Kabanata XIV

7.7K 229 50
                                    

"Admit it, you're waiting for something that you know is never gonna happen and you're completely aware of that. Am I right?"

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

"Ow!" daing ko. "Ang daya mo! Hindi naman ganun kalakas suntok ko!" Nang gigigil na sabi ko bago kurutin 'yung balat sa may kili kili ni Asher.

Agad siyang napahiyaw sa sakit bago niya hinampas 'yung kamay ko. "Wag dyan!" sigaw niya. Bumitaw na ako at sinamaan siya ng tingin. "Hindi naman ganun kalakas suntok ko! Mas grabe nga 'yung sa'yo e!" Itinaas niya 'yung sleeve ng polo niya. "Tignan mo nga oh! Pulang pula na!"

"Eh tignan mo naman 'yung akin?!" itinaas ko 'yung sakin at pinakita 'yung nag v-violet kong balat.

"Puta," mura niya bago hawakan 'yung siko ko at hilain 'to para matignan 'yung pasa ko. "Ba't ganto naman na?"

"Pasain talaga ako diba?" binawi ko na 'yung braso ko at binaba 'yung sleeves ko. "Tsaka ako naman nag aya na magsuntukan tayo e."

Hinawakan niya ulit 'yung braso ko at medyo hinimas 'yung ilalim nung pasa ko gamit 'yung thumb niya. Kinagat ko 'yung loob ng pisngi ko para hindi dumaing.

"Masakit ba?" nag aalalang tanong niya at umiling lamang ako. "Ano ba kasing trip mo?"

"Wala lang."

"Sorry," aniya. "Sorry talaga. Ang tagal mo na kasing hindi nagka pasa. Nawala sa isip ko."

"Sus," ngumuso ako. "Wala kang kasalanan. Ako nga nag aya e. Kulit mo din nu?"

Ngumisi siya, "Alam mo naman kasing game ako sa kahit anong aya mo e."

"Ows?" tinaasan ko siya ng kilay. "Kung ayain kitang maghalikan tayo, game ka?"

Panandaliang lumaki 'yung mata niya dahil sa sinabi ko. Tapos napatingin ako sa labi niya nung basain niya 'to. Nakita ko 'yung pangil niya nung ngumisi siya bago lumapit sakin. Nalipat ko 'yung tingin ko sa mapungay niyang mga mata at kumalampag 'yung puso ko sa dibdib ko. Nakita ko ang panandalian niyang pag sulyap sa labi ko bago niya 'to ibinalik sa mata ko.

"Malay mo," mahinang aniya. "Oo."

Lumayo siya at agad na pumutok 'yung kung ano mang bubble na nakabalot saming dalawa kanina.

Medyo natulala ako dahil sa sinabi niya kaya naman umiling ako at lumunok. Sumulyap ako sa wall clock ng classroom nila at tumayo, "Malapit na pala mag-time. Balik na ako sa classroom namin."

Tumango siya at itinabi 'yung paa niya para makadaan ako, "Okay, ingat sila sa'yo. Tanga ka pa naman."

Isinipa ko patalikod 'yung paa ko nung malagpasan ko na siya kaya naman tumama 'to sa binti niya.

"Tss, lumayas ka na nga. Dadating na crush ko." Napatigil ako at napatingin sakanya dahil sa sinabi niya. Itinataas baba niya 'yung kilay niya at may naglalarong ngisi sa kanyang labi. Lumipat 'yung tingin niya sa kung ano mang nasa likod ko.

Lumingon ako at nakita si Abigail na papasok na ng classroom, 'yung seatmate niya. Uminit 'yung gilid ng mata ko at napalunok ako. Siya pala.

"Hi Adrian!" bati niya nung nakita niya ako. Sobrang lambot ng boses niya. Bagay na bagay sakanya dahil sobrang hinhin niya at napaka bait.

"Uy, Gail." Bati ko pabalik pero hindi ko magawang ibalik 'yung ngiti niya.

"Babalik ka na sa room niyo?" tanong niya at tumango lamang ako tapos pilit na ngumiti.

Nilagpasan ko na siya at nagmamadaling lumabas ng classroom. Nakita ko pa si James na nakatingin sakin, pag aalala ay halata sa mata niya. Nung makalabas na ako ay sumulyap pa ako sa bintana. Pagka upong pagka upo ni Abigail sa tabi ni Asher, naghiyawan ang mga kaklase nila. Nag iwas nalang ako ng tingin at nagmamadaling naglakad pabalik sa classroom ko.

STASG (Rewritten)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon