Kabanata LIII

4.5K 183 60
                                    

"When someone loves you, they don't have to say it. You can tell by the way they treat you."

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

"Adrianna, mauna na kami ha?" paalam ng isang ninang ko.

"Ah, osige po." sabi ko. "Ingat po! Bye Ruth" kinawayan ko 'yung maliit na bata.

"Bye ate Adrian!"

Nginitian ko sila. Ganun din ang ginawa ng higanteng nakatayo sa tabi ko at kanina pa naka kapit sa baywang ko.

Pagka alis na pagka alis nila ay tuluyan na akong binack-hug ni Asher at sabay kaming naglakad ng parang mga tanga papunta sa mga kaibigan namin.

"Gelo, nag-text na ba si Jared?"

"Wala pa e," sagot ni Angelo. "Last text niya one hour ago pa. Nung sinabi niyang patapos na sila."

"Si boy hika 'yun diba?" tanong ni Asher.

Mahinang hinampas ko 'yung kamay niya, "Wag mo siya tawaging ganun."

"Asan na daw siya?"

"Ewan ko dun."

"Beeees" hinatak ako ni Ethel sa braso at inilayo ako kay Asher.

"Oh ano?" natatawang sagot ko. "Tapos ka na mag retouch ng make up mo?"

"I love youuuuuu" niyakap niya ako.

"Gaga ka kasi hahaha! Iyak iyak ka pa kasi kanina"

Akalain niyo? Sa hinaba haba ng pagsasama namin ni Ethel siya pa 'tong walang nasabi kanina nung 18 candles! Pag tapak palang na pag tapak sa stage nag simula nang humagulgol.

"Sorry! Dadaanin ko nalang sa power hug 'yung pagmamahal ko sa'yo! No words needed bes!"

"Ewan ko sa'yo" natatawang sagot ko nalang sakanya.

Puro kabataan nalang ang nasa function hall ngayon. Lahat kami nagtititigan dahil walang gusto maunang sumayaw kaya naman walang tao sa dance floor kahit na upbeat 'yung kanta.

Sa gilid ng mata ko, bumukas 'yung pinto ng function hall at may lalaking pumasok. Nahigit ko 'yung hininga ko at agad na napatakip sa bibig ko dahil sa gulat.

"Jared!" 'di ko napigilang isigaw.

Nginitian niya ako, 'yung suot niyang glasses ay medyo umangat sa ilong niya tapos itinaas niya 'yung kamay niya at iniwagayway 'yung regalo na hawak hawak niya.

"Sorry i'm late," aniya nang makalapit siya. Agad niyang inilagay 'yung isang kamay niya sa batok ko at hinalikan ako sa noo, "Happy Birthday!" naka ngiting bati niya.

"Thank you!" agad kong kinuha 'yung regalong hawak niya kahit na hindi niya pa 'to binibigay. "Ano 'to? Damit?"

"Later," sagot niya bago mag half run papunta sa may DJ.

"Akin na," lumapit si Asher sakin at kinuha 'yung regalo. "Lalagay na namin nila James lahat ng regalo mo sa kwarto."

"Oh, okay. Nasa'yo na 'yung susi?"

"Opo," sagot niya kaya naman napangiti ako.

"Balik agad ah?"

"Mhhmm," tumango tango siya sabay hinalikan ako sa pisngi. "Smoke lang din kami saglit."

"Asher!" sigaw ko sakanya pero tumatakbo na siya palabas ng function hall at narinig ko nalamang ang pilyo maloko niyang tawa.

"Bes!" kinuha nanaman ni Ethel ang atensyon ko.

STASG (Rewritten)Where stories live. Discover now