Kabanata XLIV

4.6K 220 56
                                    

"I need you like a heart needs a beat."

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

Naka survive ako sa periodical exams. Confident ako na pasado ko lahat ー pwera sa math ー ng in-exam namin. Todo review ba naman ako diba?

Joke lang.

Babagsak ako. Patayin niyo na ako.

Napuyat ako kagabi kakasulat ng mga notes ni Asher tapos alas singko ako gumising para makapag-review ng kaunti. Umasa ako sa mga GM at sa papel ni Jared habang nag e-exam. Halos agawin ko na 'yung papel niya para lang makita ang mga sagot niya.

"Pano ako makakapasok sa top ten neto?" pag da-drama ko sa inaantok na katabi ko. Kanina niya pa gusto matulog pero nagigising siya tuwing niyuyugyog ko ang balikat niya. "Sira na ang future ko Jared. Hindi na ako makaka tungtong ng college. Wala na akong future."

Malamyang tinapik niya ang kamay ko, "Papasa ka Ma'am."

"Hinde!" iyak ko sabay itinulak siya at kamuntik na siyang bumalentong sa upuan niya.

"You copied my answers, right?" tanong niya.

"English, Computer tsaka CL lang."

Tumango si Jared habang naka pikit at naka ngisi "Papasa ka."

Sinapok ko siya, "Ang kapal mo ha!"

Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ito bago tuluyan nang natulog. Saglit ko siyang tinitignan bago lingunin si Kei at Henry na naka upo sa upuan sa harap namin ni Jared.

"Henry!" iyak ko at hinablot ko ang hood ng jacket niya. "Babagsak ako sa exam!"

Nilingon niya ako ng nakasimangot bago nag register sa utak niya ang sinabi ko. Ngumiti siya ng pagka lawak lawak, "Ako din! Apir!" Napatawa ako at hinampas nalang 'yung kamay niya palayo sakin.

May tumakbo pabalik ng upuan niya kaya naman lahat kami ay napalingon sakanya, "Andyan na si Ma'am!" aniya at parang mga daga, nagsi takbuhan ang mga kaklase ko pabalik sa pwesto nila. Ako naman ay ginising si Jared at sabay naming pinulot 'yung mga papel na binato ni Tris sakanya.

Pumasok ng classroom si Ma'am at agad kaming nagsi tayuan, "Goodmorning Mrs. Catacutan!"

"Again," masungit na sabi niya habang naglalakad papunta sa teacher's table.

"GOODMORNING MRS. CATACUTAN!"

Kinagat ko ang loob ng pisngi ko para hindi ngumiti. Boses nanaman ni Beatrice ang nangibabaw sa lahat at nang lingunin ko siya, nakita kong nagtatago siya sa likod ni Kris para hindi mapagalitan.

"Prayer leader," ani Ma'am.

Nahihiyang naglakad si Angelo papunta sa harap. "In the name of the father, and of the son and of the holy spirit.." panimula niya pero tulad namin ni Jared at Kei, hindi siya nag sign of the cross. "Bless us oh Lordー ay..."

"Excited kang mag recess, Angelo?" kumento ni Ma'am.

Namula si Angelo at napakamot sa ulo niya bago yumuko ulit, "Glory be to the father and to the son and to the holy spirit.."

"Amen."

"You may now take your seat," ani Ma'am bago iharang ang kamay niya para hindi maka alis si Angelo. "Paki give out 'yung exam papers."

"Oh my shit," bulong ko sa sarili ko kasunod ng pagkalabog ng puso ko.

May humila ng kamay ko palayo sa bibig ko. Napatingin ako kay Jared at umiling siya, "Bad habit." Inupuan ko nalang 'yung dalawang kamay ko dahil nginangatngat ko nanaman pala 'yung kuko ko.

STASG (Rewritten)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon