Kabanata XV

6.5K 212 11
                                    

"I'm technically single but my heart is taken by someone I can't call my own."

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

"Adrianna!"

"Po?"

"Halika dito."

Ibinaba ko 'yung ballpen ko at isinara 'yung notebook ko bago tumayo, "Asan ka 'te?"

"Dito sa kwarto ko!" Sagot niya kaya naman nagpunta ako doon. Binuksan ko 'yung pinto niya at nakita siyang naka upo sa harap ng vanity mirror niya. "May ginagawa ka ba?"

"Yung assignment ko lang naman. Isang question nalang."

"Tapusin mo na pala ta's balik ka dito."

"Bakit?"

Ngumisi siya, "Ayusin natin kilay mo."

"Kilay ko?" Kunot noong tanong ko bago ako umiling. "Ayoko 'te."

Umirap siya, "Yung mga kalat kalat lang. Hindi ko naman ninipisan."

"Ehhh."

"Bilis na," nag iba 'yung tono ng boses niya. "Kapag 'di ka pumayag babawasan ko baon mo."

"Hala naman!" Napa padyak ako. "Isusumbong kita kay Mama!"

"Walang magagawa si Mama," aniya. "gagawin kong 50 'yun, sige ka."

"Ate naman e!"

Tinalikuran na niya ako at humarap nalang doon sa salamin. "Bahala ka" pagkanta niya.

Nagtama 'yung tingin namin sa salamin kaya naman inirapan ko siya bago ako padabog na umalis.

"Bilisan mo!"

"Whatever!"

Bumalik na ako sa kwarto ko at tinapos na 'yung assignment ko. Madali lang naman siya kasi nasa libro naman na lahat ng sagot. Kaya hindi nagtagal e natapos ko din siya. Isinara ko na 'yung notebook at libro ko tapos binalik ko na sa bag ko bago tignan 'yung cellphone ko.

May text pala si Asher, hindi ko napansin kanina. May text din si Ethel kaya naman inuna ko na 'yun.

ETHEL: Bes, nasagutan mo na ba yung assignment? Hindi ko mahanap yung mga meaning putspa

ADRIANNA: maghanap ka ang tamad mo talaga

Binuksan ko na 'yung kay Asher.

ASHER: Kakagising ko lang

ADRIANNA: so?

Tumayo na ako sa kama ko at lumabas ng kwarto ko para puntahan si Ate Sky sa kwarto niya.

ASHER: Gusto ko ng kausap, ikaw unang pumasok sa isip ko e

ADRIANNA: woo neknek mo

ASHER: Wala ako nun
ASHER: Ay wait haha
ASHER: Mali basa ko
ASHER: Kala ko sabi mo ano hahaha

ADRIANNA: ang libog mo talaga

"Tapos ka na?" tanong ni Ate pagkapasok ko. Tumango tango ako, 'yung simangot ko kanina bumalik dahil ayoko talagang ipagalaw kilay ko. Ayokong matulad dun sa mga babaeng lapis nalang ang kilay sa sobrang nipis. "Upo ka dito."

ASHER: Sayo lang

Kinagat ko 'yung loob ng pisngi ko para pigilan ang nagbabantang ngiti sa labi ko.

STASG (Rewritten)Where stories live. Discover now