Kabanata VI

8.9K 251 75
                                    

"Please stop looking so attractive, i'm trying to stop liking you"

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

"Ang gwapo ni Angelo dito oh," sabi ni Ethel sakin bago ipakita 'yung picture ng crush niya. "Grabe."

Kinuha ko 'yung phone niya at pinindot 'yung back para makita 'yung instagram account ni Angelo. "Ba't hindi mo siya finofollow?" tanong ko bago 'to ibalik sakanya. Pababa na kami ng escalator.

Nagkibit balikat siya, "Kasi hindi niya din ako finofollow."

"Baka hindi niya alam insta mo?" sabi naman ni Kei sakanya.

Ngumuso si Ethel, "Edi alamin niya."

"Pa hard to get," kumento ni Tris. "Iba na ngayon! Babae na ang gumagawa ng first move."

"Makaluma ako e bakit ba?" mataray na sagot naman ni Ethel. Lumabas na kami ng SM at naglakad na pabalik ng campus.

"Makulimlim ah," sabi ko habang nakatingin sa langit. "Mukhang uulan."

"Juskoooo, tag-ulan nanaman!" sabi ni Tris habang yakap yakap ang sarili may papikit pikit pa. "Yes! Pwede na ulit mag jacketーuy mini donuts, Adi libre mo ako."

"Baka maabutan tayo ng ulan," sabi ko sakanya. "Tsaka wala na akong pera."

"Tch," inirapan niya ako. "Pulubi."

"Sabi ng nagpapalibre," sagot ko naman na ikinatawa ng dalawa pa naming kasama. Inismidan lang ako ni Tris at nauna ng maglakad.

Pagkapasok na pagkapasok namin ng campus ay nagsimula ng umambon. Mabuti nalang at may bubong sa may gate kaya hindi kami nabasa. Sa canteen kami dumaan at nakita ko doon sina Asher na namimili ng candy.

"Adi!" sigaw ni James bago ibuka 'yung dalawa niyang kamay para yakapin ako. Hindi pa siya nakakalayo sa pwesto niya ay nahapit na 'yung collar niya at agad na napa ubo dahil na choke siya. Lumitaw si Asher mula sa likod ni James, may naglalarong ngisi sa kanyang labi bago niya ako kinindatan. Ngumiti na lamang ako pabalik bago sila kawayan at lagpasan. Lumabas kami doon sa pangalawang pinto ng canteen, papunta sa may hagdanan.

"Hoooooy, nakita ko 'yun!" kinikilig na sabi ni Ethel. "Kinindatan ka niya!"

"Oh, ano naman ngayon?" kalmadong tanong ko.

"Sus, kunwari pa 'to." sabi ni Tris bago ibangga 'yung baywang niya sakin. "Siguro crush mo na 'yun noh?"

Tinaasan ko siya ng kilay, "Agad agad?"

"So crush mo nga?"

"Hindi!" sagot ko at nilakihan 'yung hakbang ko sa hagdan para mas mabilis makapunta sa fourth floor. "Baliw kamo kayo."

"Oy, sila lang 'yun." pagdepensa ni Kei sa sarili. "Hindi ako kasali jan."

"Seryoso ako bes," kumapit si Ethel sa braso ko. "Bagay talaga kayo. Parang Kim at Gerald." aniya.

"Nag-break sila," pag point out ko. "At pinatos ni Gerald 'yung bestfriend ni Kim."

"Napaka nega," sabi niya sakin habang nanlalaki 'yung mata. "Tsaka 'wag ka mag alala, may Angelo na ako."

"Maka Angelo naman 'to kala mo sila na," mahinang sabi ni Tris kay Kei. Pero dahil malapit lang ako, narinig ko ang sinabi niya at napangiti.

"At may Mateo si Maja." sagot ko sa sinabi ni Ethel.

"Tangina naman e," tinulak ako palayo ni Ethel sakanya. "Maki ride ka na nga lang!"

"Ayoko nga," sagot ko. "Wag niyo na ipilit ang imposible."

STASG (Rewritten)Where stories live. Discover now