Kabanata XLII

5.5K 228 78
                                    

"I hope that one day you realize what you had with me and you scream your lungs dry"

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

ASHER: San ka?

ADRIANNA: bahay lang. bakit?

ASHER: Punta ako jan

ADRIANNA: ok

Sabado, mga bandang alas tres ng hapon nagpunta si Asher ng bahay. Kakaalis lang ng kapatid ko para mag grocery kaya naman mag isa lang ako.

Itinext ko na siya kanina pa na nakakulong si Whitey at iniwan ko nang bukas 'yung pinto para dire-diretso nalang siya. "Asan si Ate Sky?" tanong niya pagka pasok niya sa loob.

"Umalis," simpleng sagot ko habang inilalatag 'yung foam sa may sala.

Umaarte lamang akong parang walang pakealam pero ang totoo nyan ay nanginginig ang mga kamay ko at sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Boses niya lang at presensya ang kailangan para mawala na ako sa tamang wisyo.

"Nag dala ako ng mga dvd," aniya. "Pili ka nalang dito." Inabot niya sakin 'yung mga bala.

"Kumuha kang unan tsaka kumot sa kwarto ko," sabi ko sakanya habang namimili ng magandang papanoorin. Hindi ko parin siya tinitignan. Hindi ko pa kaya. Baka tuluyan na akong mabaliw.

Magkaibigan nalang kami, paalala ko sa sarili ko. Magkaibigan nalang ulit. Hindi na pwede, hindi na pwede Adrianna. Masyado ng abuso. Hindi na ikaw ang maghahabol. Siya. Siya na dapat okay?

Manigas ka Asher Martinez.

"Isa lang unan mo?"

Napatalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses niya kaya naman hindi ko sinasadyang mapatingin sakanya.

Tangina!

Bakit ang gwapo gwapo niya kahit naka simpleng itim na sando lang siya at puting shorts? Tapos ano 'yun? Hikaw ba 'yun?!

"Kelan ka pa nagka hikaw?" tanong ko sakanya bago ko pa mapigilan ang sarili ko. Bobita ka talaga Adrianna! Hindi ka dapat interesado sa pinag gagawa niya!

"Kahapon lang, napag tripan nung nasa shop kami," ngiti ngiting sagot niya.

Tumango ako, "Ah okay."

Sino nag butas ng tenga mo? Masakit ba? Baka ma infect ka ha! Ano pinambutas? Malinis ba? Saan mo nabili hikaw mo? Alam mo ba kung kelan 'yan dapat tanggalin?

Kinagat ko ang ibabang labi ko at nagpatuloy nalang sa pamimili ng dvd.

"May napili ka na?"

Pinigilan kong hindi lumayo nang tumayo siya sa gilid ko. Ramdam na ramdam ko 'yung init ng katawan niya at agad na nagsi taasan mga balahibo ko. Hindi ko alam kung napansin niya pero kung aware man siya ay hindi siya nag react.

"Eto nalang," sabi ko bago iabot 'yung bala sakanya. "Hindi ko pa napapanood 'yan e."

"Love, Rosie?"

"Maganda daw 'yan," sabi ko.

Bumuntong hininga siya pero tumango sabay inabot pabalik sakin 'yung bala para isalang ko na. Sinet-up ko na 'yung dvd player sabay binuksan 'yung tv habang si Asher naman ay pumwesto na sa foam, 'yung likod niya nakasandal sa may couch.

Tumabi ako sakanya pero hindi tabing tabi. Kinuha ko 'yung unan ko mula sakanya at inilagay 'to sa may lap ko habang naka indian-sit at medyo nakakuba.

STASG (Rewritten)Where stories live. Discover now