ngiti naman ako kahit na sa loob loob ko ay peke lamang 'to.

Dumating na kami sa school. Naka pasok na sina James ng campus at ipapakita ko na sana sa guard ang I.D ko para maka pasok na din nang may mainit na kamay na kumapit sa siko ko at hinila ako papunta sa gilid.

STASG (Rewritten)Where stories live. Discover now