Kabanata XVI

8.2K 235 22
                                    

"When I see you two together, I see something in your eyes. Something I don't see whenever you look at me."

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

"Kasi sabi ko, 'wag na siyang umupo dun. Eh umupo parin. Nakita tuloy siya ni Ma'am, kaya ayun, pagalitan nanaman siya." Pagku-kwento ko kay Enrico habang naglalakad kami papuntang Block 3.

"Ah, kaya pala." Sagot naman niya habang naka pamulsa.

Tumingala ako at agad na napasimangot dahil sa sikat ng araw. Yumuko ulit ako at kumurap kurap, 'yung ilaw mula sa araw nakikita ko parin. "Tingin mo uulan ngayon?" tanong ko habang pinipigilan ang sarili para 'wag kusutin 'yung mata ko.

"Posible," aniya. "pero 'wag sana. Wala akong dalang payong e."

"Ay," medyo napatigil ako. "nasoli ko naman payong mo diba?"

"Oo."

Tumango tango ako at humikab, "Antok pa ako."

Nilingon ako ni Enrico, 'yung isang mata niya nakasara at medyo lukot 'yung ilong niya dahil sa sikat ng araw. "Matulog ka nalang sa jeep mamaya." Aniya habang isinusuklay 'yung mga daliri niya sa buhok niya.

"Ang haba na ng buhok mo," kumento ko. "baka pagalitan ka ni Ma'am Manla nyan."

Ngumuso siya, "Bayaan mo 'yung gurang na 'yun."

"Bakit kaya hindi pa nag re-retire 'yun? Halos sixty na siya diba?"

Nagkibit balikat si Enrico, "Wala sigurong papalit."

"Ang dali dali lang ng subject niya e. TLE."

Hindi na sumagot si Enrico. Dumating na din kasi kami ng Block 3 at agad kong nakita si Asher na papalabas palang ng gate nila. Agad na tumalon sa tuwa 'yung puso ko.

"Morning bes!" bati ko sakanya.

Agad siyang napalingon sa direksyon namin bago siya ngumiti, "Uy." bati niya pabalik bago humarap sa gate para isara ito.

Sumulyap ulit siya sakin ng nakakunot noo habang ini l-lock 'yung gate. "Bakit?" tanong ko sakanya habang lumalapit.

Nung natapos na siya sa pag lock, inayos niya 'yung pagkaka-sukbit ng bag niya sa balikat niya tapos lumapit at hinawakan ang pisngi ko. Naramdaman ko nanaman ang pag hampas ng puso ko sa dibdib ko dahil lamang sa simpleng hawak niya. Hinaplos niya 'yung pisngi ko habang nakakunot noo.

"Ba't parang.." bulong niya bago iginilid 'yung ulo ko.

"Ano?" tanong ko bago itulak palayo 'yung kamay niya. "Wag mo nga akong hawakan."

Hindi siya nagreklamo sa ginawa ko. Hindi niya na din ako hinawakan. Inilapit niya nalang 'yung mukha niya at itinagilid ng kaunti 'yung ulo niya.

"May nagbago sa'yo."

Nakita ko na 'yung paparating na pulang jeep kaya naman inirapan ko na lamang si Asher bago hawakan 'yung pulsuhan ni Enrico para hilain siya. "Nag mascara ako." Sabi ko kay Asher habang naglalakad palayo, hila hila si Enrico.

Sumakay ako sa dulo at sa tapat ko naman umupo si Enrico kaya na-bakante 'yung tabi ko. Bago ko pa mailapag 'yung bag ko doon ay umupo na si Asher. Ipinatong niya 'yung dalawang siko niya sa ibabaw ng magkabila niyang binti bago ipinag intertwine 'yung mga daliri niya. Tinitigan niya ako kaya naman inirapan ko siya at humarap nalang sa labas.

"Ganda mo ah." rinig kong sabi niya.

Agad akong napakagat sa loob ng pisngi ko at napanguso para pigilan ang pag ngisi pero kahit anong gawin ko ay napapangiti parin talaga ako. Napa sulyap ako kay Enrico at nakitang nakatingin na siya sakin habang nakataas ang isang kilay. Nag init ang pisngi ko at yumuko na lamang. Naku! Nahuli pa akong kinikilig.

STASG (Rewritten)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon