Kabanata IX

8.9K 237 34
                                    

"What I have with you, I don't want with anyone else."

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

"Lex," kinalabit ko 'yung binti ni Ralex. "libre mo naman akong fishball."

"Ng?" kunot noo niyang tanong bago punasan 'yung pawis niya sa batok gamit 'yung bimpong nakasabit sa balikat niya.

"Fishball," ngumuso ako at kinalabit ulit siya. "Sige na, nagugutom ako e."

Bahagya niya lamang akong tinignan bago siya umiling at tumayo, "Tara." aniya.

Ngumiti ako at tumango bago ilapag 'yung bag ko sa inuupuan kong monoblock. Bumukas 'yung pinto ng computer shop at lumabas si Kiko. "Sa'n punta?" tanong niya.

"Bibiling fishball," sagot ko bago mag inat. Naramdaman kong tumaas 'yung uniform ko kaya naman agad kong ibinaba ito. "Ililibre ako ni Ralex."

"Sama ako," sabi niya habang lumalabas.

"Tangina ka, sumweldo ka dun sa photoshoot mo nung kelan." Sabi ni Ralex sakanya habang inilalabas 'yung iPhone niya. "Hindi kita ililibre ah."

"Damot naman nito," sagot ni Kiko bago isuot 'yung shades niya, 'yung tsinelas niya kumakaskas sa sahig habang naglalakad papunta samin. "Kahit isang kikiam lang."

"Ulol," ang sagot naman ni Ralex.

Ngumuso lamang si Kiko bago niya dinampot 'yung shoulder bag ko. "Wag mo iniiwan bag mo dito tanga," sabi niya bago 'to isukbit sa balikat niya. "Mamaya manakawan ka e."

"Akin na pala," sabi ko bago 'to kunin sakanya. "Lagay ko nalang dun sa loob, wait lang ah."

Tumakbo ako papasok ng madilim na computer shop, ang natatanging ilaw lang ay 'yong mga ilaw ng computer na nakahilera.

"Si Asher?" tanong ko kay Hero na nasa counter. Itinuro niya 'yung pinaka dulong computer kaya naman naglakad ako papunta doon. Nakita ko si Asher na busy mag facebook habang nags-soundtrip. Inilapag ko 'yung bag ko sa hita niya kaya naman agad siyang napalingon sakin at tinanggal 'yung headphones na suot niya. "Aalis ako, dito muna bag ko."

"Sa'n ka pupunta?"

"Manlilibreng fishball si Ralex," sagot ko. "Kasama din namin si Kiko."

"Ah okay," tumango siya bago ngumiti at ituro 'yung screen. "May nag-add sakin na Hannah. Chiks." Tumaas ang kilay ko at tinignan 'yung screen.

Isang magandang at maputing babae ang nakita ko. Kinuha ko 'yung mouse at pinindot 'yung profile picture niya. Kumunot ang noo ko, "Freelance model?" tanong ko habang ine-exit 'yung picture para makita 'yung info niya. Taga Montessori siya, isa sa mga maliliit na school sa loob ng base. Napansin ko 'yung pangalan ng photographer niya at na-realize na kapareho lamang 'to ng may hawak kay Kiko.

"Ayan 'yung ka-trabaho ni Kiko," sabi ni Asher. "Nakita niya siguro ako sa mutuals at napogian sakin."

Inilukot ko lamang ang ilong ko at tinignan siya, "Akala ko ba may nagugustuhan ka?"

Nilingon din ako ni Asher at nun ko lang narealize na sobrang lapit pala namin sa isa't isa. Pero dahil hindi siya lumayo ay hindi din ako lumayo.

"Meron nga," mahinang sagot niya. "Gusto ko parin siya."

Nag iwas akong tingin at tinignan na lamang 'yung screen. Itinuro ko 'yung Hannah, "Mas maganda ba 'yung gusto mo kesa jan?"

Tinignan ni Asher 'yung screen at sumalumbaba. Kinuha niya 'yung mouse at nagpunta na lamang sa newsfeed niya. "Hindi naman," sagot niya sa tanong ko. "Mas maganda si Hannah."

STASG (Rewritten)Where stories live. Discover now