Kabanata LVIII

4.7K 191 91
                                    

"It's stupid to hold on to something that just keeps hurting you, but it's also stupid to let go of everything you ever wanted."

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

     Hindi na ako tinitignan ni Jared. Mukhang mas interesado siyang titigan 'yung paso ng halaman sa may hallway kesa saakin. Naka kagat ako sa ibabang labi ko, iniisip kung ano ba ang dapat kong sabihin sakanya para maayos 'to. Ang hirap ng mga gantong sitwasyon kay Jared, 'yung hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil blanko ang ekspresyon niya. Galit ba siya? Iba na ba tingin niya sakin? Anong iniisip mo Jared Gordon? 

     "Okay lang naman eh.." mahina ang boses ko at parang mas kino-convince ko pa ang sarili ko kesa sakanya. Umiling siya at umurong ang dila ko. 

     "Hindi okay 'yun."

     "Normal lang naman 'yun diba? May something kami." Paliwanag ko sakanya. "Normal lang 'yun, nabigla lang ako." 

     Tumawa siya pero wala 'tong laman na kahit katiting na humor, "You were fucking unconscious. Bugbugin ko 'yun e."

     "Tumigil ka nga," mahinahong sabi ko. "Okay na kami ngayon. 'Yun ang importante."

     "I can't believe he did that to you. You're his bestfriend."

     "Eto naman," Ibinunggo ko 'yung balikat ko sakanya. "Kala mo naman ginahasa ako nung tao."

     "Ginahasa.." bulong niya. Tina-try 'yung bagong salita sa dila niya.

     "Rape," sabi ko sakanya na para bang napaka obvious ng translation. Ibinuka niya 'yung bibig niya para magsalita pero agad din itong isinara. Nangunot ang noo niya at hindi ko mapigilang hindi mapa ngiti. "Halika na nga, kanina pa nag-bell. Kahit absent si Ma'am baka i-late tayo." Umalis na ako at inuupuan ko at maglalakad na sana pero naramdaman ko 'yung kamay niya sa pulsuhan ko. Tinignan ko siya, ang puso ko nagwawala sa dibdib ko. 

     "Come here," utos niya. 

     Humakbang ako papalapit sakanya hanggang sa nakatayo na ako sa pagitan ng mga binti niya. Naka upo parin siya sa lamesa kaya naman mas mataas parin siya sakin. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso, hinahaplos ang mga 'to hanggang sa bumaba ang mga kamay niya sa kamay ko. Tinitigan ko ang mga mata niyang naghahanap. Ng ano? Hindi ko alam.

     "Jared-"

     Namilog ang mga mata ko at ang unang nag-register sa utak ko ay 'yung amoy niya. Alam niyo 'yung kapag nasa mall ka, tapos may dumaang lalaki? Tapos 'yung pabango niya 'yung amoy na hahanap hanapin mo? 'Yung kapag daan niya agad kang mapapalingon? Ganun ang amoy ni Jared. Sunod na pumasok sa isip ko ay 'yung mabilis na pagtibok ng puso niya at ang mga braso niyang naka balot saakin. Lumipas ang ilang segundo bago ko na-realize na yakap yakap pala ako ni Jared. Nagsi taasan ang mga balahibo ko. 

     "You deserve so much more.." bulong niya at nahigit ko ang hininga ko. 

     Humakbang ako palayo sa yakap niya at ipinatong 'yung dalawang kamay ko sa magkabilang tuhod niya. Ngumiti ako, "Alam ko." Sabi ko sakanya bago lumunok. "Pero anong magagawa ko? Mahal ko e."

     Tumango si Jared, "Mahal mo."

     Nilawakan ko ang ngiti ko bago kinuha ang kamay niya, "Akyat na tayo." Hinila ko siya at tumalikod na. Agad na napawi ang ngiti ko. 

STASG (Rewritten)Where stories live. Discover now