Kabanata LXII

4.1K 200 68
                                    

"Bago ka mag-mukmok at mag-drama dahil binabalewala ka niya, isipin mo muna kung mahalaga ka ba talaga."


✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄


"Mag lagay kayo ng baby oil bago kayo magpa ulan!" Sigaw ni Tita pero nag tuloy tuloy lang kami ni Asher na tumakbo papalabas ng bahay habang tumatawa at magka hawak kamay. "Magkaka sakit kayo!"

"Bilis bilis!" sabi sakin ni Asher at parehas kaming napa sigaw sa pag buhos saamin ng ulan pagka tapak namin sa ilalim ng bubong kung saan tuloy tuloy ang pag agos ng tubig.

"Labas tayo!" aya ko sakanya habang hinihila siya papuntang gate. Mabuti nalang at parehas naming naisipang mag tsinelas nalang upang 'di kami madulas. 'Wag lang sana kami maka tapak ng kung anong matalim sa sahig o kaya'y lumot.

Naka rating kami sa kalsada sa tapat ng bahay nina Asher. Mabuti nalang at walang naka paradang jeep ngayon at walang mga taong makaka kita ng kabaliwan naming dalawa.

Tumayo si Asher sa gitna ng kalsada at itinaas niya ang dalawa niyang kamay, "WOO!" Sigaw niya bago tumawa at bigyan ako ng isang malaking ngiti. Bagsak ang buhok niya at naka dikit ang harapang parte sa noo niya, lukot at ilong niya at singkit ang mga mata niya dahil lamang sa abot tenga niyang ngiti. Inilagay niya sa batok niya ang magka bila niyang kamay sabay inihila ang damit niya hanggang sa tuluyan niya na 'tong nahubad. Wala na itong ibang saplot kundi ang itim niyang boxers at napa titig ako sa makisig niyang pangangatawan. Hindi nakatulong sa pag iisip ko ang pagka basa niya ngayon.

Matangkad, makisig, matipuno at gwapo.

Hindi nag gy-gym itong si Asher tulad ni Angelo at Jared pero maikukumpara ko talaga ang katawan niya sakanila. Malapad ang kanyang mga balikat at imposibleng maibalot ko ang kamay ko sa mga braso niya. Mayroon siyang suot na itim na kwintas na hindi ganoon kahaba at ang itim at bilog na pendant nito ay nasa pagitan ng collarbones niya. Madalas mag buhat ng mabibigat si Asher kapag nasa bahay lamang siya at palagi din siyang tumutulong sa tatay niya kapag nag aayos ito ng motor o 'di kaya sasakyan kaya naman nabiyayaan siya ng ilang abs.

Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ko ang kanyang halakhak. Nag init ang pisngi ko nang ma-realize kong ako pala ang tinatawanan niya. "Sasabihin mo na ba saking mahal mo din ako? Aaminin ko, kung gagawin mo 'yun dahil sa nakikita mo, matagal na sana akong naghubad sa harap mo."

Kasing pula na ata ako ng kamatis ngayon, "Asher!"

Tumawa nanaman siya at ilang hakbang lamang ay nasa harapan ko na siya at binubuhat na ako. Napa tili at napatawa ako habang iniikot niya ako. Hinampas ko ang kamay niyang naka hawak sa tyan ko, "Asher! Ibaba mo ako! Baka mabitawan mo ako!"

"Sabihin mo munang mahal mo ako," sabi niya sa tenga ko. Hindi na niya ako iniikot pero marahas namang inililipat pakaliwa at pakanan.

Tumawa nanaman ako dahil pa-simple na niya akong kinikiliti. "Never!"

"Ah ganon ah?" Ibinaba niya ako at inatake na ng mga kiliti niya.

"Asher! Hindi! Na! Ako! Maka hinga! Hahaha!"

"Hindi mo ako mahal? Ha? Hindi?"

Napahagikgik ako, "Secret!"

"Aba't!"

Nagawa kong makatakas sa mga bisig niya sa pamamagitan ng pag upo at pag galaw ng parang kiti kiti hanggang sa lumuwag ang hawak niya sakin. Sinubukan kong tumakbo palayo pero nakaka ilang hakbang palang ako ay nahablot na niya ang likod ng damit ko.

STASG (Rewritten)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant